Malalaking mga hakbang ang ginawa ni Mark upang maihiga ang walang malay na asawa sa kanyang king-size na kama. Gagamitin sana ni Mark ang intercom upang tawagan ang personal doctor ng kanilang pamilya upang ipacheck-up si Aimie ngunit naputol ito nang marinig ang mga mumunting hilik ng kanyang cute na asawa. Napangisi si Mark na parang pusa- nang marinig- ang mumunting mga hilik ng asawa.
Napailing-iling nalang siya ng kanyang ulo tsaka ay pinindot niya ang intercom upang tawagan ang isa sa mga kasambahay para bihisan ang asawa.
Pagdating ng katulong sa kwarto ay binigay ni Mark sa kasambahay ang set ng mga damit upang ipasuot sa asawa.
Para hindi maging awkward ang kapaligiran, napagdesisyunan ni Mark na lumabas ng kwarto at ipinaalam sa kasambahay- na tawagin lang siya kapag tapos na siya- sa pagsusuot ng damit sa kanyang cute na asawa. Nang pababa na si Mark sa hagdan ay nakasalubong niya ang kanyang ina na aakyat sana ng hagdan.
"Bakit ka
Si Angelo, na mahimbing na natutulog ay nakaramdam ng mainit na temperatura sa kanyang tagiliran; lumapit siya sa mainit na bagay at pumulupot na parang ahas upang mas maramdaman pa niya ang komportableng init. Naramdaman naman ni Mark na niyakap siya ng mahigpit ng katabi niya, napabuntong-hininga siya bago niyakap pabalik ang kanyang asawa. Ang dalawa ay nagyakapan na tila ba kumukuha sila ng init sa isa't isa at, sila ay natulog nang mapayapa hanggang sa pagtunog ng tandang.Habang ang kislap ng araw ay nagsimulang umilaw sa paligid upang ibalita ang pagsilang ng bagong araw; at ang mga halaman at bulaklak na muling gumigising upang magsimula silang sumipsip ng hamog na nagpala sa araw ng tagsibol habang, ang mga ibon ay nagsisimulang kumanta upang salubongin ang bagong araw.Nang magsimulang mabuhay ang lahat mula sa tila nakatigil na gabi, dalawang tao ang mahigpit na nakayakap sa isa't isa. Ang kanilang komportableng postura ay naging nakakasakal- nadama ni Angelo na unti-unti
"Life is unfair,"yan ang katagang bumalot sa utak ko habang dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata upang ihanda ang aking sarili sa pagtama ng isang rumaragasang sasakyan sa aking katawan.Ilang segundo lamang ay naramdaman ko na ang malaking metal na tumama sa kabuuan ng aking katawanan at dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ako ng ilang metro."Ito na ba ang katapusan ko?"ang tanong ko sa aking sarili habang pilit na huwag mawalan ng malay."Diyos ko, buhay pa ba siya?""Anong nangyari?""Dali tumawag kayo ng ambulansya!"Ilan lamang yan sa mga narinig kong sinabi ng mga taong nagkukumpulan sa paligid ko. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay biglang naglaho ang ingay sa paligid at napalitan ng katahimikan, hindi ko mawari kung bakit bigla nalang tumahimik ang lahat. Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na mawala sa mundong i
Mga di mapakaling yapak ang kanyang unang narinig sa muling pagbabalik ng kanyang malay. Nakaramdam siya ng takot dahil sa pagkakaalam niya siya lang ang nakatira sa inuupuhan niyang kwarto at malabong sa kanyang kapatid iyon dahil nasa dorm ng eskwelahan ito nakatira. Kaya kahit na napakasarap ng kanyang tulog ay napilitan nalang siyang imulat ang kaniyang mga mata upang malaman kung sino ang mga taong umiistorbo sa kanyang pagtulog. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang puting kisame na nakapagpakunot sa kanyang noo."Nasaan ba ako?"naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili at agad na sinuri ang kabuuan ng kwartong kinalalagyan niya. Sa paglilibot ng kanyang mga mata ay napagawi ito sa isang babaeng nakatalikod sa kanya, ito ay nakasuot ng puti at animo'y abala sa pagsusulat sa isang papel. Siguro ay dahil nakatalikod ang babae at dagdagan pa na abala ito sa pagsusulat ay hindi nito napansin na gising siya.Akma san
"Teka, parang kilala ko tongtaong to,"ang sabi ni Angelo sa kanyang isip. Agad naman nitong sinuri ang kabuuan ng lalaking bigla nalang pumasok sa kwarto.Habang inaalala ni Angelo kung saang lupalop ng Pilipinas nito nakita ang lalaki ay bigla itong nagsalita."Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki na hinahabol pa din ang hininga.Bigla namang napangiwi si Angelo sa tanong ng lalaki,"pre, kita mo na ngang nasa hospital bed ako tapos tatanungin mo ako kung ok lang ako? Malamang sa malamang hindi ako ok, yung totoo shonga ba ang mga tao dito?""Yeah," tipid na sagot ni Angelo, ayaw niya kasing makipagtalo sa lalaki, masasayang lang ang laway niya."Good to hear that." Ang sabi naman ng lalaki habang pumunta sa malapit na upuan sakanya at saka umupo.Tinignan naman ni Angelo ng masama ang lalaki ramdam niya kasing di sila magkakasundo nito. Para kasing magkaiba ang kanilang mga energy forces.Tahimik lan
"Asawa mo."Halos lumuwa ang mga mata at mabingi ang mga tenga ni Angelo sa kanyang narining. Sa lahatkasi ng pedeng isagot sa kanyang tanong ang kinatatakutan niya talagang mga kataga ang binitawan ni Mark."A...asawa, nagbibiro lang tong lalaking to diba? Paano kami magiging mag-asawa kung pareho kaming lalaki?""Hahaha joke ba to?" Natatawang tanong ni Angelo kay Mark. "Tol, di pa ko nasisiraan ng bait, kahit gwapo ka di ako pumapatol sa kapwa kong lalaki."Napangunot naman ang noo ni Mark sa kanyang mga narinig. Naisip niyang baka malala ang natamong pinsala ni Aimie sa kanyang utak dahil sa aksidente."Paano mo naman nasisiguradong lalaki ka?" mahinahong tanong ni Mark kay Angelo, dahil kung totoong malala ang pinsala ni Aimie ay kakailanganin niya itong subaybayang mabuti.Napangiwi naman si Angelo sa kanyang narinig,"Ha, tinanong mo talaga kung sigurado akong lalaki ako. Pre, wala ka bang mga mata? Sa kagwapoh
Sa wakas ay dumating na din ang araw na inaasam ni Angelo ngunit imbes na matuwa ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Ngayon kasi ang araw na magsasama sila ng pinakanaiinisan niyang homosapien sa iisang bahay."Kung tumakas nalang kaya ako,"sa isip ni Angelo habang inaayos ang damit niya. Napangiti siya sa kanyang naisip at dali-dali siyang pumunta sa pinto at akma na sanang lalabas ng pintuan."Oh, Aimie saan ka pupunta?" ang tanong ni Mark na kadadating lang sa kwarto ni Angelo."Ah, eh wala magpapahangin lang," natatarantang sabi ni Angelo."Nice timing pre, kung kailan ko naisipang tumakas saka ka din susulpot.""Samahan na kita." Nakangiting sabi ni Mark."Naku wag na, total nandito ka rin lang naman bakit hindi nalang tayo umuwi?" nakangiting mungkahi ni Angelo kay Mark ngunit sa kaloob-looban niya ay inis na inis na siya kay Mark. Hindi niya talaga kayang makasalamuha ang homosapien na ito papaano nal
Matapos ang eksena sa ospital ay nakarating na din sila sa bahay ni Mark at hindi mapigilan ni Angelo ang hindi mapanganga dahil sa ganda ng bahay."Wow ang ganda," manghang sabi niya sabay ang paglaki ng kanyang mga mata dahil sa ganda ng desenyo ng bahay."Halika, pasok na tayo." Pag-anyaya ni Mark kay Angelo sabay ngiti ng matamis. Para namang may bumasag sa masayang iniisip ni Angelo nang makita ang matamis na ngiti ni Mark."Tsk, ayos na sana ang lahat, sumaya na ako nang makita ko ang bahay mo tsaka ka pa nagsalita, psh, tapos may pa ngiti ngiti ka pang nalalaman sarap mo ding hagisan ng sapatos." Inis na pagrereklamo ni Angelo sa kanyang isip.Ngunit wala din siyang magawa kundi ang sumunod kay Mark sa loob ng bahay dahil gusto na niya talagang makita ang kabuuan nito. Ayon kasi sa kanya, kung maganda ang desenyo sa labas ano pa kaya kung nasa loob na siya, sigurado siyang hihigitan p
"Nasaan na ba ang pangit na homosapien na mukhang impaktong iyon, kanina pa ako paikot-ikot sa bahay niya." Naiinis na sabi ni Angelo sakanyang sarili, kanina pa kasi siya naglalakad sa malamansyong laki ng bahay ni Mark. "Bakit ba kasi ang laki ng bahay ng pangit na homosapien na iyon kung siya lang naman mag-isa ang nakatira.""Teka, parang nadaanan ko na tong painting na ito." Sa isip ni Angelo habang sinusuri niya nang mabuti ang painting ng isang babaeng tumutugtog ng violin sa ilalim ng buwan. "tsk, siguro namamalikmata lang ako. Nasaan na ba kasi ang impaktong yon."Nagpatuloy si Angelo sa paghahanap kay Mark, kung saan-saan na siyang kwarto pumasok ngunit ni anino ng huli ay hindi niya makita."Lintek naman, nasaan na ba ang impaktong homosapien na iyon... teka ito na naman yong painting." Inis na sabi niya sa kanyang sarili. "Manufacturer ba siya ng painting na ito, ang dami-daming paint