Malaki ang utang na loob ko kay Arce at sa taong nagligtas sa akin mula sa mga lalaking iyon. Tatanawin kong malaking utang na loob iyon sa kanila. Something bad might have happened if that person didn't came to save me. Ngunit sana pala...hindi na lamang ako umuwi. Sana nakiusap na lamang akong manatili roon at hindi na bumalik pa. Sana nagpakalayo-layo na ako. In this life, we can never hold everything. If something is bound to fall apart, it will. No matter how you try to grasp it tight with your hands. Tulala ako habang binabasa ang headlines ng balita tungkol sa aming kompanya. The monitor showed the people who gathered outside our building, condemning the founders of Zulueta Group of Companies for its malfunction and negligence of their issues. "Zulueta Foods Incorporation allegedly distributed defective and expired goods to charities and foundations. Four elders and ten children confined on the hospital." "CEO of ZGC, Gyron Skyler Zulueta was held accountable for the vict
Madali lang sabihing lilipas rin ang lahat ngunit sobrang hirap umusad. Lalo na't lugmok na lugmok ako. Pakiramdam ko, hindi na ako makakabangon. Masama ang pakiramdam ko nang magising kinabukasan. Mabilis akong napatakbo sa banyo nang bumaliktad ang aking sikmura. I threw my guts off the toilet bowl. Hinang-hina ako habang dumuduwal. Bumalik ako sa kama nang matapos sumuka at nahigang muli. Maybe I ate something? Or I was too stressed out and tired kaya ako nagsuka? Pinilit ko ang sarili kong kumilos para pumasok sa school. Ayaw ko na nga sanang pumasok muna ngunit ayaw ko ring magkulong dito. Isa pa, abala kami sa mga school works ngayon at ayaw ko namang ipagpaliban ang mga 'yon. Nasa hallway pa lamang ng campus, samu't saring bulungan na ang naririnig ko. Mapanghusga at nandidiring mga tingin ang ibinabato ng mga estudyante sa akin. Napayuko ako at diretso lamang na naglakad kahit pa gusto ko nang tumakbo palayo dahil sa kahihiyan. "Siya yon diba?" "Kadiri akala mo kung sinon
Halos mabingi ako sa kumpirmasyon ng doktor. I heard Jayle's gasps. The doctor left us to give us time while I remained in extreme shock. Tulala ako habang ipinoproseso ang lahat ng narinig. Buntis ako. There is a life inside my womb. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Magulo pa ang lahat at marami akong pinagdaraanan ngayon. This is not the right time to have a child. I don't want to have a child in this kind of situation. But there is an overwhelming feeling on my chest when I think about my baby. Hindi ko pa siya nakikita ngunit mahal ko na siya. At magulo man ang mga pangyayari ngayon, sisiguraduhin kong kahit anong mangyari ay gagawin ko ang lahat para protektahan siya. "Oh my God," si Jayle. "I can't believe this! Oh my gosh! You're a mother now!" she exclaimed. "Anong plano mo?" "I will keep the baby. I will raise my child, Jayle," sagot ko. Ngumuso siya at lumapit para yakapin ako. I smiled and hugged her back. I'm so lucky to have a friend like her. She's been with
Tulala ako buong maghapon dahil doon. Melizza's words kept on playing inside my mind like a broken disc. Halos hindi na nga ako makasunod sa mga pinag-aaralan kung hindi lamang ako tinutulungan ni Jayle. "Kaya mo na ba?" nag-aalala niyang tanong nang sumapit ang uwian. "Sorry babe, hindi talaga kita masasamahan ngayon. Dad needs me right now. Inatake siya sa puso kanina lang. Nasa ospital siya." I smiled and hugged her. I can't help but be sad. Hindi ko siya madamayan ng maayos dahil masyado akong tutok sa mga problema ko. I feel bad. "I'll be okay. Please take care of yourself, too. Call or text me when you need anything. I'll visit Tito tomorrow." Ilang sandali pa kaming nagpaalam sa isa't isa bago siya umalis. Nagtext na rin naman si Manong na on the way na siya kaya hindi na rin mag-aalala si Jayle na mag-isa lang ako. Wala nang dumaraang sasakyan at medyo madilim na. I hugged myself when the breeze blew gently. Wala na rin halos mga estudyante sa labas dahil nag-uuwian na. B
"Carson! Naku ikaw na bata ka!"Napalingon ako sa labas nang marinig ang boses ni Nana Lena na pilit hinahabol ang makulit kong anak. Napabuntonghininga na lamang ako at napailing saka iniwan ang niluluto kong almusal para daluhan siya.My four-year old boy is running around the grassy yard of the house. Siguro'y inabot na naman ng kapilyuhan at pati sa matanda ay nakikipaglaro. He is always like this when it's bath time."Hijo! Halika na't lalamig na ang pampaligo mo!" Nana Lena called again."Ayaw! I want to play!" my son exclaimed.Lumabas ako at nagpakita sa dalawa. Tumigil si Nana Lena sa paghabol kay Carson nang makita ako at lumapit sa akin. I smiled apologetically."Pasensiya na, Nana. Ako na po ang bahala.""Wala iyon, hija. Sige na't ako na ang bahala sa niluluto mo," she smiled gently."Salamat po," I muttered softly and turned to my son who is now playing with the ducks. Napasapo ako sa aking noo at nilapitan siya. Nang makita ako ay agad na nagliwanag ang kaniyang mga mat
Maaga nga akong pumasok kinabukasan. Aligaga ang mga staff nang datnan ko sila. I don't know what's so special with this day. We were just going to meet the son of the owner so I don't understand the panic on their faces and actions. "Cary," tawag ng manager. "Magwi-wait ka ngayon. Kulang tayo sa waitress dahil absent sina Kat at Diane. Si Daisy muna sa counter." Tumango ako. "Okay po." Iniwan niya na ako roon para kausapin ang iba pang staff. Ilang sandali lamang ay bumukas na ang pinto. A tall man wearing a longsleeved polo and black slacks entered the restaurant. Rinig ko ang tahimik na singhapan sa aking gilid. Guwapo kasi ang lalaki at halata sa ere ang karangyaan sa buhay. Iginala nito ang tingin sa amin at natigilan siya nang magtama ang mga mata namin. His eyes widened a bit but he composed himself and averted his eyes from me. A small smirk played on his lips but it was shortlived. Seryoso niyang hinarap ang ibang empleyado. Weird. "Good morning," he greeted formally
"Mama will fetch you later, okay?" I fixed Carson's uniform collar. Nasa tapat na kami ng gate ng isang pampublikong eskwelahan rito sa aming bayan kung saan ko siya in-enrol.Sinisigurado kong ako ang naghahatid-sundo sa kaniya sa eskwela kahit pa abala ako sa pag-aaral at trabaho.Graduating na rin naman ako this year at sigurado namang makakaluwag na rin ako sa oras kahit papaano kapag nakatapos na ako. Ayaw ko namang iasa kay Nana Lena ang bagay na ito dahil ayaw ko siyang abalahin lalo na't madalas na ring sumakit ang kaniyang likod at balakang.I kissed his cheek and got a few reminders for him before he went inside. I rode the jeepney heading to the public university where I am studying. Dahil papatapos na ang semester, hindi na masyadong marami ang pumapasok at karamihan ay mga graduating students din gaya ko."Uy, te!" napalingon ako kay Stacy, isa sa mga kaklase kong napalapit na rin sa akin. "Sama ka mamaya! Inuman raw after class.""Ah," I chuckled awkwardly. "Hindi ako pw
The four years of tranquility flew out of the window like dusts in the wind as soon as our eyes met. Para bang katapusan na ng pagtakbo at pagtakas. The moment he found me here, I know I was once again...brought back to the memories I escaped.Alam kong magkikita at magkikita kami dahil gaya ng sabi ko, ipakikilala ko si Carson sa kaniya kahit pa ayaw ko. Na hindi ko kayang makitang disappointed ang anak ko kaya maglalakas-loob akong harapin siya, at ipakilala ang anak ko sa kaniya, kahit pa ang kapalit ay muling magkrus ang landas namin pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin.Ngunit hindi ko inakalang ngayon ang araw na iyon. I wasn't ready. And I don't think I will ever be.Nanginig ang kamay ko nag ibaba ko ang tray ng pagkain. I can feel his eyes piercing through the depths of me. Pinilit ko ang sariling gawin ang aking trabaho kahit pa gusto ko na lamang kumaripas ng takbo paalis sa restaurant."What about you, Forth? Hindi ka kakain?" si Sir Dave ang pumutol sa mabigat na e