SA dinami-dami ng pagkakataon, bakit ngayon pa siya tinamaan ng patong-patong na kamalasan? Bakit ngayon pa kung kailangan ilalaban na niyang muli ang pangarap na matagal ng panahong isinantabi?'Bakit ngayon pa?!'Pero heto at kahit anong gawin niyang pagsisisi sa naging desisyon ay hindi niya malaman kung paano ang gagawin sa mga oras na iyon.Halos magkasamaan pa sila ng loob ng kanyang ina dahil sa kanyang biglaan desisyon. Totoo nga ang sinabi nitong mapanganib sa siyudad lalo na sa katulad niyang probinsyana. Mabuti na nga lang at nandoon ang kanyang lola upang suportahan siya sa kanyang mithiin. Marami daw kasi itong mga bagay na pinagsisisihan dahil hindi nito sinubok noong
"ATE ako na yan!" Halos mapatakbo siya nang buhatin nito yung box ng file sa may likuran ng sasakyan. "Kaloka ka magaang lang toh." Nangingiweng napakamot na lang ito sa ulo nang kunin niya ang bitbit dito. "Kahit na, hindi ka dapat nagbubuhat. Ihahatid na kita," presinta niya dito. "Sigurado ka? Eh hindi ba't maghahanap ka pa ng trabaho?" Isinara nito ang compartment ng sasakyan at sinundan siya sa paglalakad. "Sus maaga pa naman, kaya pwedeng-pwede kitang ihatid." Nginitian niya ito ng parang isang tupa. "Grabe naman... alagang-alaga mo naman ako nyarn, baka naman masanay ako sayo day?" biro nitong parang binabae kung magsalita na agad na nagpahagikgik sa kanya. Mula sa parking area ay lumakad sila patungong elevator habang abalang nagkukwentuhan.Nalaman niyang nagtatrabaho pala ito bilang Senior Accountant sa isang sikat at malaking Talent agency. "Hoy pag may audition,
HALOS manglagkit siya sa pawis kakalakad dahil inisa-isa talaga niya ang bawat gusali. May mga pinasahan siyang restaurant, bookstore, flower shop, at pati na rin ilang fast-food.Maya maya pa ay may nakita siyang bench sa tapat ng isang coffee shop, kaya naman naisipan muna niyang maupo doon at uminom ng tubig habang nagpapahinga.Wala sa sarili niyang napagmasdan ang napaka unique na exterior design ng shop sa harapan niya.It's in purple palette paint with pink and gold detail. Mukha itong Ube cake na may mga naka-hang na lavenders at iba pang klase ng halaman na talaga namang bumagay dito. Maliit lang ito but the aesthetic is catchy, and for some reason it has the magic to make someone
"OH Janine... nandyan ka na agad? Ang bilis ah, kamusta?" kinakausap siya nito pero ang mga mata ay hindi maialis sa harap ng monitor. Mukhang abala dahil sa pamisan-minsang kumukuno't na noo na animo'y maiging sinusuri ang kung anumang nilalaman ng computer. "Mamaya ko na lang ikukwento after work mo, mukhang busy ka pa eh," alanganin siyang napangiti. Wala sa loob na napabaling ito sa kanya. "Naku pasensya ka na kailangan kasi ng matinding powers of concentration itong ginagawa ko, bawal akong magkamali dahil baka mabugahan ako ng apoy nung Dragon mamaya." Natutuwa talaga siya sa paraan ng pagsasalita nito, katunog nito si Maricel Soriano at nakaka goodvibes sa tuwing maririnig niya. Napahagikgik na lang siya. "Oh, sige na ate... sa labas na ko mag-iintay para matapos mo yan ng maayos." "Sige, magkape ka muna doon para hindi ka mainip." Muling ibinali
"HI Ja! Ngayon pwede na kitang batiin ng isang mataba at busog na GOOD MORNING!" punong-puno ng enerhiyang bati nito at napakalapad rin ng ngiti sa mga labi, hindi katulad kahapon na halos parang gusto na nitong sumuko sa buhay.Napakamot siya ng ulo at alanganing napangiti. Her smile, for some reason scares her. "Good morning Meg," parang napipilitan lang niyang bati dito, "Saan nga pala ako pupwesto?""Ah sa loob ng opisina ni Sir, nandoon kasi sa loob yung personal copy niya ng lahat ng files," ngiting-ngiting sagot nito na biglang ikinanginig ng tuhod niya.'Ano??!!! Ibi
"HOW long have you been working for him?"Wala sa loob siyang napalingon dito. Magkasama na naman sila sa loob ng elevator at pabalik na ng opisina. After kasi nitong malaman na nagtatrabaho siya sa Purple Macchiato ay hindi naman na ito muling nagtanong pa tungkol doon. Obviously wala naman itong pakealam, pero naisip niyang baka hinintay lang talaga nito na silang dalawa na lang at saka siya nito tatadtarin ng sermon. Bigla tuloy siyang inatake ng kaba."Ah... actually, ito din Sir yung first day ko sa kanya," may kalakip na alinlangan na sagot niya dito.They are just standing side by side and the only way that their eyes are meeting is by looking at the mirror door of the elevator. Wala
LUMIPAS ang isang linggo at unti-unti na siyang nasasanay sa bugnutin niyang amo. Masungit pa rin ito at laging pahirap sa tuwing ioorder niya ng lunch, na buti na nga lang ay laging to the rescue ang mabait niyang boss sa Purple Macchiatto.Ngunit isa lang ang napansin niya, na sa tuwing tatanungin niya ito about kay Yuki, pasimple nitong iniiba ang usapan. Kaya tuloy lalo lang siyang naku-curious kung bakit?'Hindi kaya may alitan ang dalawa?'Sa loob loob niya, pero hindi din naman malayong mangyari dahil sa sama ng ugali ng amo niya.."Hoy, tulala lang girl?" Napakurap-kurap pa siya nang ikaway ni Meg ang kamay sa tapat ng mukha niya. Kasabay kasi niyang nananghalian ito a
"WOW!" nakangangang nasambit na lang ni Meg nang makita siya, "Grabe ikaw na! Sana all marunong magtimpla ng kape," inggiterang kantyaw nito habang nang-iinis na nginiwe ang labi.Hindi na siya nagtataka sa reaksyon nito, dahil kahit siya ay hindi nakilala ang sarili nang mamasdan ang itsura sa harap ng salamin kanina.Oo nga at napakalaki nung diperensiya nang suotin at gamitin niya yung mga gamit na binigay sa kanya kahapon. Nag-search pa nga siya sa yutubee kung paano mag-make-up dahil hindi naman siya sanay gumamit ng mga kolorete sa mukha. Mabuti na nga lang at nakakita siya kung paanong gawin ang