Share

Puppy Love

Taong 2006. Labing isang taong gulang na ako nuon. Umuwi na ng Pilipinas si nanay at nagtayo ng munting negosyo. Graduate na si ate Pam at si ate Cath. Nagtatrabaho si ate Pam sa Munisipyo at si ate Kath ay naging guro sa isang elementary school. Si ate Ger ay walang hilig mag aral bagkus nagtayo ng talyer at nag negosyo. Graduation ko nuon sa elementarya at sobrang saya ko sapagka’t andun sila lahat pati si ate Kath. Nagniningning mga mata ko habang nakatingin ako sa kanila ng ma receive ko diploma ko. Sa loob loob ko, ilang taon nalang, yayayain kong pakasal sa akin si Ate Kath.

Nasa restaurant kami ng tanghaliang iyun. Munting salu salo sa pag diwang ng aking pagtatapos sa elementarya.

“Bunso! Anong plano mo ten years from now?” Tanong ni ate Ger.

“Pakasalan si ate Kath.” Wala akong atubiling sinagot iyun. Natahimik lahat sa aking sagot at si ate Kath, bahagyang namutla.

“Uyy, nagbibinata na aming bunso. Me crush ka pala ke ate Kath mo, haha!” Medyo nininerbyos si ate Pam na biniro
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status