Matapos ang eksena sa ospital ay nakarating na din sila sa bahay ni Mark at hindi mapigilan ni Angelo ang hindi mapanganga dahil sa ganda ng bahay.
"Wow ang ganda," manghang sabi niya sabay ang paglaki ng kanyang mga mata dahil sa ganda ng desenyo ng bahay.
"Halika, pasok na tayo." Pag-anyaya ni Mark kay Angelo sabay ngiti ng matamis. Para namang may bumasag sa masayang iniisip ni Angelo nang makita ang matamis na ngiti ni Mark.
"Tsk, ayos na sana ang lahat, sumaya na ako nang makita ko ang bahay mo tsaka ka pa nagsalita, psh, tapos may pa ngiti ngiti ka pang nalalaman sarap mo ding hagisan ng sapatos." Inis na pagrereklamo ni Angelo sa kanyang isip.
Ngunit wala din siyang magawa kundi ang sumunod kay Mark sa loob ng bahay dahil gusto na niya talagang makita ang kabuuan nito. Ayon kasi sa kanya, kung maganda ang desenyo sa labas ano pa kaya kung nasa loob na siya, sigurado siyang hihigitan p
"Nasaan na ba ang pangit na homosapien na mukhang impaktong iyon, kanina pa ako paikot-ikot sa bahay niya." Naiinis na sabi ni Angelo sakanyang sarili, kanina pa kasi siya naglalakad sa malamansyong laki ng bahay ni Mark. "Bakit ba kasi ang laki ng bahay ng pangit na homosapien na iyon kung siya lang naman mag-isa ang nakatira.""Teka, parang nadaanan ko na tong painting na ito." Sa isip ni Angelo habang sinusuri niya nang mabuti ang painting ng isang babaeng tumutugtog ng violin sa ilalim ng buwan. "tsk, siguro namamalikmata lang ako. Nasaan na ba kasi ang impaktong yon."Nagpatuloy si Angelo sa paghahanap kay Mark, kung saan-saan na siyang kwarto pumasok ngunit ni anino ng huli ay hindi niya makita."Lintek naman, nasaan na ba ang impaktong homosapien na iyon... teka ito na naman yong painting." Inis na sabi niya sa kanyang sarili. "Manufacturer ba siya ng painting na ito, ang dami-daming paint
"Ang totoo kasi niyan ay," biglang naputol ang sasabihin ni Mark ng biglang tumunog ang selpon nito. Agad nitong tinignan kung sino yung tumatawag tsaka sinagot ito. Nang marinig ni Mark ang pakay nang tumatawag ay nag-iba ang aura nito na siyang nakapagpahinto sa pagmumuni ni Angelo sa hapagkainan. "Excuse me for a second." Ang sabi ni Mark na hindi na hinintay ang tugon ni Aimie tsaka dali-daling pumunta sa kanyang opisina. "Ano ba yan, sayang may makakalap na sana akong impormasyon, panira yung taong tumawag sa kanya." Ang sabi ni Angelo habang tinutusok ang mga gulay na nasa kanyang plato at saka nginuya ito ng walang gana. "Nakakawalang ganang kumain tuloy." Huminto si Angelo sa kanyang pagnguya tsaka tumayo sa kanyang kinauupuan at inilagay niya sa lababo ang kanyang plato kasama na din ang pinagkainan ni Mark kanina. "Ako pa talaga ang paghuhugasin mo sa pinagkainan mo, tek
Maagang nagising si Angelo na nagbihis ng komportableng damit na isang black t-shirt, pantalon, sneakers, black cap at itim na mask, para siyang magnanakaw sa kanyang soot ngunit wala siyang magawa dahil ito lang ang normal na damit na mayroon si Aimie bukod sa mga napakaraming bestida na nasa aparador nito. Nanginig naman ang buo niyang katawan nang mapaisip niyang, siya na isang ubod ng kisig na lalaki ay magsusuot ng isang bestida. Umiling nalang siya dahil sa kanyang walang kwentang iniisip, ang importante kasi ngayon ay magkapagpalam siya kay Mark na aalis siya, baka kasi isipin nito na kinidnap o kung anong nangyari sa katawan ni Aimie kung hindi niya ito makita sa bahay. Ngunit simula nang makatanggap ng tawag si Mark ay hindi na niya ito makita, ni anino nito ay hindi niya mahagilap.Sa laki ng bahay niya na mala Mall of Asia ay aabutin siya ng siyam-siyam sa paghahanap rito. Kay
Halos mahimatay na si Angelo sa sobrang sikip ng bus, sa tingin niya ay mas maluwag pa ang lalagyan ng sardinas keysa sa bus na sinasakyan niya ngayon. Dagdagan mo pa ang hindi maipaliwanag na amoy na nalalanghap ng kanyang ilog mula sa kanyang katabi, kulang nalang maging double dead siya, dahil sa hindi maipaliwang na amoy ng katabi.Hindi niya magawang takpan ang kanyang ilong dahil una sa lahat hawak-hawak niya ang rabbit sa isang kamay habang ang isa naman ay nakakapit sa railings ng bus. At naisip niya din na magmumukha siyang bastos kung tatakpan niya ang kanyang ilong."Naman, ilang taon kayang hindi naligo ang taong toh,"ang sabi ni Angelo sa kanyang isip, habang pinipingilan ang kanyang paghinga."Ang bango niya talaga, pede na siyang gawing endorser ng exotic na pabango."
Nang makarating si Angelo sa terminal, ay agad niyang hinanap ang bus na may karatolang nakapaskil na "Haven."Nagpaikot-ikot siya sa terminal at nang makita na niya ang kanyang hinahanap na bus ay agad siyang sumakay dito, baka kasi mamaya ay siksikan na naman at hindi siya makaupo, kaya minabuti na niyang sumakay agad-agad. Mabuti nalang at hindi pa madami ang nasa loob ng bus, nasa sampu pa lang nakakasakay kaya makakapili pa siya nang pwestong nais niyang upuan.Nang makaupo na siya ay inilibot niya ang kanyang paningin sa mga nakapaskil sa bus, baka kasi mamaya kokotongan na naman siya.Nakahinga siya nang maluwag ng walang makitang pandadaya,"makakatanong ako ng maayos mamaya."Habang prenteng nakaupo ay big
Dahil sa pagod ay mahimbing na natulog sa buong biyahe si Angelo, habang ang kanyang ulo ay nakapatong sa tiyan ng kuneho na animo'y isa itong unan. Pagdating nila sa ikatlong bus stop ay linapitan siya ng konduktor upang gisingin."Ma'am nandito na po tayo sa Haven." Kasabay nito ang mahinang pag-alog niya upang gisingin si Angelo."Ano ba, limang minuto pa, di pa ako excited pumunta sa heaven. Kung gusto mo ikaw nalang mauna doon." Ang wala sa sarili niyang suhestiyon sa taong gumagambala sa kanyang masarap na pagtulog."Pero ma'am, baka lumampas na po kayo sa patutunguhan niyo kapag di pa po kayo gumising diyan." Ang pangungulit ng konduktor, at mas lalo pang pinalakas ang pag-alog kay Angelo."Naman kuya eh!" ang malakas na sigaw
"Nandito na po tayo sa Garden of Peace Resting Place, ma'- sir nga pala," ang sabi ng guardya habang tinuro ang karatolang nakapaskil. "Gusto niyo po bang samahan ko kayo sa loob?""Naku, wag na po manong, nakakahiya po sainyo.""Buti alam mo." Sarkastikong sabi ng guardya sa kanya."Po?" Ang takang tanong ni Angelo,"Ano bang problema ng mga taong nakakasalamuha ko ngayon, bakit ba karamihan sa kanila ang papangit ng ugali?""Wala, ang sabi ko mag-ingat ka po sa loob," napaubo naman ang guardya, hindi niya inakalang maririnig ng babae ang kanyang sinabi. "Oh siya, aalis na ako.""Salamat po, manong." Nagpasalamat muna si Angelo sa guardya at pagkatapos ay nagpaalam na
Habang tumatakbo si Angelo, ay parang may nararamdam siyang sumusunod sa kanya. Kaya mas bilisan pa niya ang kanyang pagtakbo, gumagabi na kasi. Baka maging delikado pa sa kanya kung tatagal pa siya sa lugar dahil dayo lang siya, at hindi niya kabisado ang daan. Baka mamaya bumangon pa ang mga patay dito, kahit patay na ang katawan niya, ayaw niyang makakita ng mga kalahi niyang multo.Napahinto naman siya sa kanyang pagtakbo ng may makaramdam na naman siyang malamig na hangin sa bandang likuran niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa likod, habang nananalangin na sana hindi nakakatakot na multo ang makikita niya.Nang makatalikod na siya ay nanginginig na imulat niya ang kanyang mata, at tumambad sa kanya ang kunehong pinakawalan niya kanina.Bumuntong hininga siya tsaka linapitan ang ku