Kinabukasan ay nagising na rin si Mommy. Pakakita niya sa akin ay umiyak lang ito ng umiyak. Pauli-ulit itong humingi sa akin ng tawad dahil sa ginawa ng kaniyang anak sa akin. Hindi niya lubos maisip na gagawin ito ni Travis sa akin kaya labis ang pagdadalamhati niya rito.
“I’m so sorry, anak. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Travis. Hindi ko lubos maisip na gagawin niya ito saiyo. Saksi ako sa pagmamahal niya sa iyo, ni hindi ka nga nito maiwan-iwan.” Hagulhol ni Mommy sa akin. Niyakap ko ito at inaalo siya.
“Calm down, Mommy. Ako rin ay hindi ko alam kung bakit nagbago si Travis.” Naiiyak kong sagot sa kaniya.
“Matagal na bai to, iha? Bakit hindi ka man lang nagsalita? Sabi ko sa iyo, hindi ba na tumawag ka lang sa akin kapag may nangyaring masama sa bahay ninyo?” Hinawakan niya ang aking pisngi at pinunasan ang nagbabadyang luha ko.
“I’m sorry, mommy. Hindi ko rin po alam kung saan ako magsisi
Nagising ako sa puting kwarto, akala ko ay nasa langit na ako. Buti nalang ay nakita ko ang isang nurse na dumaan sa labas ng kwarto ko. Ano ba ang nangyari? Napakirot ang aking ulo kaya napahiga ulit ako.“Dahlia!?” Napalingon ako kung sino man iyong nagtawag sa akin.“Ethan?” tawag ko rin sa kaniya.“Anong nangyari?” tanong ko sa kaniya.“Nahimatay ka kasi kanina. Buti nalang at nasalo kita kung hindi ay bagsak ka na sana lupa. Baka nabagok pa iyong ulo. Kumusta na ang iyong pakiramdam?” nag-aalang tanong niya sa akin.“Medyo masakit pa aking ulo at nahihilo pa ako. Ano ang sabi ng Doctor? Bakit daw nahimatay ako?” tanong ko sa kaniya.“Hindi pa napapadaan iyong Doctor siguro maya-maya ay pupunta na iyon dito.” Napatango naman ako.“Gusto mo ba ng orange?” tanong niya sa akin.“S-sige,” sabi ko sa kaniya. Habang kumak
“Sino ka?” tanong ko sa lalaking pinapayungan ako. Ngumiti ito ng napakatamis.“Masama ang magpa-ulan, baka magkasakit ka.” Suminghot naman ako dahil ramdam kong patulo na ang aking sipon.“Salamat nalang sa concern mo pero kaya ko ang sarili ko.”“At least get this umbrella, kailangan mo ito.” Kinuha ko ang payong na dala niya ngunit hindi pa rin ito umaalis sa harap ko.“Hm, how about samahan nalang kita rito.” Umupo siya sa tabi ko at medyo nailang ako nang magtama ang aming balat sa isa’t-isa. Wala akong nagawa kung ‘di ay napabuntong hininga nalang. Panira naman ito ng moment! Kainis!“Bakit ka nagpapaulan? May problema ka?” tanong nito sa akin.Obviously. Tumango naman ako sa kaniya. Gusto kong sabihin lahat ng nararamdaman ko sa kaniya, okay lang naman stranger siya hindi niya ako majujudge agad. Hindi ko siya kilala at may posibilidad na hindi na kami
“Bakit ka naandito!? Hindi ba sabi ko sa iyo ay lumayas ka na!?” Nagulat ako nang may sumigaw sa loob ng aking kwarto. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o matatakot dahil sa nakakapanindig balahibo nitong boses na umalingawngaw sa aking kwarto.Napalingon ako sa kaniya, kita ko ang puno ng galit nito sa mukha. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin para pakalmahin siya. Linapitan niya ako at agad naman akong napaatras. Sobrang natatakot ako dahil nanlilisik ang kaniyang mata akala mo’y kakainin ako nito ng buhay.“Huminahon ka muna, Travis,” nanginginig kong saad.“Bakit ka pa naandito!?Wala ka nang hiya! May gana ka pang matulog dito sa pamamahay ko, matapos mong gawan ng masama si Mommy!? Ang kapal naman talaga ng mukha mo!” Hinila niya ang aking buhok at kinaladkad sa pababa ng aking kama. Tanging pagtangis ko lang ang naririnig ko, ni wala akong maintindihan sa sigaw niya. Bigla kasing sumakit ang aking pakiramdam.
“This is the last time na makikita mo ako, lalayo na ako. I love you so much na kahit ang sakit-sakit na ay tinitiis ko ito para lang masalba ang relasiyon na iniingat-ingatan ko ng ilang taon pero may hangganan din pala ang pagmamahal ko sa iyo. Pagod na pagod na akong ipaglaban ka, pagod na pagod na rin akong mahalin ka. I love you and I hope masaya ka na dahil pinapalaya na kita."Nakita kong natigilan at pansin kong lumungkot ang kaniyang mga mata ngunit nawala rin agad iyon at napalitan ng pagkaseryoso."Mas mabuti pa nga, sige lumayas ka na rito! Ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha mo," sambit nito saka ako iniwan sa kwarto. At doon na ako napatakip ng mukha, iyak lang ako na iyak. So, this is the end of our relationship. Wala na talaga, ito na iyong huli.Dahan-dahan naman akong pumunta sa aking cabinet at kinuha ang mga damit ko, nilagay ko lahat ito sa aking maleta. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ba ako pupunta. Buti nala
Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng kabaong ng aking ina. Nakatulala at panay lang tulo ng aking luha. Wala akong maramdaman kung di sakit lamang, nawawalan na ako ng pag-asang mabuhay. Nanatili lang ako roon sa harap habang tinitingnan kung saan nakahimlay si Nanay.Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon, sising-sisi ako. Labis na sinisisi ko ang aking sarili kung bakit nawala ang aking ina. Kung maaga ko pa sanang pinaalam ang nangyayari sa amin ng aking asawa ay hindi siya aatakihin sa puso. Hindi ko alam ang nangyari between Emery and her ngunit alam ko na siya ang dahilan kung bakit nawala ang aking ina. Ang sabi ni Ethan sa akin ay nakita raw ni Ate Loling si Emery at nanay na nag-uusap sa labas ng gate, nang bumalik ito ay nagulat na lamang siya nang makitang nakahandusay si Nanay sa sahig at wala na roon si Emery.Kung sana ay umuwi nalang ako sa bahay, kung sana sumuko at tinanggap ko na lamang na wala na talaga kaming pag-asa ng aki
“Tangina! Ang lakas din ng apog ninyong pumunta rito para ibigay lang iyang annulment papers sa akin!” sigaw ko sa kanila. Kasalukuyan akong hinahawakan ni Ethan para awatin ako. Si Travis naman ay hawak si Emery.“Walang hiya ka! Hindi ko kasalanang ako ang na-anakan ng asawa mo dahil baog ka! Puta! Kasalanan mo naman ang lahat, kung hindi ka sana pabaya sa sarili, kung hindi ka sana naging losyang at boring na asawa ay hindi maghahanap ng iba ang asawa mo! Gaga ka ba? Palibhasa anak ka ng katulong kaya wala kang utak! Gumraduate ka pa naman ng Cum Laude, hindi mo man lang maintindihan na hindi ka na nga mahal ng asawa mo!” Nanlilisik ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero hindi ko na kilala itong nasa harapan ko, kailanman ay hindi niya ito masasabi sa akin. Oo sinasaktan niya ako, pero alam kung may respeto siya kay Nanay Lilet. Hindi niya magagawang—Oo nga pala siya ang
“Congratulations! You are two weeks pregnant!” Anim na salita ngunit sobrang laki ng epekto. Hindi ko akalaing itong anim na salita ang magpapabago ng buhay ko. Totoo ngang words are powerful. Words can influence us, inspire us, or just easily bring us to tears. Itong mga salitang ito ang nagpa-inspire sa akin at binigyan ako ng lakas para mabuhay ulit. Sobra ang impact nito sa aking buhay. Napa-iyak ako ng sobrang lakas, wala na akong pakialam kung nasa harap ko ang Doctor, ang mahalaga nailabas ko ang emosiyon ko sa aking kaloob-looban. Matagal na naming hinintay itong mag-asawa, ngayon lang binigay ng Diyos sa akin. Ilang taon rin akong naghintay at nanalangin para rito. Nakakatawa na nakakalungkot. Pero naisip kong hindi na mahalaga iyon. Kinalma ko ang aking sarili, umalis na rin naman ang Doctor dahil busy rin ito, nagpasalamat na lamang ako sa kaniyang magandang balita. “Congratulations, Dahlia! Magiging Mommy ka na!” wika ni Ethan sa a
Dahlia’s POV Ngayon ang burol ng aking ina, narito kami sa sementeryo para ihatid siya sa huling hantungan. Masakit mawalan ng minamahal dahil kailanman ay hindi mo na makikita sila. Araw-araw kang magdudusa at araw-araw mo ring ma-mi-miss sila. Narito ako kasama nila Ethan sa unahan at nakikinig sa misa ng pari. “Kadalasan ang pamamaalam ay sobrang lungkot. Ang paglisan ng isang tao rito sa mundo ay nagdudulot ng dalamhati at pighati sa mga nakararami. Pero tayong mga Kristyano ay may ibang pananaw sa kamatayan, kahit na itinuturing natin itong permanenting pamamaalam ng ating mahal sa buhay…” Unti-unting tumulo ang aking luha sa aking pisngi dahil sa mga naririnig ko sa pari. Hindi ko alam kung mayro’n pa ba akong lakas para manitili rito dahil sobrang hinang-hina ako. Gusto kong magwala dahil sa mga nangyayari sa akin. Kung sana hindi ko na lang pinasok ang buhay ng mga Monte Cristo ay hin