Share

Chapter 75

"Ahas!!!" sigaw niya at naitapon ang box. Hindi iyon basta ahas, kung hindi niya agad naihagis yun, malamang natuklaw siya. Isa iyong Cobra. Nagmamadali naman ang mga kasamahan nila na patayin ito, Siya naman ay takot na takot at napahawak kay Camilla.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Camilla sa kanya, "buti hindi ka natuklaw ng ahas."

"Jillian, hindi ka ba inabot?" tanong ni Elmer.

"Hi-- hindi naman, naitapon ko agad." sagot niya.

"Habulin niyo ang rider at alamin kung sino ang nagpadala ng box." utos ni Mckenzie sa ibang kasama, "tumawag agad sa security."

Inalalayan siya nina Mckenzie at Camilla na makaupo. Talagang nangatog ang kanyang tuhod sa unexpected na regalo. Kung ganun, may nagtatangkang pumatay sa kanya, pero sino? Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kung maiiyak ba siya o matatakot.

"Sir.. hindi na naabutan ang nagdala nmg regalo. Mabilis na nakalabas ng building," sabi ng isang security.

"Tatawagan ko si Mckenzie," sabi ni Elmer.

"W--wag na, baka nasa meetin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status