Share

Chapter 34

Tiningnan niya ng matalim na tingin si Jillian. Delikado kapag nagsumbong ito ng tungkol kay Coleen.

"Alam niyo lola.. si Mckenzie.." saka siya tiningnan ng asawa niya, "saka si Elmer, inispoiled nila ko."

"Mabuti naman kung ganoon. Yung mga nambubully sayo, kumusta naman?" tanong ni lola Liz kay Jillian.

"Nagulat po sila, kasi naging palasagot daw ako," saumubo ito at ngumuya, pagkalunok, nagsalita ulit, "nagagalit nga po sila sakin, pero okay lang, bahala sila."

"Very good! Tama yan, wag magpapaapi kahit kanino. Kumain ka ba ng maayos?"

"Opo! pinatulog pa po ako nina Mckenzie sa opisina nila."

"Ibinilin ko sa kanya yun, na kapag inaantok ka, patulugin ka."

"Lola, ako ba hindi niyo kukumustahin?" kunwari ay nagtatampo siya sa lola niya.

Medyo nagulat pa itong napatingin sa kanya, bago nagsalita, "oh, Mckenzie, kumusta ang araw mo?"

"Okay naman po, medyo---"

"Okay naman pala, wala ng dapat ipag alala, sige hija, ituloy mo na ang kwento mo," sabi nito.

Hanggang matapos ang pagkain nila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status