Share

Chapter 13

Chapter 13

"N-NAAKSIDENTE..." Hindi agad nakapag react sila Anna at Annie sa narinig. Para silang nabingi sa sinabi nang babae.

"W-What?!" Sabay nilang bulas ni Annie at napatayo pa. 

Si Sheena naman ay humagulhol na.

"S-Sheena...t-totoo ba 'yan?" Tanong ni Annie at maluha-luha na ang mga mata.

Tanging paghagulhol lang ang isinagot ni Sheena kay Annie. Si Anna naman ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman. 

Nanginginig ang mga kamay na kinuha ni Anna ang cellphone at tinawagan si Ivan.

Nakakatatlong ring na ang cellphone niti ngunit hindi pa rin sinasagot.

"Sumagot ka, please..." Mahinang aniya.

Kaunti nalang ay mababasag na ang boses ni Anna.

Natigil si Anna sa ginagawa at naupo na ng marami-rami na ang kaklase nilang pumapasok sa classroom.

Unti-unti na ring umiingay ang paligid.

Humina na rin ang kaninang malakas na paghagulhol ni Sheena ng mapansing madami na ang nasa loob ng classroom.&

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status