SPENCER
"Mot, hindi ka pa ba maghahanda? Sasama ka naman sa akin sa victory party 'diba?" pagtatanong ko sa kasama kong kanina pa malayo ang tingin.
Tila may iniisip ata ang kababata ko, subalit kung tatanongin ko nama'y hindi niya rin sinasabi.
"Mot, siguro dapat wala na'kong sayanging oras." sambit nito na ipinagtaka ko.
Tinignan ko ito sa repleksyon ng salamin na nasa harapan ko, nakaupo ito sa aking kama at nakatulala. Nilingon ko siya ng may pagtataka sa mukha at nagtanong. "Anong ibig mong sabihin Mot? Pansin ko rin kanina ka pa tulala d'yan."
Tumingin ito sa akin, ngunit sa pagkakataong ito ay puno ng sigla ang kanyang mga mata. Ngumiti ito at nagsalita. "Mot, siguro dapat ko nang sundan si Edward sa America." sambit nito.
SPENCER 'Di ko lubos mawari ngunit parang pamilyar sa akin ang daan na tinatahak namin ni Aaron ngayon. Hindi ko lang maalala kung kailan ako kadaan sa highway na 'to at saan ako pumunta no'n. Patuloy kong pinagmamasdan ang daan at inaalala kung kailan ako nakadaan dito, ngunit bigo akong maalala. Gabi na kasi kaya siguro hindi ko masigurado ang lokasyon namin. Sinawalang bahala ko na lamang ang iniisip ko at tinignan ang nagmamanehong si Aaron. "Oy, Aaron! Malayo pa ba tayo?" tanong ko rito. "Hindi, malapit na. Pero ganito na lang! Pumikit ka muna." biglang pakiusap nito sa akin. "Ha? Bakit naman?" pagtataka ko. "Bast
"May sakit ka sa puso?" patuloy nitong usisa.Tumango ako sa kanya at patuloy na nagsalita. "Hm! Congenital Heart Disease. Since then, dala-dala ko 'yun. Naoperahan ako for heart transplant at ngayon okay nako! 'Di ba? Parang hindi ako dumaan sa sakit." masigla kong saad sa kanya."Wow! I... I didn't know. You're so brave!" Kitang-kita ko ang pagkamangha ni Aaron habang sinasabi niya ang mga kataga.Napangiti lang ako sa kanya at ibinaling ang tingin sa kabuoang tanawin ng pinanggalingan naming syudad."Ang ganda ng tanawin 'diba? Na realized ko rito na talaga ngang kung titignan tayo mula sa langit, parang langgam lang tayong lahat. Kahit ano at sino ka pa, sa mata ng d'yos pantay-pantay lang ang lahat. Walang nasa taas, walang nasa baba!" mahina kong wika habang inaalala ang
SPENCER Nagising ako sa liwanag ng sinag ng araw na tumatama sa salaming bintana ng condo. Kahit may nakatakip na makapal na kortina ay sobrang nakakasilaw pa rin ito tanda na mataas na ang araw. "Ow... Shit!" tanging nabigkas ko nang mapagtanto ang araw na ito. Final exam lang naman namin para sa pagtatapos ng first semester. Kaagad akong bumangon sa kama. Hindi ko na alam kung anong una kong gagawin—kung tatakbo ba sa banyo para maligo o sa kusina para kumain. Tinignan ko ang alarm clock sa gilid ng kama, alas 8 na ng umaga at sabi ni professor Magtibay na eksaktong alas 8 kami dapat pumsok. Nanlamig ako bigla nang makitang huli na ako sa final exam. Kinuha ko ang alarm clock at inalog ito sa inis ko sa sarili. "Bakit hindi ka tumunog! Naalala kong nai-set kita kagabi eh." maiyak-iyak kong wika, hindi ko rin mapigila
SPENCERHindi parin mawala sa isip ko ang nalaman ko kanina. Ang PSU ay napaka prestiheyosong unibersidad sa buong Pantukan. So kung main sponsor ang daddy ni Aaron ay malamang sa malamang, napakayaman nila.Alam ko namang mayaman sila Aaron, pero hindi ko alam na sobrang yaman nila. Ngayon ko lang pala na realized, napaibutan ako ngayon ng mga mayayamang tao. Una ang dalawa kong kaibigan na sina Larah at Raffy, sunod naman ay si Kevin na sa murang edad ay nagmamaay-ari na ng isang hotel. At ngayon naman ay ang boyfriend ko!Ewan ko kung dapat ko bang maramdaman 'to pero nahihiya na ako sa kanila. Bakit ko ba kasi hindi naisip na magkaiba ang mga estado namin sa buhay? Siguro wala lang talaga akong pakialam noon dahil hindi pa ako nakakalabas sa tunay na mundo—hindi ko pa alam ang pagkakaiba ng mga status sa lipunan.Hi
Tila napako si Eilana sa kinatatayuan matapos magulantang sa nasaksihan."Oh my Gosh—!" tanging nasabi nito bago pulutin ang kumpol ng nabitawan niyang susi sa sahig. Matapos nito ay kaagad siyang pumunta sa sala upang maupo at maiproseso ng kanyang utak ang lahat.Kinakabahan at gulat na gulat sina Aaron at Spencer dahil sa pagkakahuli sa kanila. Ngunit Kahit hindi pa alam ni Spencer kung paano ipapaliwanag ang nasaksihan nito'y sinundan pa rin niya ang nakakatandang kapatid sa sala upang kausapin.Sumunod naman kaagad si Aaron sa nobyo, sa isip nito'y kung meron man dapat magpaliwanag ay siya 'yun. Gusto niyang ipakita sa ate ni Spencer kung gaano niya kamahal ang binata.Sa sala ay nakaupong naghihintay si Eilana sa dalawa. Gusto niyang marinig ang paliwanag ng mga ito. Hindi ito galit o mayroong ano mang negatibong impresiyon sa nakita ngunit gusto lamang niyang malaman ang tungkol sa relasyon nila."A-ate?!"
Pagkatapos ng tatlong maghapunan, nagboluntaryo si Aaron na maghugas ng mga pinagkainan nila, at dahil hindi maawat ni Spencer ay tinulungan na lamang nito ang nobyo at magkasabay silang naghugas ng pinggan. Sa sala nama'y masayang nanonood si Eilana sa dalawa. Mayamaya pa'y tumingin ito sa relo niya at nakitang malapit nang mag alas otsyo ng gabi. Naisip nitong kailangan na niyang Sabihin sa kapatid ang kaniyang pakay sa pagpunta rito. Marahan itong tumayo at pumunta sa kusina upang lapitan ang dalawa na ngayon ay naglalaro ng bula at ipinapahid sa mga mukha nila. Kitang-kita ang kasiyahan sa dalawa na parang mga naglalarong paslit. Ayaw man niyang putulin ang kasiyahan ng dalawa ngunit kinakailangan na talaga ni Eilanang sabihin kay Spencer ang pagpapauwi ng mga magulang nila rito. Sa paglapit ni Eilana napansin kaagad ito ng kapatid kaya nagkusa itong lumapit upang tanongin ang ate niya kung may kailangan ito. Kaagad namang sinabi ni Eilana ang
SPENCER Nagising ako sa malakas na ingay na nanggagaling sa telepono. Kahit labis ang antok ko'y kinapa ko pa rin ang telepono na nakapatong sa maliit na mesa sa gilid ng kama. Dahan-dahan kong tinignan ang telepono ngunit ang liwanag nito ay nagdulot ng hapdi sa kakamulat kong mga mata. Ilang sandali pa'y nasanay na ang mga mata ko sa liwanag na dulot nito. Nakita ko ang pangalan ni Aaron, tumatawag ito. Bago ko sinagot ay tinignan ko muna ang oras sa taas ng screen, Alas quatro imponto! "Hello Wolf?" Mamalat-malat kong pagbati. "Good morning Buns! Tinawagan na kita. Baka kasi nakalimutan mo na namang mag set ng alarm. Baka ma-late ka malayo-layo pa naman 'yang inyo!" saad ni Aaron sa kabilang linya. "Good morning din. Nag set ako, 5AM. Mas napaaga lang tawag mo." wika ko kasabay ng mahinang pagtawa. "Ay sorry, masyado bang napaaga
SPENCER"I'm Alvin, Aaron's bother! I need to talk to you about him."Kaya pala parang nakikita ko sa kanya si Aaron dahil magkapatid sila. Actually buhok lang ang pagkakaiba nila at ang kaunting detalye sa mukha.Medyo kinabahan ako ng kunti, pero napawi rin nang naisip kong hindi ako dapat matakot dahil wala naman akong ginagawang masama. Wala nga ba?Pumunta kami sa isang malapit na coffee shop. Nakaupo lang ako sa isang upuan habang hawak-hawak ang nanlalamig kong mga kamay. Hindi ko kasi maiwasang matakot, hindi kasi ibang tao lang ang kaharap ko ngayon, nakakatandang kapatid ito ng boyfriend ko."Excuse me, here's you order please." pagbasag ng waiter sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Inilagay nito ang inorder sa akin ni kuya Alvin na Coffe Caramel at Isang sliced vanilla cake.