Share

Chapter 48

Anastacia’s POV

NAPILITANG umalis si Francis nang hindi kami nakakapag-usap. Ang nakakatawa ay binawi niya ang mamahalin niyang bouquet at masama ang loob na umalis. Wala naman akong pakialam kahit bawiin niya iyon dahil hindi naman ako mahilig sa bulaklak.

Bumalik ang paningin ko kay Leonardo nang mahina siyang natawa.

“He took his gift back. Is that your type of guy?”

Nangunot ang noo ko habang tinitingnan siya. “Anong pakialam mo? At bakit nandito ka?”

Sinulyapan niya si Aki na bumitaw na sa kaniya at nakahawak na ngayon sa kamay ko. Panandalian akong natakot nang akalain ko na inakala ni Aki na si Leonardo ang kaniyang ama pero mukhang kilala ni Aki ang hitsura ng kaniyang ama kahit sa litrato niya lamang ito nakita.

Bumaba ang tingin ni Leonardo sa paslit na nakahawak sa kamay ko. Alam kong sa unang tingin sa mukha ni Aki ay hindi maipagkakaila kung sino ang kaniyang ama. Wala naman akong balak itago si Aki kay Alessandro pero hindi pa ako handang harapin siya ngayon. Alam kong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status