Kabanata XXXI"YES, it is I, Clay!" pakilala ng lalaki na humakbang papalapit sa kina-uupoan ni Clay. Walang emosyon ang rumihestro sa mukha nito.Walang mapaglagyan ang gulat ng binata habang sinundan niya si George papalapit sa kinaroroonan niya, kasunod ay marahas nitong tinanggal ang tape na nakadikit sa labi niya."George, how dare you?!" litong sumbat niya sa lalaki, hindi niya matagpi tagpi ang mga nangyayari. "Paano mo nagawa to' George? I trusted you!" bulyaw niya, nanginginig sanhi ng tinitimping galit.Napakuyom ni Clay ang kanyang mga palad. Gusto niya makawala sa pagkakatali at pagsasapakin ang kanyang assistant na si George De Makitah. Ngunit malabo atang makawala siya dahil sa higpit ng tali.Isang malakas at nakakalukong tawa ang pinakawalan ni George na sumakop sa buong paligid."Trust? Of course, I have to earn your trust to avange my sister Theresa." saysay nito kasunod ay biglang pumait ang timpla ng mukha nito. "Ako lang naman si George Bentura kapatid ni Theresa n
Kabanata XXXII"H'WAG mo akong titigan ng ganyan, Mr. Smith!" napangusong babala ko nang mapansin kong kanina pa ako hindi nilubayan ng mga titig ni Clay.Ang paraan ng titig nito ay tila ba isa akong hamon sa grocery. Tuloy mas lalong napatagal ang pagkalag ko sa pagkakatali nito.Ilang minuto rin ang ginugol ko upang kalagin ang tali nito sa braso. Kasalukuyan kong kinalag ang tali sa mga binti nito. Sobrang higpit ng pagkakatali niyon at ang malas, hindi ako nakadala ng kutsilyo o anumang matalas na bagay."Why? Is it bad to look at my future?"Napatigil ako sa ginagawa sa narinig. Gusto ko nalang ma-upo sa harap nito't magtitigan nalang buong maghapon.Bullshit! Napayuko ako upang ikubli ang mga ngiti ko sa labi. Lintik na lalaki at pinasaya na naman ang puso ko.Humugot ako ng malalim na hininga upang makabawi sa kiliti na aking nadarama.Sinikap kong ignorahin ang sinabi ng lalaki. Muli kong pinagkakalag ang tali sa binti nito, hanggang sa iyon ay natanggal."Ayan tapos na, ihaha
Kabanata XXXIIINAGISING si Clay na wala na sa tabi niya si Hana. Biglang sumikdo ang kaba sa dibdib niya. Pabalikwas siyang bumangon mula sa pagkakadapa sa ibabaw ng kama.Agad niyang hinagilap ang boxer at track pants niya na nagkalat sa sahig.Habang ini-isa isa niyang sinuot ang saplot ay napatampal niya ang kanyang noo. Isang hugot ng hininga ang pinakawala niya na na-upo sa gilid ng kama."I should have trust her, silly me," bulong niya na nakatuon ang paningin sa mga damit ni Hana na nagkalat parin sa sahig.Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya't tumayo, hindi siya nag-abalang magsuot ng pang-itaas saka lumabas ng silid.Wala sa sariling naipikit ni Clay ang mga matang sinamyo niya ang halimuyak ng pagkaing almusal na sumalubong sa kanya sa hagdanan. Hindi napigilan ng binata ang mapangiti ng napakalapad."She is in my possession!" bulalas niya sa isip.Maybe too early to celebrate but he will make sure she can't escape.Maingat siyang bumaba ng hagdanan at tinalunton ang k
EpilogueKANINA pa natapos ang seremonya ng kasal namin ni Clay at kasalukuyan na ginanap ang reception sa Hotel na pagmamay-ari ng mga Smith.Nakasuot ako ng eleganteng trahe de boda na gawa sa isang sikat na designer, ganun din ang asawa ko. Sobrang elegante nitong tingnan, lalo tuloy nakaagaw ng pansin ang kagwapohan nito."Congratulation, Lilium!" bati ni Thunder sa akin.Malapad ang pagkakangiti nito na akmang hahalik sa pisngi ko nang naging mabilis ang kamay ni Clay at sinalubong ang labi nitong naka-usli."Find your match, James!" bulong ni Clay sabay na tinapik ang balikat ng binata. Napaatras tuloy si James."Come on, if it's not because of me you can't have he—Isang malakas na siko sa tagiliran ni James ang tinapon ni Clay. Nagsalubong ang kilay kong nakamasid sa dalawa."Shut up! And go over there and stay away from my wife, moron!" nginuso ni Clay ang labi sa direksiyon sa kumpol ng mga bisita sa bulwagan.Wala din nagawa si Thunder at laglag balikat na tumalikod. Nagugul
PrologueSixteen years ago"Halika na Lily, bilisan mo ang takbo! Paparating na sila!" habol hiningang utos ng sampung taong gulang na si Mat habang abot kamay na hinintay si Lily na tumakbo kasunod dito. Bakas sa mukha nito ang takot at pangamba."M-mat hindi ko na kaya pagod na pagod na ako!" Pawisan ang batang babae na pinilit na hinakbang ang mumuting paa."Halika na! Kailangan nati'ng magmadali at makalayo parating na sila!" pagpumilit ni Mat.Daling dinakma at inakay ni Mat ang braso ni Lily habang walang tigil ang malalaking hakbang nila papalayo sa malaking bodegang pinanggalinggan.Bodega ni Don Herman, isa sa pagawaan ng illegal na druga.Si Lily ay walong taong gulang at si Mat nama'y sampong taong gulang pawang ulilang lubos at dahil sa kahirapan ng buhay ay humantong sila sa kamay ni Don Herman.Sa batang kamalayan ay napilitan silang magtrabaho upang makatawid man lang ng gutom. Nagtatrabaho sila bilang tagahatid ng illegal na produkto sa iba't ibang bahagi ng ka- Maynil
Kabanata IOne month ago....Hinubad ko ang suot na leather jacket at nilapag iyon sa ibabaw ng mesa, matamlay akong naupo sa isang metal na silya.Sunod-sunod na buntong hininga ang aking pinakawala habang nilibot ko ang paningin sa paligid. Malimit ang mga pampublikong sasakyan sa kinanaroonan ko pawang private vehicles lang ang magagawi.Sa maiksing sandali kong pagmamasid ay may dalawang magkasunod na mamahaling sasakyang papasok sa lobby ng convenience store ang namataan ko.Isang Ferrari 488 GTB sports car at abuhing Porsche 718 Cayman. Malimit lang sa Pilipinas ay may ganoong klase ng sasakyan maliban kung ikaw ay isa sa pinakamayaman sa bansa, o kaya isang sikat na celebrity.Tinungga ko ang maliit na bote ng energy drink na nakapatong sa ibabaw ng mesa habang nanatiling nakatutok ang paningin sa lobby.Walang pang minuto ay may lumabas mula sa pulang sasakyan. Iniluwa nito ang isa matangkad at makisig na lalaki.Matipuno ang pangangatawan, halatang mapostora, nakasuot ito ng
Kabanata II15 days ago...Peninsula Ayala ManilaTUMUNOG ang company phone na hawak ni George De Makitah ang kanyang personal assistant."Clay, its Mr. Del Rosario," ani nito na sinuri ang pangalang rumehistro sa screen.Agad na binigay sa kanya ang telepono. Nasa backseat siya naka-upo habang si George ay nasa frontseat kasama ang kanyang driver na si Manong Lucio."Yes Mr. Del Rosario, I am on my way to meet you," aniya sa kabilang linya habang lulan siya sa kanyang itim na BMW 5 Series."Yes, of course, Mr. Del Rosario."He's on his way to meet one of his investors.He's been so active lately, meeting a lot of different investors. His entire year is so productive.Kahit na nga ba medyo hindi siya nakakapagpahinga masyado. However, everything runs so well according to his plan, it's worth it.Kailangan niyang magpakayaman, lahat ay gagana dahil sa pera. L ahat ng bagay sa mundong ito ay nagkakahalaga ng pera. Maging ang katarungan ay nangangailangan ng pera bago mo ito makuha. Malup
Kabanata IIISmith Residence"I DON'T need one, dad! I can defend myself," Clay frowned as he heard what his old man suggested. Humigop siya ng kape sa tasang kanyang hawak."But it is necessary that you have a bodyguard whether you want it or not, son," pagpumilit ng kanyang ama na si Randolph Smith.Nakatayo itong tinukod ang dalawang palad sa rails ng veranda ng kanilang mansion. Nakatanaw sa malawak na hardin na kasalukuyang diniligan ng kanilang automated plant watering system.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya."But dad—" nilapag niya ang tasang hawak, "—I know how to defend myself from those thugs," pagpumilit niyang tanggi na sinundan ang paningin ng ama. Nagkibit balikat na sinuyod din niya ang buong lawak ng hardin.Ilang saglit ay pumasok ang medyo may edad na amerikanang babae. Halata parin sa mukha nito ang kagandahang taglay si Emma Smith."Son—" panimula nito na nilatag ang laman ng tray sa ibabaw ng marble na mesa, "—you should listen to your dad Cla