Share

I

Kabanata I

One month ago....

Hinubad ko ang suot na leather jacket at nilapag iyon sa ibabaw ng mesa, matamlay akong naupo sa isang metal na silya.

Sunod-sunod na buntong hininga ang aking pinakawala habang nilibot ko ang paningin sa paligid. Malimit ang mga pampublikong sasakyan sa kinanaroonan ko pawang private vehicles lang ang magagawi.

Sa maiksing sandali kong pagmamasid ay may dalawang magkasunod na mamahaling sasakyang papasok sa lobby ng convenience store ang namataan ko.

Isang Ferrari 488 GTB sports car at abuhing Porsche 718 Cayman.

Malimit lang sa Pilipinas ay may ganoong klase ng sasakyan maliban kung ikaw ay isa sa pinakamayaman sa bansa, o kaya isang sikat na celebrity.

Tinungga ko ang maliit na bote ng energy drink na nakapatong sa ibabaw ng mesa habang nanatiling nakatutok ang paningin sa lobby.

Walang pang minuto ay may lumabas mula sa pulang sasakyan. Iniluwa nito ang isa matangkad at makisig na lalaki.

Matipuno ang pangangatawan, halatang mapostora, nakasuot ito ng isang mamahaling denim jeans na binagayan ng isang Burberry plaid blazer at Gucci T-shirt na kulay puti at sapatos na kakulay din nito.

Nang makalabas ay abala ito sa kapipindot ng cellphone na halatang naiirita at may tinatawagan.

Napansin ko din na bumukas ang abuhing Porsche at may isang babaeng lumabas.

Maputi, sexy, mestisahin at matangkad kung pagbabasehan lang ang physical nito hindi ito nalalayo sa gandang pang modelo.

Dagdag pa ang mamahaling suot nitong maiksing bestida na mas lalong nagpapatingkad sa kagandahan nitong taglay. Padabog itong lumapit sa lalaki animo'y nagtatalo ang dalawa.

Naiiling na tinungga ko uli sa boteng hawak subalit nagulat ako nang biglang nagbukas ang glass door ng kinaroroonan ko.

Napanguso nalang ako habang pilit na hindi pinansin ang dalawa na binaling ang paningin sa ibang direksyon.

"Babe, please listen."

Dinig kong pagsusumamong sabi ng magandang babae.

"Loraine, wala kang dapat ipagpaliwanag dahil wala naman tayong relasyon," mahinang ani ng lalaki halatang iritable.

"Babe—" ang babae.

"Look, I don't want to hurt your feelings but­—

Walang imik na nakamasid ako sa usapan ng dalawa.

Inabala ko nalang ang sariling tingnan ang labas ng kinaroroonan naming at binibilang ang mga sasakyang dumadaan.

Kahit na ibig kong hindi makinig pero paano iisang silid lang ang kinaroroonan namin? Hindi naman ako bingi.

Ang dalawang panauhin ay patuloy na nag-sasagutan.

Napag-desisyonan kong umalis nalang. Matamlay na tumayo ako mula sa pagkaka-upo.

Papahakbang palang akopatungo sa exit door, biglang hinawakan ng lalaki ang kaliwang pulso ko.

"What the fuck!"

Mabilis kong napabaling ang paningin sa direksyon ng lalaki. Isang nagtatanong na titig ang pinukol ko. Nakataas bahagyang ang kilay ko.

Napaatras ako ng kaunti nang tumama ang aking paningin sa mukha nito. Lihim na napahagod ako sa hitsura ng lalaki.

Kaakit-akit ang hitsura ng nito. Makakapal ang kilay ngunit katamtaman lang, mapupungay ang mga mata. Matangos ang ilong... at may natural na mapupulang labi.

Napalunok ako ng laway nang napatuon ang mga mata ko sa mga mapang-imbitang labi ng lalaki.Animo'y nanghihigop ata ang mga labi nito at tila nang-iimbita.

Pikaramdam ko gusto kong madama ang labi nito.

"Come on, Hana!" halos magwala ang utak ko sa isiping iyon.

Inangat ko ang paningin sa mata nito, nagulat ako na mataman din itong nakatitig sa akin.

Gusto kong pamulahan nang mahuli akong nakatitig sa labi nito.

Tumikhim ako upang makabawi mula sa pagkapahiya. Isang nagbabantang titig ang binigay ko sa lalaki.

"Let go!" tigas kong utos na nakataas ang kilay.

Titig na titig pa rin ang lalaki sa akin na parang sinuri nito sa isang microscope ang mukha ko.

"Please babe I need—"

Dinig kong patuloy ng babae pero ang paningin ko'y nakasentro sa lalaki.

"Pahingi muna ng pabor, Miss!" anas ng lalaki na inilapit ang labi sa gawi'ng tainga ko.

Hindi ako nakapaghanda sa sumunod na pangyayari.

Pabiglang inunat nito ang braso ko't, hinapit ang beywang ko padikit sa katawan nito.

And then he planted a tempting kiss on my lips that sent me into paralysis.

Hindi ako nakahuma at parang napako ako sa kinatatayuan ko. Pikaramdam ko ay biglang tumigil ang inog ng mundo habang dinama ko ang mainit na labi nitong sumayad sa labi ko.

Makaraan ang maiksing sandali ay nagbitiw ito at kusang inilayo ang sarili sa akin. Sa inaasahan ay dali itong nagbawi at umayos ng tayo.

Isang pilyong ngiti ang pinakawalan nitong kinindatan ako. Tuloy para akong tangang nakatitig lang sa lalaki.

Ang hindi ko maintindihan ay ang dibdib ay sobrang tinambol.

No one dares and made me look like a helpless woman froze to death for just a simple fucking kiss! Even a gun pointed at my forehead. My subconscious responded quickly but not until this moment... not until with a simple kiss, a while ago.

"God damn it!"

Nanatiling para akong tangang nakatulos sa kinatatayuan ko at hindi alam ang gagawin. Tang ina!

"Think! Think Hana, why are you standing still like a fucking mentally unstable you stupid!" pangaral ng isang bahagi ng utak ko.

Kaya naging mapangahas ang mga kilos ko.

I tip toe, pulled his shirt close to me and threw a fucking kiss on his lips, not just a simple kiss but a scandalous one. It is soft and a little wet. Enough for him to go wild.

As I withdraw myself. He pulled me a little closer instead and kiss me again.

I thought it would be a short torrid kiss but a few seconds later, his lips started exploring my mouth as if it's looking for a treasure.

He goes beyond my expectation.

"Oh damn! This guy is a good kisser!"

Nanghihina ang tuhod ko na gusto ko nalang malusaw na kinatatayuan ko.

Napadiin ko ang paghawak sa collar ng suot nito. Gusto kong magprotesta sa klase ng halik na pinasaluhan namin.

It is too savage for me... too savage for my innocence.

"The nerve! How could I easily kiss a random guy?"

Nang matauhan ako. Tinulak ko ng bahagya ang dibdib nito. Hudyat na dapat gumising na kami sa kabaliwan.

Biglang napatigil ang lalaki sa ginagawang paghalik nang madama nito ang pagprotesta ko.

Dahan dahan nitong nilayo ang labi at dinala sa gawing tainga ko.

"That was a wild kiss there, lady!" bulong nito na hindi parin nilayo ang palad na nakahapit sa beywang ko.

Isang pilit na ngiti ang sumilay sa aking labi. Marahas kong tinulak ito papalayo sa akin,

Isang babalang titig ang pinukol ko sa lalaki. Nag kunwaring hindi ako apektado ngunit sa totoo'y ibig ko nang malumpo dahil sa tinding pangangatog ng tuhod ko.

"Wait— excuse me... and who are you?" dagling pukaw ni Loraine sa eksina.

Sadyang nakalimutan kong may mata palang nakamasid. Isang tikhim ang ginawa ng lalaki upang matauhan ako.

"She is my woman, Loraine," pagsisinungaling na deklara ng lalaki na agad umakbay sa balikat ko.

"Oh come on, why do I am in this scene, a fucking bullshit!" in my mind.

"Are you toying with me now babe? Or is this some kind of joke?" sarkastikong ani Loraine habang ang paningin ay pabaling baling sa aming dalawa.

"Actually I've waited him," nakataas kilay na pagsisinungaling ko't nakisabay sa eksina para matapos na.

Kahit na nanginginig man ang tuhod ay nagawa kong hindi mautal.

"We need to go!" madiin kong imbita sa lalaki at dagling hinawakan ang braso nito, giniya papalabas ng lugar.

"Wait babe, are sure about this?" pigil ni Loraine na may halong pagdududa.

"Yes!" sagot pa ng lalaki at agad na sumunod sa akin papalabas ng lobby.

Naiwan ang babaeng hindi makapaniwala sa pangyayari.

Nakasunod tanaw ito sa amin na blanko ang expression sa mukha.

Padabog na inakay ko ang lalaki palabas sa maliit na gusali. Hanggang sa sinapit namin kung saan ko pinarada ang aking Ducati Sports.

Lihim kong sinulyapan ang babaeng naiwan sa loob.

Ganoon nalang nalukot ang aking mukha nang mapansing nakatingin parin ito sa amin na puno ng pagdududa.

"Shit!"

Kailangang panindigan ko ang pagiging pekeng girlfriend ng lalaking 'to. Nagbitaw ako sa pagkakahawak sa palapulsuhan ng lalaki.

Napanguso akong kinuha ko ang helmet sa ibabaw ng motorsiklo. Bahagya akong tumingkayad upang abotin ang ulo nito.

Akma ko na sanang isuot ang helmet sa ulo nito nang mabilis naman nitong napigil at nahawakan ang magkabilang pulsuhan ko.

Biglang nanigas na naman ako nang maramdaman ko ang init ng palad nitong dumapo sa balat ko.

"Ikaw na ang magsuot," suhestiyon ng lalaki.

Isang malayelong expression ang pilit na inirehestro ko sa mukha.

"Isuot mo 'yan unless gusto mong mabasag ang bungo mo?" babala ko sa estranghero pilit abotin ang ulo nito.

Damn, he was too tall.

Yumuko ito upang mas mapadali ang ginagawa ko. Hindi ko matitigan ito sa mga mata, nakakasilaw.

"Hop in!" malamig kong utos nang makaangkas ako sa motorsiklo.

"What? What about my car?" wika nito na may halong pag alinlangan.

"Just leave it!"

"You want me to ride that thing?" puno ng alinglangang tanong ng lalaki habang sinusuri nito ang aking Ducati Super Sport S bike.

"Yeah! If you don't, then don't!"

"It's not that I am scared but this looks too dangerous and—"

"Then kung ayaw mo edi ,wag mo! Solohin mo iyong girlfriend mong baliw!" inis na turan kong na nirang-rang ang motorsiklo.

"Well then, if this is the way I can escape from her, then—I'll have to trust you." Nagkakibit balikat ito.

Mabilis itong tumalima at umangkas sa likuran ko. Napausog ito padikit sa likod ko dahil pausog kasi ang upuan ng Ducati ko.

Dama ko ang matigas at makisig nitong pangangatawan na lumapat sa likuran ko. Gustong mag-alsa balutan ang kaluluwa ko.

"What so big deal Hana?"

Bakit ba binigyan ko ng pansin ang napakaliit na bagay? Samantalang sa mga assignments ko madami at iba't ibang roles na nilalaro ko.

"Hold tight!" tipid kong paalala.

Awtomatikong pinihit ko ang gasolinador, walang pang isang iglap ay pinasibad ko na ang motorsiklo. Matulin kaming nakalayo hanggang hindi na namin makita ang gusaling kinaroroonan ng babae.

Walang takot na ginitgit ko ang gitna ng malalaking truck. Sanay na ako sa mabilis ang pagpapatakbo halos ilipad ko ang motorsiklo.

Dama ko ang mga bisig nitong mahigpit na pumulupot sa maliit kong beywang.

Napangiti ako ng pilyo.

Ilang kilometro na din ang aming binaybay nang may mapansin akong isang kanto marahas kong iniliko doon ang motorsiklo.

It drifted; na halos sasayad na kami sa kalsada.

"Jesus, lady!" bulalas ng lalaki sa likuran ko.

Dama kong mas lalong humigpit ang bisig ng lalaki sa beywang ko.

Narinig ko ang maluwag na hininga nito nang madama nito ang pagtigil ng motorsiklo pero hindi parin nito tinanggal ang braso mula sa pagkakayakap sa akin.

Isang tikhim ang aking ginawa, agad naman nitong narinig binawi nito ang braso mula sa pagkayakap.

"Get off!"

"Wait, what?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"I said, get off!" ulit ko.

"Whatever!" mabigat sa sang-ayon nito at bumaba mula sa pagkakaangkas.

Kinuha ko ang helmet na nakasukbit sa ulo nito at agad isinuot sa ulo ko. Itinaas ko ang pro shield ng helmet upang timingin sa lalaking nakatayo sa tapat ko.

"Now then, see you around Mr." isang nakakalukong ngiti ang aking pinakawalan at kumindat.

Binaba ko ang pro shield ng helmet bago muling nirang rang ang bike. Ilang sandali pa ay malaya na akong nakalayo sa lalaki.

"God damn it!" mura ni Clay habang naiiling-iling na nakatanaw sa babaeng papalayo. "Well then, thanks to her."

Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan ng binata bago dinukot ang cellphone sa loob ng kanyang bulsa.

"George, get me out in this fucking nowhere!"

NAGSINDI ako ng isang stick ng sigarilyo.

Pabagsak akong naupo sa mahabang sofa, nang magbaga ang sigarilyo ay walang gatol ko iyong hinithit at buga ng maka-ilang ulit.

It's my way to relieve stress. Sa klase ba naman ng trabaho ko sino ba naman ang hindi kakailanganin ng stress reliever.

Nagtatrabaho ako bilang isang spy agent at ang aking trabaho ay nangangailangan ng malakas at may kakayahan na sumabak panganib at kailangan maging dalubhasa sa pakikipagbakbakan.

And for Pete's sake, I am beyond incomparable. Hindi biro ang training na aking pinagdaanan.

Magaling ako sa hand-to-hand combat gaya ng Judo, Karate at Taekwando. Isang din ako sa nakaka-angat pagdating sa target shooting sa aming organization.

Nalukot ang noo ko nang maalala ang boss ko. Plano ko pa sanang magquit sa paninigarilyo, pero na stress ako. Nastress ako sa balita na natanggap ko kanina lang.

"NOW explain to me Lilium kung ano ang ginawa mo sa Peninsula Hotel nang mangyari ang shooting incident!?" singhal ng boss kong si Mr. Johanes Miller may halong inis ang boses ng lalaki.

Sa halip na sumagot ay nanatili akong tahimik. I impatiently played my fingers on the top of the table na tila ba walang naririnig.

Pinagkrus ko ang mga binti, kalmadong sinandal ko ang ulo sa headrest na nakapikit ang mga mata. I am so done; I am so sick sa panenermon nito. Para itong isang sirang plaka na paulit-ulit.

"Stubborn woman! Di-porket magaling ka't basta basta mo nalang itaya ang sarili mo, don't act so reckless Lilium!" nagpupuyos na pangaral ni Miller sa alaga na kasalukuyang parang walang naririnig man lang.

"Hana Alijo!" boses ng matanda na parang kulog sa lakas dahil sa galit.

"Oh, Jesus Christ Miller!" gulat na naimulat ko ang aking mga mata dahil sa boses ng aking amain na umalingawngaw sa buong conference room.

Inayos ko ang upo, alam kong galit na ito.

"Akala ko ba ayaw mong may partner sa mga assignment na binibigay ko sa iyo, dahil ayaw mong may sagabal at may intindihin? Pero heto at halos tinaya ang sarili mo sa assignment na hindi naman sa'yo!" gumalaw ang panga nito dahil sa galit. May langkap sa boses nito ang kaunting pag-alala. "For Christ sake Hana! Paano kong napaano ka!" bahagyang pumiyok ang boses ng matanda, hindi nito maikubli ang pag-alala.

Well, what to expect! Johanes Miller is my father, not a biological father but I am his adopted daughter. I can't blame him for acting exaggerated.

Oh well, his a loving and caring father as what I remember. Pilit nitong pinunan ang kahungkagan ko bilang batang ulila.

Labing anim na taong nakalipas mula ng kinuha ako nito sa isang bahay ampunan, kasama ang kaibigan kong si Terron na kasalukuyan nasa America at nagmamanage ng Equilibrium Organization branch doon.

Pinalaki kami nito at tinuring na galing sa sariling dugo't laman, at ang suwerte ko't natagpuan ako nito doon sa ampunan.

Medyo lumaki ang ulo ko dahil sa pagmamahal nito.

He can't blame me; he showered so much fatherly affection and love. Johaness Miller is a great big businessman and also, he served in the government. He is a good man and a great father too.

"I'm sorry dad," sumusukong paghingi ko ng tawad sa amain na yumuko.

Dinig ko ang pagbuntong hininga nito pagkatapos.

"Dahil sa ginawa mo mapipilitan talaga akong e-detain ka Hana!"

Namilog ang aking mga mata sa sinabi nito.

"What do you mean, dad?" naguguluhang mataman kong tinitigan si Miller.

"You are suspended, wala muna assignment para sa iyo ng isang buwan kung meron man ay pipitsyugin lang!"

"Dad, no! Alam mo naman ang kasiyahan ko ay ang trabaho ko, hindi mo 'to magagawa sa'kin, dad!" pigil ko dito, nagsusumamo ang mga titig na pinukol ko.

"Hana! Go home!" tipid nito utos sabay na tinuro ang pinto.

"Dad please, I can't—

"Shut up, I still a have plan for you so go home now!" madiing utos ni Miller.

NAIILING na umayos ako ng upo, idiniin ko ang dulo ng sigarilyong nakasindi sa ashtray na nakapatong sa ibabaw ng maliit na mesa.

Hindi ko mapigilang magtagis dahil sa ginawa ni Miller. Binigyan nga ako ng assignment ni Miller ngunit hindi naaayon sa gusto ko.

He assigned me as a personal bodyguard. Ang trabahong iyon ang pinakaayaw ko.

Ayokong may babantayan at ayokong may kasama. Ayokong may mag uutos sa akin. I want to work alone. Ayokong may iba akong ina-alala.

To be alone is the safest way to survive.

Kung hindi lang kasi ako nakisawsaw sa isang insidente doon sa loob ng Peninsula Hotel hindi sana ako maging isang personal bodyguard.

Kaya grounded ako't bilang punishment ay kailangan kong maging personal bodyguard.

Bahagya kong pinilig ang aking ulo sabay mariin na pinikit ang mga mata. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.

Matamlay na sinulyapan ko ang maliit na picture frame na nakalagay sa ibabaw ng isang maliit na table sa gilid ng couch na kinauupoan ko.

Kalmado ko iyong inabot at tiningnan ang imahe ng isang batang lalaki. Hindi maikaila ang lungkot na bumabadya sa mukha ko nang masilayan ko ang litrato.

Panibugho at paghihinayang ang aking nadarama sa sandaling ito.

This why I preferred to be alone, I don't want to be attached.

"YES! Just send me some of your people, I'm looking for someone a very important person, I know your agency is one of a high rank and highly recommended Mr. Salvador!" ani ni Clay sa kabilang linya, abala na nilalaro ang hawak na mamahaling pen sa kabilang daliri.

Kasalukuyan siyang nasa loob ng sariling office.

Clay Smith is one of the toughest businessmen in the country and also, and he is known for his great business strategy, and of course his charismatic and handsome face.

In his late twenties, he is now a very successful bachelor. He owned one of the most popular five-star hotels and resorts here in the country as well as internationally.

He runs some famous food factories all over the country.

"Mr. Salvador, I won't accept no for an answer that is a deal, I am looking forward for your great service understand?" isang babalang sabi ni Clay, sabay taas ng kilay sa kausap sa kabilang linya. "I'll expect you to do it as soon as possible, I'll pay more than it's worth?" pagkatapos ay kalmadong nilapag ng binata ang aparato.

"I'll find you wherever you are, just wait and I'll be there, I'll save you," bulong ni Clay sa hangin habang sabay sulyap sa litrato na nakapatong sa ibabaw ng kanyang desk table.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status