Share

Chapter 25: Missing

Kabanata 25

Missing

Napatigil lamang ako sa pag-iisip nang mapansing gumalaw ang isang daliri ni Chadrick. Lumapit ako sa kaniya. "Chadrick… Sir."

Dahan-dahan nitong minumulat ang mga mata. Napatingin siya sa gawi ko. Napangiti ako nang makitang gising na rin siya.

"Teka, tatawagin ko lang ang doktor." Pahakbang na sana ako ngunit napatigil ako nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa pulsuhan ko. Napabaling ako sa kaniya. "Bakit? Masakit pa rin ba ang sugat mo?"

Hindi siya kumibo kaya nagsalita ulit ako. "Nagugutom ka-"

"Dito ka lang," napapaos niyang sinabi at dahan-dahan siyang umuupo sa higaan.

Nang makitang pumipikit-pikit pa siya at parang nahihirapan umupo ay inalalayan ko na siyang makaupo ng maayos. Sa hindi sinasadya ay nahawakan ko pa tuloy ang sugat niya sa tagiliran kaya rinig ko ang pag-aray niya.

"Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya!" Dahil sa pagkataranta ay tinaas ko pa ng bahagya ang kaniyang puting t-shirt sa bandang tagiliran niya para silipin kung dumugo ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status