Share

CHAPTER 31

Dama ni Jossa ang pananakit ng ilang parte ng kanyang katawan dahil sa biglaang pagdapa ni Lemuel na kasama siya. Humahapdi ang kanyang kaliwang siko at braso na alam niyang may gasgas dahil sa pagkakatama sa sementadong kalsada. Ngunit lahat ng iyon ay hindi na niya alintana pa sapagkat mas nanaig ang takot at kaba sa kanyang dibdib matapos ng ginawang pagpapaputok ng kung sino mang sakay ng motorsiklong bagong dating.

Mariing naipikit ni Jossa ang kanyang mga mata habang mahigpit siyang yakap ni Lemuel. Nakahiga na siya sa gilid ng daan samantalang ang kalahati ng katawan ng binata ay nakadagan sa kanya, intensiyon upang maprotektahan siya sa kung sino mang umatake sa kanilang dalawa.

Mayamaya'y tumigil saglit ang pagpapaputok ng lalaki. Lahat ng balang pinaulan nito ay sa sasakyan ni Lemuel tumama. Dahil sa biglaang pagdapa ng binata ay nakailag sila sa naturang pamamaril.

Nakiramdam pa muna si Lemuel hanggang sa maingat itong bumangon. Kasabay ng pagkilos nito ay ang pagmulat ni J
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
kc pg c Eduardo yun sana matagal na niya ginawa yun kc diba sabi pinasundan xa kay brix nung last umuwi xa ibig sabihin mtagal na yun.. bkit di agad² ginawan ng crimen bakit ngayon lng nung nlaman n masha na mag X cla tpos ngka anak pa...ohhh diba obertink na ako ...
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
feeling ko di tlga c Eduardo yun,ginamit lng pangalan niya para maligaw yung totoong salarin..isa kina ryle o masha ying salarin..kung c ryle salarin c Lemuel yung puntirta niya pra mwla xa landas nila ni masha...kung c masha yung salarin c jossa yung puntirya para mawala din sa landas nila niLemuel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status