Share

Chapter 31: Danger

Kabanata 31

Danger

“P-Paano nangyari ito? Bakit may mga pulis?!” sigaw ng lider nila. Binalingan pa nito ang dalawang kasamahan pero umiling lang ito sa kaniya. Wala ring ideya sa mga nangyayari ngayon.

“Paano nangyari? Nalagyan ko ng tracking device sa ilalalim ng sasakyan niyo kaya nandito ang mga pulis,” paliwanag ko sa kanila. At nagkibit-balikat lamang. Pansin ko agad ang pagliyab ng galit sa mukha ng lider nila.

“Bakit hindi niyo siya binantayan ng maayos?! Mga bobo ba kayo?! Mga walang kuwenta!”

Bago pa magtalo ang tatlo ay mabilis silang hinuli ng mga pulis. At pinusasan pa ang mga kamay. Narecover din ang mga alahas at pera ng pamilyang Villafuerte. This time, babalik ako kasama ang ilang mga pulis sa lumang bodega upang iligtas ang mga bata roon at si Chadrick.

“Anak, mag-iingat ka. Susunod kami sa inyo,” iyan ang huling habilin ni Papa bago kami umalis ng tatlong kasamahan kong pulis gamit ang sasakyan ng mga suspect. At ang suot din ng tatlong pulis ay ang suot ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status