Share

Chapter 4

Chapter 4

"A bottle of tequilla please." Skylar ordered when he entered the bar. Dumeretso sa stool na bakante at doon hinintay ang order niya.

Hindi pa man nakakalipas ang limang minuto ay nakarating na agad sa kaniya ang boteng inorder niya.

Hindi na siya nag sayang ng oras at agad tinungga ang bote ng tequilla. Habang umiinom ay sumagi sa isipan niya ang paghapit ng baywang ni Sky sa baywang ni Anna. Humigpit ang pagkakahawak niya sa bote at tinungga ang laman nito.

"One more please."

Ganoon lang ang nangyari kay Skylar sa loob ng bar. Patuloy lang siyang umiinom at pagkakatapos maubos ay oorder pa ulit ng isa. Nagtagal siya sa loob ng ganoon lang ang senaryo.

Naiinis at nagagalit siya dahil ayaw niyang may humahawak ng ganoon kay Anna. She is mine only.

Naiinis rin siya sa sarili niya dahil sa unang paglapat niya palang kay Anna ngayong gabi ay uminit na agad ang katawan niya. And it's not good.

Not. Good.

Ngayon pa na marami na siyang nainom. Mas lalo niya lang pinainit ang kaniyang katawan. At gusto niya itong lumabas, dating gawi, hahanap ng babae pagkatapos marausan, saka aalis na parang walang nangyari.

At iyon ang balak niyang gawin ngayon.

Minsan nga ay nagdadala pa siya ng babae sa bahay nila at alam niyang nakikita iyon ni Anna.

Skylar is a womanizer. But there's a woman who captured his heart, and that's Anna.

Kailanman ay hindi niya gagawin kay Anna ang ginagawa niya sa mga nagiging babae niya. Kapag nakuha niya na ang puso ni Anna, swear to his heart, hindi niya ito lolokohin at wala siyang balak na lokohin ang babae.

Pero sa istado niya ngayon, kailangan niya ng mararausan dahil hindi siya sanay magparaos mag isa kapag tinamaan siya matinding libog.

Tinignan niya ang lamesa na kaharap at anim na bote na ang naiinom ni Skylar. Pang pito amg boteng hawak niya.

He's now bored and he wants to release the heat that burning up in his body. Iniikot niya ang stool na kaniyang inuupuan at inilibot ni Sky ang kaniyanng mga mata sa paligid.

Maingay, puno ng usok at mga paiba ibang sindi ng mga ilaw ang nasa loob ng bar. Maraming nagkukwentuhan, may mga umiinom lang mag isa, may naghahalikan na halos mag make out na at karamihan ay dito na nag gumagawa ng milagro. Sa gitna naman ay mga nagsasayawan na mga tao.

"Hey handsome, why are you alone?" Napalingon siya sa nagsalita. Nasa gilid niya ito, nakatayo at halos ipagdikdikan na ang d****b sa mukha niya sa lapit nito.

Hindi na nagpakipot pa si Skylar at hinapit niya ng mabilis ang baywang ng babae papalapit sa kaniya dahilan para mapaupo ito sa kandungan niya.

"Want to have some fun with me?" Bulong niya sa tainga ng babae at dinilaan ni Skylar ang earlobe ng babae.

He heard her giggled.

"I would love to." Saad ng babae at idiniin ang puwetan sa gitna ng hita ni Skylar. Awtomatikong napangisi si Skylar sa ginawa nito.

"Then let's go to my place." Pagkasabi niyon ni Skylar ay agad niyang hinatak palabas ang babae sa bar. Pagkatapos ay dumeretso siya sa kung saan naka parke ang kaniyang sasakyan.

Sa passenger seat pinagbuksan ni Skylar ng pinto ang babae.

"So, you're gentleman huh?" Ngumisi ang babae. "I wonder if we're in bed?"

Si Skylar naman ang ngumisi.

"Well, let's see then." Nakangising saad ni Skylar bago isarado ang pinto at saka umikot sa harapan ng kotse at sumakay sa driver seat.

"Put your seatbelt on, for our safety." Paalala ni Skylar. Tumawa lang ng mahinhin ang babae ngunit sinunod ang sinabi nito. Nagseatbelt na rin si Skylar bago simulang buksan ang makina ng sasakyan at simulang paandarin palayo sa bar.

"HEY, guys, have you seen kuya Skylar?" Tanong ni Anna sa mga kaibigan. Isang programa nalang ang gaganapin at pwede nang mag saya ang lahat.

"Nope, why?" Ani Sheena.

"Not seen him." Ani Drake at Annie. Sabay pang sumagot ang dalawa at sabay rin silang nagkatinginan ngunit umiwas kaagad ng tingin. "Hmph!"

"18 dances na kasi ang sunod pero nung magsimula ang program ay hindi ko na siya nakita." Paliwanag ni Anna sa mga kaibigan at mababakas sa mukha ni Anna ang pag-aalala at lungkot. "Siya pa naman ang last dance ko."

"Baka nandiyan lang Anna," Saad ni Ivan na ikinalingon niya rito.

"Kanina ko pa siya hinahanap pero wala."

"C'mon, nandito naman si kuya Sky, if wala pa rin si kuya Skylar mo, si kuya Sky nalang ipalit natin. Diba, Sheena?" Suhestiyon ni Annie na mahahalata mo naman ang pagkapilya sa boses nito.

Nilakihan niya ng mata si Annie dahil nasa tabi niya lang si Sky. Alam kasi ng mga ito na ultimate crush niya ang nakatatandang kapatid ni Ivan.

"Huy, ano ba kayo. Nakakahiya." Mahina ngunit madiin na sabi ni Anna sa mga kaibigan habang namumula ang magkabilang pisngi. Pasimple niya itong nilalakihan ng mata ngunit nag tawanan lang ang mga ito.

"Ehem," napatingin sila kay Ivan. Lumapit si Ivan sa kapatid pagkatapos ay inakbayan ito. "Kuya Sky, pwede naman diba? If hindi pa rin dumating si Skylar. Ikaw nalang ang pumalit." Nakangising untag ni Ivan at inalig alog pa ang balikat ni Sky.

"Yeah," pag sang-ayon ni Drake na sinabayan pa ng pagtawa.

"Hmm..yeah sure. I would like to dance with you either, Anna." Saad ni Sky na nakapagpatili sa dalawang babae. Si Drake at Ivan naman ay naghiyawan. Pinagtinginan tuloy sila ng mga bisita kung kaya’t sinaway sila ni Anna.

Tanging pagtawa lang ang nagawa ni Sky.

Namumula namang tumingin si Anna kay Sky at isinabit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kaniyang tainga.

"E-Eyes leng be? (Ayos lang ba?)" Napapikit si Anna dahil bumaluktot ang dila niya. Masyado na siyang kinikilig.  

"Luh, Anna, angyare sa ‘yo? HAHAHAHA." Malakas ang tawanan ng  mga kaibigan niya dahil sa naging pananalita niya.

"Si Anna kinikilig! Yieeee!" Asar ni Drake at malakas ang pagkakasabi niya niyon kaya pinagtinginan ulit sila ng mga bisita.

"Ayieeee!" Nakigaya na rin ang iba at parang walang pakealam ang mga ito sa mga nagtitinginan na tao.

Natigil ang kaninang pag iingay at napalingon sila sa stage ng magsalita ang MC sa harapan.

"For tonight, our last program! 18 dances!" Sigaw ng MC kaya naghiyawan ang mga tao. May nakahanda ng sayawan sa gitna at doon siya isasayaw ng mga lalaking napili.

"Where's our birthday celebrant? Come here na bebe sa gitna!" Tawag sa kaniya ng MC at inilibot ang mga mata. Hindi na niya pinag hintay ang MC at pumunta na siya sa gitna kung saan siya isasayaw.

"Calling the first dance of our birthday celebrant! Mr. Ronaldo Grideon!" Announce ng MC.

Hindi naman nagtagal ay lumabas na ang papa ni Anna na may dala dalang isang bulaklak ng rosas. Hinintay niya munang makalapit ang ama bago ito salubungin ng yakap.

"Thank you po, papa." Bulong niya sa kaniyang ama bago humiwalay. Nginitian siya ng ama kasabay ng pagbigay nito sa kaniya ng bulaklak.

"Again, happy 18th birthday anak. Dalaga ka na talaga." Nakangiting bati ng ama niya kay Anna. Hindi naman mapigilan ni Anna ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.

Habang isnasayaw siya ng kaniyang ama ay ipinalibot niya ang kaniyang mga. Makikita sa mga mukha ng manonood ang saya. Lalong lalo na sa kaniyang ina na nasa gilid at nanonood sa kanila. Umiiyak ito at mababakas mo  sa mukha nito ang kasiyahan.

Natapos ang pagsasayaw ng kaniyang ama kung kaya’t nagpatuloy ang MC sa pag anunsyo ng mga manananayaw.

Nagpatuloy ang ganitong scenario hanggang sa umabot na ng 15 roses. Kasayaw niya si Luke, ang pinakaclose niyang pinsan sa lahat sa father's side. Katulad kay Ivan, simula pagkabata ay magkaibigan na silang dalawa at sabay silang lumaki. Nagkahiwalay lang noong lumipat sa Manila ng tirahan sila Luke.

At ngayon lang ulit sila nagkita. Isang taon lang ang agwat ni Luke sa kanya.

"You’re 18 now, Anna. Hindi ka na little girl, big girl ka na." Saad ni Luke habang isinasayaw siya ng mabagal. Tumawa naman ng mahina si Anna.

"Anyways, happy birthday ulit. Basta pa rin ako lagi. Okay? Always remember that, Anna." Tumango si Anna bilang pag sagot.

"I miss you so much, Luke. Bakit kasi ngayon ka lang?" Nakasimangot na saad ni Anna na nakapagpatawa kay Luke.

Hindi inaasahan ni Anna na yayakapin siya nito ngunit kalaunan ay niyakap niya ito pabalik.

"I miss you too, Anna. So damn much." Saad ni Luke at mas humigpit pa ang yakap nito. "I have good news, dito na ulit ako titira."

Natulos si Anna sa kinatatayuan at nanlalaki ang matang tumingin kay Luke.

Ngayon lang niya napansin na nagbago na pala ang hitsura nito. Mas naging gwapo ito kumpara noon. Matikas rin ang tindig. Mas tumangos ang ilong at mapupula ang mga labi. May makakapal na kilay at hindi kahabaan ang pilik mata ngunit madadala ito ng magagandang mata ni Luke.

"Too shocked huh?" Nakangising untag ni Luke. Napakurap kurap si Anna at hindi pa rin makapaniwala sa narinig.

"T-Talaga? Talagang talaga?" Paninigurado ni Anna at tumango si Luke tanda na dito na talaga siya titira. Napatalon si Anna sa tuwa at niyakap ng mahigpit ang pinsan.

"Chillax, teka may tatlo pang sasayaw sa ‘yo. Una na ako, usap nalang tayo mamaya." Saad ni Luke at ginulo ang ibabaw ng buhok niya bago umalis. Naiiyak na hinabol niya ito ng tingin habang nakangiti.

"For our 16th dance, Mr. Drake Sevirio!" Agad tumayo si Drake sa kinauupuan niya at agad na lumapit kay Anna. Ibinigay niya muna rito ang isang bulaklak ng rosas bago niya hawakan si Anna sa beywang at isayaw.

16 roses na ang naiipon ni Anna.

"Happy birthday, Anna." Nakangiting bati ni Drake habang ininasayaw siya ng mabagal.

"Thank you for being our friend. I love you," na-touch sa sinabi ng kaibigan. "As a friend." Napa face palm si Anna sa kaibigan kaya wala sa oras na napatigil sila sa pagsasayaw at nabigyan niya ng isang malakas na batok si Drake.

"Malamang! Bestfriend ko kayo kaya walang malisya sa akin iyon. Lagyan pa ng label eh? Nyeee hindi bagay sa ‘yo. Hmp." Saad ni Anna kay Drake na nakapagpatawa sa karamihan. Napalakas pala ang boses niya.

Napakamot sa batok si Drake.

"What do you mean, hindi bagay?"

"Dzuh, ayaw niyong maglagay ng label ni Annie." Untag muli ni Anna ngunit sa pagkakataong ito, sinisigurado niyang si Drake lang ang makakarinig.

"What the fuck?" Parang natulos si Drake sa kaniyang kinatatayuan kaya hindi napigilan ni Anna ang tumawa ng malakas.

"Lagyan mo na kasi ng label." Nakangising bulong ni Anna.

"How the fuck did you know that?" Nagkibit balikat lang si Anna sa tanong nito at sa halip na sagutin ay pinaalis na niya ito.

"Shoo shoo, may dalawa pang sasayaw sa akin." Hindi pa rin inaalis ni Anna ang nakalolokong ngisi. Binigyan siya ni Drake ng mapanuring tingin bago umalis.

"We'll talk later." Habol pa nito at umalis na sa gitnang parte.

"For our 17th roses, Mr. Ivan Devon!" Lumabas sa isang sulok si Ivan dala ang isang bulaklak ng rosas. Masisilaw ka na talaga sa kagwapuhang taglay ni Ivan. Mahahaba ang pilik mata, maganda ang hugis ng labi at natural na mapula ang mga ito. Medyo singkit ang mga mata at makakapal ang kilay.

"Happy birthday, Anne." Kasabay ng pag abot ni Ivan sa kaniya ng bulaklak ng rosas.

"Thank you." Sinimulan na siyang isayaw ni Ivan ng mabagal. "Huwag ka na mag diet, magpataba ka nalang."

Napatingin siya kay Ivan sa sinabi nito kaya nahampas niya ito sa braso.

"Heh, gusto ko sexy ‘no. Para hot." Saad niya sa kaibigan ngunit tinawanan lang siya nito.

"Pft, hot hot pa, payatot ka na nga." Asar ni Ivan.

"It's called petite, duh." Inikutan pa ng mata ni Anna si Ivan.

"Yeah yeah, whatever." Pag suko ni Ivan at nginitian ng matamis si Anna bago tigilan ang pag sayaw.

"Enjoy your night." Saad nito bago tuluyang umalis sa gitnang parte na kanilang pinagsasayawan.

"For our last dance! Our 18th dance, Mr. Skylar Valdez Grideon!" Sigaw ng MC. Nagpalakpakan naman ang mga tao. Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring pumupunta sa gitna para isayaw siya.

"Mr. Grideon?" Tanong ng MC habang naka mic. Bumalik ang pag aalala at lungkot na naramdaman ni Anna kanina. Ipinalibot niya ang mga mata, nagbabakasaling makita ang kuya Skylar niya. Ngunit walang mahagilap ang mga mata niya.

Nasaan ka na ba, kuya?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nhela Mendoza
Pa unlock nman po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status