Share

Chapter 64

"Mukhang malungkot ka, babalik ba tayo?" tanong ni John  sa akin na para bang nang-aasar sa akin. Inismiran ko na lamang siya at inirapan. Panira ng moment itong lalaking ito. 

"So, bakit ka natagalan? Kanina pa kita hinihintay alam mo ba iyon?" inis kong saad sa kaniya. Kung sana maaga siyang pumunta sa mansiyon ay hindi na sana ako nakagawa ng ikakasakit ng damdamin ko. 

"Sinundo ko pa kasi si Queen Dahria, nanay mo. Excited na siyang makita ka. Alam mo bang gusto pa niyang sumama sa akin? Hindi naman puwede iyon baka kasi may makakita sa kaniya," saad niya sa akin kaya napangiwi ako. 

    Hindi ko alam kung ano nga ba ang  aking gagawin ko o magiging reaksiyon kapag nakita ko na ang aking tunay na ina. Ano nga ba ang aking gagawin? Yayakapin ko ba siya? Hahalikan sa pisngi? Ngingitian? Hindi ko alam. Oo, nasasabik ako na makita siya ngunit nahihiya pa rin ako at syempre kinakabahan. Hindi ko namang akalain hindi ko tunay na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status