Share

Chapter 11

Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Iba ang kwartong iyon, hindi siya doon nakatira. Masakit ang kanyang ulo at kanyang katawan. Noon niya lang naisip na naaksidente pala siya. Agad niyang hinawakan ang kanyang tiyan. Umiyak siya sa pag aakalang nawala ang kanyang baby.

"Hija," boses ng isang matandang babae ang nagpagulat sa kanya lalo pa ng hawakan siya nito.

"Sus maryosep! Lord!! Lord may multo!!" napapikit siya habang nananalangin.

"Hija, totoong tao ako," sagot nito sa kanya.

"Paa--paano po ako napapunta dito?" tanong niya sa matanda.

"Muntik na kitang mabangga, buti na lang, magaling magpreno ang driver ko kaya hindi ka nasapul. Bakit ka kasi humahangos? bigla kang tumawid." wika ng matanda.

"May tina--"

"Good afternoon po," bati ng doctor.

'Doc, kumusta na po siya?" tanong ng matanda sa doctor.

"Okay naman po siya madam. Pati po ang baby niya ay safe," nakangiting sagot nito.

"Buntis ka hija?" nanlaki ang mga mata ng matanda, "naku, mag iingat ka, mabuti na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status