Share

3

Kabanata III

Smith Residence

"I DON'T need one, dad! I can defend myself," Clay frowned as he heard what his old man suggested. Humigop siya ng kape sa tasang kanyang hawak.

"But it is necessary that you have a bodyguard whether you want it or not, son," pagpumilit ng kanyang ama na si Randolph Smith.

Nakatayo itong tinukod ang dalawang palad sa rails ng veranda ng kanilang mansion. Nakatanaw sa malawak na hardin na kasalukuyang diniligan ng kanilang automated plant watering system.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"But dad—" nilapag niya ang tasang hawak, "—I know how to defend myself from those thugs," pagpumilit niyang tanggi na sinundan ang paningin ng ama. Nagkibit balikat na sinuyod din niya ang buong lawak ng hardin.

Ilang saglit ay pumasok ang medyo may edad na amerikanang babae. Halata parin sa mukha nito ang kagandahang taglay si Emma Smith.

"Son—" panimula nito na nilatag ang laman ng tray sa ibabaw ng marble na mesa, "—you should listen to your dad Clay, do you know that your father almost had a heart attack when he heard about what happened, and I was also uneasy too."

Bumuntong hininga ang kanyang ina na na-upo sa katapat na inuupoan niya. Naglagay ito ng sandwich sa plato niya.

Simula ng matagpuan siya ng mga ito sa isang isla, labing walong taon na ang nakararaan ay ni minsan hindi pinaramdam ng mga ito na iba siya. Tinuring siya nitong parang tunay na anak. Kahit na nga ba mga banyaga ang mga ito at galing sa ibang bansa. Hindi niya masisisi ang dalawa kung ganun nalang pag-alala nito para sa kanya.

Ang mag-asawang Randolph at Emma ay hindi biniyayaan ng anak kaya nang matagpuan siya ng mga ito. Tinuring siyang isang blessings na binigay ng diyos sa kanila.

Napakaswerte niya na natagpuan siya nina Randolp sa isang isla at hanggang ngayon, walang hanggan siyang nagpapasalamat sa kanila.

"May magagawa pa ba ako mom, dad," sumusukong nagkibit balikat siyang tinitigan si Emma.

Agad niyang sinunggaban ang hinanda nitong sandwich. Nakita niyang ngumiti ito ng napakalapad si Emma.

Halos dalawang dekada nang nanatili ang mag-asawa sa Pilipinas kahit papaano ay nakakapagsalita at nakakaintindi na ito ng tagalog na lenggwahe.

"Here dear, eat more, mom made this for you­—" naglagay ito ng bagel sa kanyang plato, "—sa sobrang abala mo hindi ka na naglalage dito, alam mo bang namismis ko na ang Clay ko," may halong tampo ang boses ng ina.

"Come on, Emma don't spoil your son, malaki na iyan mapasaan man at mag-aasawa na iyan," si Randolph na na-upo na rin.

"Dad, I don't have a girlfriend, paano ako makapag-asawa?" biro niya na sumubo ng sandwich.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Randolph sa sinabi ng anak.

"Do you want me to find a right one for you, Clay?"

"Dad no! Don't do that I'll find her myself!"

Mas lalong tumawa ang matanda, nahawa na rin si Emma at sumabay sa tawa ng asawa.

"HETO ang mga impormasyon na kailangan mong malaman sa bago mong client Lilium," nilahad ni James a.k.a Thunder ang isang brown envelope sa ibabaw ng mahabang mesa. Na-upo ito sa katapat ng inuupoan ko.

Nakataas ang kilay na sinulyapan ko ang sobre tapos binaling ko ang paningin kay Thunder. Ngumiti ako ng mapait.

"Are there any assignment better than that, Thunder?" Nang-uuyam na tanong ko dito sabay na pinagkrus ang binti at pinatong sa ibabaw ng mesa.

Isang nakakalukong tawa ang pinakawalan ng lalaki nang marinig ang tanong ko.

"Alam mo bang, iyan ang pinakadangerous na assignment sa lahat ng assignments na binigay sa'yo, Lilium!"

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi nito. Niinis ako dahil sa assignment na binigay sa akin.

"Are you mocking me, Thunder?" pairap na sinulyapan ko ito.

"No—" daling tanggi nitong tumitig sa akin na pilyo sa mga mata. "—I am just stating the fact and warned you."

Nagsalubong ang kilay ko't hindi makuha ang sinabi nito. Bakas sa mukha ko ang pagkalito't napansin iyon ng lalaki tuloy hindi na naikubli nito ang ngiti pilyo sa mga labi.

"Hana, you're very clueless. You are good in everything yet very innocent."

"Are you fucking kidding me, Thunder? I am not joking around!" I yelled that echoed in the entire conference room.

"No, I am not, I am warning you, your client is very dangerous to an innocent woman like you!"

"Shut up, you idiot!"

Pagkasabi ko'y nilundag ko ang kinauupoan nito. Hindi agad nakapaghanda ang lalaki dahil sa bilis ng kilos ko.

I caught him off guard. Pwersahan ko itong pinayuko sa ibabaw ng mesa. Hinila ang magkabilang braso niya sa likod at nilock.

"I am not joking around, Thunder so stop that nonsense!" nanginginig ang pangang turan ko na mas lalong diniin ang ulo ng lalaki sa matigas na mesang yari sa mahogany.

Dinig ko ang ungol nito, namilipit ito sa sakit.

"Damn! Lilium, let go!" d***g nitong nanatiling nakacorner patalikod.

He moved quickly and threw a kick blow on my left leg and made an advancement impact.

Marahas kong nabitawan ang mga bisig nito. Naging mabilis ang lalaki at akmang tapunan ako ng isang suntok nang makabawi.

Pero mabilis ko ding naiharang ang sariling bisig at dinepensahan ang sarili. I took a step backward and strike a pose.

"Come?!" nakangising nanghahamon kong kinumpas ang mga daliri back and forth.

Halos pantay lang ang abilidad namin ni Thunder pagdating sa pakikipagbakbakan.

He never hesitated and attacked me. We exchanged blows, exchanged fisticuffs and turning kicks and it took a while before I trapped him on the wall. Pointed my right foot towards his face.

"Not bad, Lilium," humihingal na turan ng lalaki, ngumisi ito pagkatapos.

Nakatagis na binaba ko ang paa. Umayos akong na tayo. Kibit balikat na tumalikod ako at akmang pihitin ang doorknob papalabas nang muling nagsalita si Thunder sa likuran ko.

"Be careful Hana—" umayos din ito ng tayo, naiiritang nilingon ko ito na habol din ang hininga, "—be careful of that man's charm."

Isang iritableng ngiti ang ginawa ko sabay tinaas ang middle finger sa pagmumukha nito. "Fuck you!" binuka ko ang bibig ngunit hindi iyon gumawa ng ingay..

Agad akong tumalikod pagkatapos at pabalyang sinara ang pinto.

Naiwan ang lalaking nakanganga.

"H'wag magpapadala sa kamandag, Lilium baka umuwi kang luhaan," si Thunder na nakatuon ang paningin sa pintong dinaanan ng dalaga na parang dinaanan ng ipi-ipo.

NAKASUOT ng itim na pantalong slacks. Puting long sleeve top, pinaibabawan ko ng itim na blazer ay lulan ako ng elevator papanhik sa aking destinasyon ang 'GAIA Corporation'.

Unang araw ko bilang bodyguard ng CEO nang nasabing Corporation. Seryosong nakamanman ako sa paligid. Matalas ang pandinig at alerto ang paningin habang hinintay kong makarating sa pinakataas na floor kung saan nadoon ang office nang nasabing kliyente.

Hindi ko man gusto ang assignment ko pero wala akong magagawa dahil paghindi ko matapos ay mapilitan akong tanggapin ang alok ni Miller na magbakasyon na muna.

Hell no way!

Kahit naiinis ay tinanggap ko ang pipitsyuging assignment na ito.

Habang lulan ng elevator, maraming mga taong labas masok sa loob. Lahat ng mga iyon ay binusisi ko't pilit inaalala ang mga hitsura.

Palihim na napahugot ako ng hangin nang may pumasok at sumabay sa akin na isang napakagandang babae.

Wala sa sariling napahagod ako sa hitsura nito. Kasing tangkad ko, maputi at makinis ang balat, kutis porcelana, may mayayaman na dibdib, kurbadong balakang.

Bahagyang nakalantad ang mga hita nito dahil medyo maiksi ang suot nitong bestida.

Sigurado naman akong lalaki ang gusto ko pero ang isang to' nakakapanuyo talaga ng lalamunan dahil sa ganda at seksi. She's very intimidating.

Tumikhim ako ng kaunti upang makabawi. Bahagya kong sinulyapan ang contol panel nalukot ang mukha ko nang malapit na ako sa huling floor.

Ilang sandali ay tumunog ng ang elevator at nagbukas. Unang lumabas ang babae at sumunod ako. Habang nakasunod ako ay palihim kong in-obserbahan ang babae.

Nakasuot ito ng sandal na mahaba ang takong pero kahit mahinang bakas ng ingay mula sa yapak ay wala akong naririnig. The woman walks like a panther.

"I had a bad feeling about this, she's dangerous."

Nakatuon ang piningin ko sa babaeng papalayo hanggang iyon ay naglaho.

"GOOD morning, Miss—" nabitin ng lalaki ang sasabihin nang matunghayan ang aking hitsura. Sinuyod nito ang kabuuan ko. Pagkatapos ay nilinaw nito ang nanuyong lalamunan at muling tinuloy ang napintong pangungusap, "—Lilium," pilit itong ngumiti.

Malamig na titig ang aking pinukol sa lalaki. Pamilyar ako sa hitsura nito pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita.

Isang tango ang sinukli ko sa lalaki bilang pagsang-ayon.

"Oh, so you're the one Mr. Randolph talked about," nakataas ang kilay na sabi nitong hindi parin ako nilubayan ng titig.

Randolph?

Hindi ko alam at wala akong panahong alamin. Ayokong magsayang ng oras pag-aralan ang isang pipitsyuging trabaho.

Pansin kong hindi nagbitaw ng tingin ang lalaki at hinagod pa ang kabuuan ko lalo.

"If he'll examine me one more time, I'll choke him to his death!"

Sinundan ko ang lalaki ng tingin na kasalukuyang gumawi patungo sa kinatatayuan ko. Kalmanteng na-upo ito sa ibabaw ng desk nito.

Sinipat ko ang paningin sa ibabaw ng mesa nito, nahagip ko ang pangalan ng lalaking nakasulat sa desk nameplate.

'George De Makitah' personal assistant.

Tumaas ang kilay ko pero nanatili ang malamig na bakas sa aking mukha.

"So, you're Lilium known as hot and deadly," tumatayo ito't dahan dahang humakbang ang mga paa paikot sa akin.

Sinusuri ako na animo'y isang panindang karne sa palengke.

I got goosebumps all over my body the way he stared at me. Parang nakikitaan kong hindi ito kumbinsido na ako ang bodyguard na inirito sa Boss nito.

This guy irritates me like bullshit! One more unnecessary move and I won't hesitate to shatter his head down.

Nagpupuyos man ay pinanatili ko ang aking composure.

Matapos itong umikot ng 360 degrees sa akin ay huminto ito sa harap ko. Sinuri ang mukha ko nang malapitan na animo'y malabo ang mga paningin nito. It irritates me more!

Out of nowhere I pulled out the gun that was tucked in my waist and without a second thought I aimed it at the man's head.

"One more try, and I'll shatter your fucking brain down!" pabulong na babala ko. Malayelong tinitigan ko ang lalaki, na sa sandaling ito ay nanlaki ang mga mata at natigilan.

"E-Easy woman," nanginginig na umatras ang lalaki. "I'm just checking if you deserve to be Clay's bodyguard!" turan nito na diinan ang huling kataga.

"Is that so—" turan ko na sinulyapan ang desk name plate nito sa ibabaw ng mesa, "—Mr. George?" sinundan ko pa rin ang ulo nito. Nakatutok ang baril ko sa bungo nito. "If I pull this trigger now, am I worthy enough, Mr. George?"

"Oh jeez, Miss Lilium put the gun down!" nanginginig na babala ng lalaki. Ikinumpas ang dalawang palad na ibaba ang baril.

"I repeat! Am I worthy enough?" nanghahamon na titig ang pinukol ko sa lalaki na nanatili ang baril sa ere.

"Jesus! Y-You are... you are beyond incomparable, Miss Lilium, so please put that gun down!"

"Good!" marahas na binaba ko ang baril at muling niluklok sa beywang ko.

Umayos ako ng tayo at tinitigan ang lalaki na namumutla.

"Now, I have to see the person who needs my service?"

"H-He is behind that door!" natatarantang turo ni George sa malaking salaming pinto na natatabunan ng blinds sa loob. Nagpakawala ito ng maluwag na hininga pagkatapos.

Sinundan ko ang daliri nitong tinuro ang pinto. Tahimik kong tinalunton iyon.

Naiwan si George na hindi parin mapakali, nanginginig na dinama nito ang dibdib.

"Jesus she's brutal," naiiling iling ito.

Kinatok ko nang dalawang beses ang pinto pero wala akong nakuhang sagot. Awtomatikong tinulak ko ang salaming pintuan. Tahimik at tuluyan akong pumasok. Tumambad sa aking ang isang pamilyar na bulto. Lihim akong napasinghap.

How come I am so naive?

Ngayon ibig kong magsisi kong bakit hindi ko man lang tiningnan ang file na binigay ni Thunder! Gusto kong pagsasapakin ang sarili.

Natigilan ako ng bahagya nang makita ang lalaking naka-upo sa harap ng desk na abala sa kabusisi sa mga dokumentong na nasa ibabaw ng mesa.

Nilinaw ko ang nanuyong lalamunan bago ko binuka ang bibig.

"Mr. Smith," nilangkapan ko ng tigas ang boses.

Pero hindi ko mawari sa puntong ito kung bakit bigla nalang nilindol ang dibdib ko?

Wala akong nakuhang sagut mula sa lalaki, nagpatuloy ito sa ginagawa na hindi ako pinansin.

"The nerve!" as far as I could remember this is the same guy who stole a kiss from me a month ago.

"So, Randolph sent you," his deep baritone voice echoed all over the place.

Hindi ko napigilan na manayo ang balahibo ko sa buong katawan.

What's wrong with me? Why is this man always made me feel so nervous?!

Oh God damm it!

Hindi parin nito inangat ang paningin at nanatiling nakasentro ang sarili sa ginagawa.

"I guess!" Tipid kong sagot kahit na hindi ko kilala si Randolph.

"You know what—" tumigil ito bahagya sa pagscann ng papel at huminga ng malalim, " —I don't need a woman to watch over me!" turan nitong nakatungo parin.

Kita ko ang paggalaw ng panga nito pagkatapos ay muling binusisi ang mga papeles.

So, this fucking man discriminates against my ability as a bodyguard! Fuck this bullshit! I won't allow him to look down on my ability of what I am capable of?

Nanggigit ang kaibuturan ko habang nakatuon ang paningin sa lalaki na animo'y wala paki-alam sa presensiya ko.

"I guess you doesn't have a choice, I have to do my duty either you like it or not!"

Nanghahamon na giniya ko ang sarili sa gilid ng desk nito at umayos ng tayo.

Isang mahinang tawa ang pinakawalan nito na tama lang marinig ko.

Nagpupuyos ako sa inis dahil sa lalaking ito.

How rude! Tinawanan ba ako nito?

"Are you discriminating my ability Mr. Smith?" sarkastikong tanong kong pinandilatan ang lalaki kahit hindi ito nakatingin sa direksiyon ko.

"As I said, I don't need a woman to defend on my behalf, it is troublesome!"

Humugot ako ng malalim na hininga, kasunod ay naging mapangahas ang kilos ko.

I threw a strong attack using my right palm however, the man quickly and automatically dodged my attack even though he wasn't looking in my direction.

I wasn't done yet and I attacked him again with my left palm, but he was quick and blocked my attack, making both my fists completely useless.

"Oh boy I am in trouble!"

Walang ibang makakatalo sa akin sa hand-to-handcombat bukod kay Terron not until this man came!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status