Share

Hot ang Deadly 'Equilibrium Series I' [Tagalog]
Hot ang Deadly 'Equilibrium Series I' [Tagalog]
Author: S.B.S

Prologue

Prologue

Sixteen years ago

"Halika na Lily, bilisan mo ang takbo! Paparating na sila!" habol hiningang utos ng sampung taong gulang na si Mat habang abot kamay na hinintay si Lily na tumakbo kasunod dito. Bakas sa mukha nito ang takot at pangamba.

"M-mat hindi ko na kaya pagod na pagod na ako!"

Pawisan ang batang babae na pinilit na hinakbang ang mumuting paa.

"Halika na! Kailangan nati'ng magmadali at makalayo parating na sila!" pagpumilit ni Mat.

Daling dinakma at inakay ni Mat ang braso ni Lily habang walang tigil ang malalaking hakbang nila papalayo sa malaking bodegang pinanggalinggan.

Bodega ni Don Herman, isa sa pagawaan ng illegal na druga.

Si Lily ay walong taong gulang at si Mat nama'y sampong taong gulang pawang ulilang lubos at dahil sa kahirapan ng buhay ay humantong sila sa kamay ni Don Herman.

Sa batang kamalayan ay napilitan silang magtrabaho upang makatawid man lang ng gutom. Nagtatrabaho sila bilang tagahatid ng illegal na produkto sa iba't ibang bahagi ng ka- Maynilaan.

Hindi lang silang dalawa ang nasa ilalim ng manipulasiyon ng matanda kundi mahigit na isang daang kabataan pa ang kasama nila na ganun din ang ginagawa.

Ngayon nga'y nakahanap ng tsyansa ang dalawang bata na makatakas sa maduming kamay ni Herman.

"Lily, halika bilisan mo!" utos ni Mat habang hindi nag-abalang bitawan ang palad ng batang babae.

Wala namutawing salita mula si bibig ni Lily, kundi tanging hingal at habol hininga ang pinakawala ng bata. Kusa at maagap itong sumunod sa kaibigan.

Giniya ni Mat si Lily sa isang kumpol ng mga ligaw na halaman upang doon magkubli. Bakas sa mukha ng dalawa ang tindi ng takot at pangamba.

"Sshh!" si Mat na hinarang ang hintuturo sa mga labi.

Isang tango lang ang sinukli ni Lily. Habol hiningang nakadapa ang dalawa sa damuhan, sa ilalim ng mga ligaw na halamanan.

Isang suntok sa hangin ang binato ni Erning."Lintik! Lagut tayo kay boss Herman nito pagnalaman nitong kulang ng dalawa ang mga bata doon!"

"Huwag kang mag-alala— kung makakatawid pa silang buhay sa bangin na iyon!" sagot naman ng isa pang tauhan na si Athan, sabay nguso sa isang malalim na bangin sa di-kalayuan.

"M-mat a-anong gagawin natin?" kanda utal na tanong ni Lily.

Tumingin si Mat sa mga mata ni Lily. "Ano't anuman ang mangyayari Lily h'wag na kang lumabas dito, naiintindihan mo?" ani ni Mat na may halong babala sa kaibigan. Namilog ang mga mata nitong nakatitig kay Lily.

Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Lily habang dama niya ang pagpisil ni Mat sa kanyang palad.

Ilang segundo ang lumipas ay akmang magbitiw si Mat sa pagkakahawak sa kamay ni Lily pero hinigpitan ni Lily ang pagkakahawak sa palad ng batang lalaki sabay iilin-iling. Puno ng pag-alinlangan ang mga tingin nitong pinukol kay Mat.

Isang babalang tingin ang pinukol ni Mat kay Lily at pinilit bawiin ang sariling kamay.

"Huwag kang mag alala Lily, at maniwala ka lang na makakaligtas tayo," mahinang bulong ni Mat.

Hindi nawala ang pag alinlangan na bumabadya sa mga mata ni Lily pero kusang binitiwan ang palad ni Mat.

"Putang ina! Saan natin hahagilapin ang lecheng mga batang iyon ngayon!" sigaw ni Erning.

Kasunod ay marahas nitong tinutok ang kalibre kwarenta e singko sa ere. Kasunod niyon ay isang putok ng baril ang umaalingawngaw sa malawak na kagubatan.

"Relax! Erning, mapasaan man at matatagpuan din natin ang mga bulateng iyon!" mabalasik na sabi ni Athan kasabay na marahas na pinagtataga ang mga ligaw na halaman ng dala nitong itak.

Nangimginig sina Mat at Lily dahil isang hakbang nalang ay sapol at matutunton na sila at kung malasin ay matatamaan sa itak na winasiwas ni Athan.

Tumingin si Mat kay Lily na animo'y humihingi ng pahintulot. Isang tango lang ang binigay ni Lily, kasunod niyon ay mabilis ang kilos ni Mat patayo at matulni na tumakbo papalayo sa kinaroroonan ni Lily.

Agad napuna ni Erning ang mga ingay mula sa kaluskos ng tuyong mga dahon na dinaanan ni Mat.

Naging alerto ang dalawang lalaki't hinabol si Mat.

" Lintik na bata!" sigaw ni Erning hanggang sa lumayo ito.

Nanginginig si Lily na sinundan nang tingin ang kaibigan. Nanatiling nakakubli ang batang babae sa mayabong na halamanan. Tanging ang bawat pakawala ng hininga ng bata ang maririning sa sandaling iyon.

Makalipas ang kalahating minuto ay isang malakas na putok ang muling umaalingawngaw sa kagubatan.

Kita ni Lily kong paano natamaan si Mat ng bala. Gustong sumigaw ni Lily pero hindi niya magawa.

"Mat!" lihim na d***g ng bata.

Kagat labing pinigilan ni Lily ang sariling emosyon. Tahimik na iyak at hagulgol, nag-uunahang naglandas ang mga luha sa pisngi ng bata habang inaninag ang kaibigang unti-unting nabuway at nahulog sa malalim na bangin.

"Mat bakit mo ko' iniwan," sa isip ni Lily.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status