Share

Chapter 41.2

“Taray! Ang ganda ni accla!” Napangiti ako sa sinabi no’ng beki na nag-ayos sa akin sa araw na ito. Siya ang nag rebond at nilagyan pa niya ng konting make up ang mukha ko.

Inayusan ako no’ng graduation day ko pero ngayon ko lang na appreicate ang beauty ko na nakalugay lang ang mahaba at straight na buhok ko dahil bagong rebond.

Narinig ko rin ang palakpak ni Ivy at ni Madam Madonna habang nakatingin sa akin. Naroon ang paghanga sa mga mata nila habang nakatingin sa akin.

Namumula ko silang sinalubong lalo’t hindi ako sanay na purihin nila. “Ang ganda mo hija…” Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanila.

Si Ivy rin e agad na kinuha ang cellphone niya at kinunan ako ng litrato. “Nakakahiya po pero salamat,” sabi ko sa kanilang dalawa. Sabay na natawa si Ivy at Madam Madonna.

Mas lalong pumula ang pisngi ko hindi dahil sa blush-on kun’di dahil sa namumula na ako sa mga papuri nila.

“Gusto sana kitang isama sa lakad namin ni Ivy ngayon pero may naghihintay na sa ‘yo sa waiting area.”
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status