"Ate, you're so madaya!!" Natatawang ginulo ni Oliver ang buhok ko. Tinignan ko siya at napahawak sa tiyan kong kanina pa sumasakit kakatawa nang muli na namang gumulong si Drake sa putikan. "Kuya! Ang bagal mo kasi e," nakasimangot na sabi ni Drake kay Cedric. Nag volleyball kami sa bakuran nila at umuulan kaya madulas. Partner kami ni Oliver dito habang partner naman si Drake at Cedric. "Look at him," natatawang sabi ni Oliver sa gilid ko na basang basa na ang damit. "Huwag ka na tumawa, he looks angry." Nilakasan ko ang boses ko para marinig talaga ni Drake na natatawa kami sa katangahan niya. Hindi ko naman kasi aakalain na hinabol niya ang bola after kong e spike ng malakas. "Anong ako? Kasalanan ko ba kung hinabol mo pa ang bola e alam mong maputik. HAHAHA..." Kahit si Cedric ay natatawa sa itsura ni Drake na para ng baboy na nag dive sa putikan. "Ayaw ko na nga. Pinagkakaisahan niyo ko!" Mas lalo kaming natawa no'ng nag walk out siya. Kahit napuno sa putik ang buong katawa
Things weren't the same as it is. Kasi akala na nang lahat na inagaw ko nga si Masson kay ate Dainne. After kong makauwi galing kina Mr. Wang, pakiramdam ko ay nagbago na lahat. "Manang, wala pa po ba si Masson?" tanong ko kay Manang dahil pag-uwi ko dito kinaumagahan ay wala dito ang asawa ko. Umiling si manang at sinabing hindi niya alam kung saan ito nagtungo. Sa bayan, habang nag-aabang ako ng taxi, usap-usapan na nang-agaw ako kahit na hindi naman totoo. Kaya I decided not to go to school at manatili sa villa. Umupo ako sa sofa at maya-maya pa ay dumating si Masson na nakakunot ang noo. Nang makita niya ako, agad na umaliwalas ang mukha niya at nagmamadaling lumapit sa akin. Agad siyang umupo sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Medyo nagulat ako sa ginawa niya. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at ipinulupot agad ang kamay sa bewang ko. "May problema ba?" tanong ko. "I'm so tired explaining to them our side. Bahala sila kung anong isipin nila." Kumunot ang noo
"I'm sorry tito but your daughter was acting inappropriately." Sabi ni Masson kay dad. "Kahit na! You hurt her feelings. Pinaasa mo siya." Galit na galit na sabi ni Dad. "And I'm so sorry for what I did, tito. But sana naisip niya na tapos na kami. Kasal na ako kay Ivory at wala akong intention na lokohin o ipagpalit si Ivory sa kung sino man." Kahit na naguguluhan ako sa inaakto ni Dad, hindi ko maiwasang matuwa sa sinabi ni Masson. "But hindi iyan ang sinabi mo kay Dainne. Pinangakuan mo siya ng kasal. So why all of sudden nakasal ka kay Ivory? For what? Is this a play? Prank? If it is, tigilan niyo na ito." Hindi ko na makuha ang gustong e point out ni Dad. "No tito. Hindi kami maghihiwalay ni Ivory." "And you think my daughter is serious with you?" What? Anong sinabi ni Dad? "FIDEL! THAT'S ENOUGH. THAT'S OUR DAUGHTER YOU'RE TALKING ABOUT." Sigaw ni Mommy nang siguro maski siya ay nabigla sa sinabi ni Dad. "Exactly. Our daughter--my daughter. And kilala ko si Ivory. Madali
Sinusubukan ni Masson na hawakan ang kamay ko but what he did to me was beyond painful. Nasa bahay kami ng Villaranza, katabi ko si Masson at mga magulang namin. Kasama namin si Dainne na katabi ni Dad. It's been a week mula nang makita ko ang pagtataksil ni Masson sa akin. He tried to explain but ayaw ko nang maniwala sa kaniya. "Let's settle this." Ani ni Mommy Madonna, dahil kalat na sa lahat ang pagtataksil ni Masson sa akin. "Walang e settle mom kasi walang nangyari sa amin ni Dainne." Sigaw ni Masson, at pilit na kinukuha ang kamay kong ayaw kong ibigay sa kaniya. "Masson-" umiiyak na naman si Dainne. Napaka sarap talaga niyang sabunutan. Panay nalang siya iyak, nag papaawa. "Stop it Dainne, alam mong walang nangyari sa atin." Sigaw ni Masson. "Meron Masson!" "Anong meron? Kahit pa maghubad ka sa harapan ko, hindi titigasan ang ari ko sa 'yo." He's mad. Wala ng filter ang bunganga niya. Sinita na siya ng mga magulang namin ngunit hindi nila ma kontrol si Masson. "Masson
----------------- "Anak?" nagtataka kong tanong habang nakatingin kay Mr. Wang na galit na galit na nakatingin sa mga tao sa loob. "Renan!" Narinig ko ang iyak ni Mommy. Namumutla ito na para bang nakakita ng multo sa harapan ng pamilyang Wang. "I already told you, Lilia. Mahalin niyo lang ang anak ko, huwag niyong paiyakin, susundin ko ang gusto mong hindi ko siya guguluhin." Sabi ni Mr. Wang kay mommy. Teka. Sinong anak ba ang tinutukoy niya? "She's my daughter too!" Sigaw pabalik ni Mommy. "Anak ko rin siya Lilia. Matagal akong nangulila sa kaniya." Kumalas ako sa yakap ni Mommy Madonna at hinarap si Mommy. "Mom?" "She's my daughter Renan. Apelyido ko ang dala niya." Interfere ni daddy. Ngumisi si Mr. Wang sa kaniya. "Daughter? After I heard those nasty things from you, sasabihin mong anak mo siya? Talaga ba Fidel? Or dahil sa pride mo?" Anong pinagsasabi nila? Wala na akong maintindihn. "Iniinsulto mo ba ako?" nanghahamon na sabi ni Dad kay Mr. Wang. "Oo sir. Iniinsulto
------------- Paggising ko kinaumagahan, namulatan ko ang kakaibang kwarto na napamilyaran ko agad. Nang magising ako, nakita ko agad sina Drake na nasa tabi ko, nakatingin sa akin. "Ate," tumayo sila but out of nervousness, umatras ako papalayo sa kanila. "Bakit niyo 'ko dinala dito?" "Cause you belong here." It was Oliver who answered. Sinamaan ko sila nang tingin. Hindi naman ito totoo. "Uuwi na ako. May mommy at daddy ako." Tumayo ako, kumuha ng tsinelas. Nakita ko si Cedric na tumayo rin at nagtangkang lumapit sa akin ngunit hinarang ko ang kamay ko. "No. Huwag kayong lumapit. Uuwi ako mag-isa." Tinawag nila ang pangalan ko ngunit hindi na ako nag atubiling lingunin sila. Sumakay ako ng taxi pagkalabas ng bahay at nagpahatid sa Vitaliano residence. Sumasakit pa rin ang ulo ko but I know mom has something to say about this. Hindi naman pwede na iba ang pamilya ko. It's not true. Pagdating ko sa bahay, I was expecting na namo-mroblema sila dahil nawawala ako but it was exa
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Dad. Kasama ko si mommy, dahil aalis kami ngayon. "May pupuntahan kami ng anak ko." Matabang na ani ni Mommy kay dad. "Bakit kayo aalis? We're celebrating for Dainne's pregnancy." "And you're expecting na makiki-celebrate kami sa inyo? No. My daughter and I have something important to do." Hindi na nakasagot si Dad when mom pull me out of the house. Nakasuot ako ng shades dahil mugtong mugto pa ang mata ko kakaiyak. "You'll gonna be okay." Mom whispered and I just nodded. Nagtaxi kami papunta ng terminal dahil susunduin kami ni Oliver kasama ni Mr. Wang. Mom called them earlier kaya maaaring naroon na sila, naghihintay sa amin. Humilig ako sa balikat ni mommy. I'm gonna miss her. Pwede naman akong dumalaw sa kaniya but seeing Dainne in the house, masasaktan lang ako. So it'll take time bago ko harapin sila. Pagdating namin sa terminal, I saw Oliver, katabi nito si Mr. Wang. Naghihintay sila sa amin sa terminal. Lumapit si mommy kay Mr. Wang at
"WELCOME HOME ATE!!" Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa itsura ni Drake at Cedric na nakasuot ng party hat habang sinasalubong ako. Masaya silang nakangiti sa akin. Ngumiti ako ngunit agad na napahawak kay Mr. Wang nang makaramdam ulit ng hilo. Bakit ba lately ay nahihilo ako? "Ivory, are you okay?" rinig kong sabi ni Mrs. Wang ngunit masiyado na talagang umiikot ang paningin ko at wala na akong maintindihan kahit isa sa paligid. Maraming boses akong naririnig na hindi ko maintindihan. Naramdaman ko na nalang ang sarili kong nakaangat sa ere. "Nahihilo po ako," ani ko nang mamulatan si Mrs. Wang na siyang nag-asikaso sa akin. "It's fine honey. We got you. Renan! Tawagin niyo ang doctor. Kailangan nating patignan si Ivory." That's what tita said bago ako makatulog.. Nang magising ako, nasa kwarto ako at nasa tabi ko si tita at Drake na naghihintay yata sa akin. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Mrs. Wang nang magising ako. "Medyo maayos na po." Sagot ko. "B