Pearl
I woke up early and left the house immediately because my schedule for today was full. And I admit that I am very busy right now because one of the people I will meet is the future big client of T Corporation.
My father didn't like me, because I was not a man who could run and grow a business. I was the reason my mother left him and chose to live abroad because he hated me so much.
He hides me from everyone and repeatedly pushed me away. He never considered me his child. But even so, I still love him so much and I can't get mad at him. He's my father, isn't he? Even though he always chooses his money and wealth more than my mother and I.
That's why, I do not want to disappoint him again this time, I want to show him that even if I am not the child he expects to be born, I can still fulfill the responsibility that the company has. And I hope t
Hey babies, don't forget to leave your comments. Thank you! :)
EricaHuminto kami ni Pearl sa isang liblib na lugar kung saan napapalibutan ito ng mga punong kahoy. Ngunit hindi ko inaasahan na maraming tao rin pala ang nandidito ngayon na animo'y isa itong amusement park.Pagbaba namin mula sa sasakyan, mabilis at walang sabi na hinawakan ako ni Pearl sa aking braso at iginaya na papasok sa gate. Pagdating sa loob, hindi ko maitago ang malawak na ngiti na gumuhit sa aking labi habang iginagala ang aking paningin sa paligid. Kumikinang pa ang mga mata na ibinalik ko ang aking mga paningin kay Pearl na ngayon ay abala rin sa pagtingin sa paligid.Ang ganda ng mga mata niya na naniningkit at kumikinang pa kasabay sa pagkislap ng mga ilaw sa paligid.Ang daming mga kabataan, magkasintahan at buong pamilya ang nandidito ngayon, may mga food cart na nagkalat din paligid. Naglakad pa kami sa may unahan kung saan noon ko lamang napansin na n
EricaAraw ng Sabado ngayon, walang trabaho kaya maaga palang, kumilos na ako upang maraming matapos na gawain. Tinulungan ko si mama sa paglalaba ng aming mga damit at naglinis na rin ng bahay.Pasado alas dyes ng umaga kami natapos sa lahat, umakyat na akong muli sa aking kuwarto para maligo. Hindi ko alam kung ano ang susunod na aking gagawin. Sa tingin ko naman eh wala na akong kailangan pang gawin kaya napag desisyonan ko na pumunta nalang kina Vina.Habang naliligo, hindi ko mapigilan ang muling maalala ang nangyari noong nakaraang gabi, iyong date ko with Liam na nauwi na kasama si Pearl at napadpad sa isang tago ngunit romantikong lugar.Hindi ko inaasahan na sumilay ang maliit na ngiti sa gilid ng aking labi noong maalala ang mga nangyari. Lalo na noong muli akong halikan nito. Iyon ang pangatlong pagkakataon na naglapat ang aming mga labi...Ewan ko ba, hindi ko alam ku
PearlBigla na lamang naging tahimik si Erica. Hindi na rin ako nito muling tinapunan pa ng tingin at tanging sa labas ng bintana lamang naka pako ang kanyang mga mata.Why? What's wrong with her? Hindi parin ba ito komportable na kasama ako? Sa nakikita ko naman eh masaya siya kapag kasama niya ako. At hindi iyon magawang maitago ng mga mata niya. I know, she likes me too.Isa pa, hindi mangyayari ang date na ito kung hindi ko nakita ang isinulat niyang wish sa lantern noong gabi na iyon. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit niya nagawa 'yon, ang importante mabibigyan ako ng pagkakataon na muli siyang masolo at makasama.Napatingin akong muli sa kanya. "Can I have your phone?" Tanong ko rito.I just really want to hear her voice. Nakakainis na itong bumabalot na katahimikan sa aming dalawa."Pst." Pagtawag ko pa noong hindi parin niya ako p
EricaHindi ko alam kung ano ang ginawa ni Pearl sa akin sa buong araw. Tila ba sa isang iglap eh biglang naging magaan na ang lahat. Nawala ang naiiwang inis sa puso ko sa tuwing nandiyan siya. Para bang...para bang nabalot ang puso ko ng kakaibang feeling na hindi ko pa nararamdaman noon.Noong hinalikan ako nito kanina sa may ilog at binuhat hanggang sa inihiga sa blanket ay bumigay na ang lahat sa akin at gustong ipaubaya sa kanya ang lahat ng gusto nitong gawin sa katawan ko. Hindi ako nag protesta, hindi ako nangamba at kahit na pagpupumiglas eh hindi ko ginawa. Hanggang sa siya na mismo ang nagputol sa aming halikan at nahihiyang humingi ng tawad sa akin."Sorry, I know you are not ready yet." Pahingi nito ng tawad bago napayuko. Hindi ko naman mapigilan ang mapa kagat labi noon.Iyon kasi ang unang beses na nakita ko siyang ganoon, ang mahiya sa harapan ko at ang mamula ang kany
Pearl"Bubuksan mo ba ito o gigibain ko?" May halong pagbabanta na sabi ko sa kanya mula sa labas ng kanyang kuwarto. Agad na pinandilatan naman ako ng mga mata ng kanyang ina na nasa aking tabi lamang ngayon.Kasi naman eh! Pagkatapos niya akong iwasan buong araw at dedmahin ang mga messages ko, ngayon naman pagtataguan niya ako?Ano bang problema niya?Kahapon lang ang saya-saya lang namin, naging maayos at maganda ang takbo ng date namin na halos kulang nalang eh mauwi sa...nevermind. Ah basta! I just want to know if she is okay or what? Because she worried me all day.And also, there are so many things running through my mind right now that I want to be enlightened. Alam kong ganoon din si Erica. At kung ano man ang magiging kasagutan ng mga katanungan na iyon, tatanggapin ko iyon ng maluwag sa aking puso't isipan.Ganon naman kapag may tao kang pinahahalagahan, diba? Magsugal ka man ng magsugal at i
Erica Maagang-maaga pa lamang kinabukasan, habang natutulog pa ako eh naramdaman ko na agad na parang mayroong nanonood sa akin. Kaya mabilis na iminulat ko ang aking mga mata kahit na sobrang inaantok pa. At hindi nga ako nagkamali lalo noong makita ko ang napaka perpektong mukha ni Pearl. Nakaupo ito sa gilid ng aking kama habang naka ngiti ng malawak, nakikita ko rin tuloy ang mapuputi nitong ngipin. God! Bakit ba napaka ganda niya? At ang bango-bango pa! Nakakahiya naman sa katulad kong bagong gising at amoy higaan pa. At amoy laway pa! Tukso naman ng aking isipan. "Good morning to the most gorgeous woman I've ever known. How was your sleep? Hmm?" Malambing na pagbati nito sa akin. Dahil doon ay awtomatiko akong nakaramdam ng hiya, kaya agad na tinakpan ko ng unan ang aking mukha. Ehhhhh! Kinikilig kasi ako. Bakit siya ganyan? Narurupok ako. Amp! Ang
PearlMaaga akong nagtungo sa opisina dahil maraming trabaho ang naghihintay sa akin. Hindi ko na nagawa pang sunduin si Erica at ipinasundo ko na lamang ito kay Garry. Sinabi ko na lang din sa kanya na magkita na lamang kami sa lunch time.But when I got to the office, I still did not receive any reply from her. I immediately worried, I should have called her when a guest came that I did not expect. The new investor of the company from Singapore. I did not expect her surprise visit so I immediately put aside my worries for Erica. Maybe I'll just talk to her later after I have a meeting with my guest.Habang nasa meeting, panay pa rin ang pag sulyap ko sa aking suot na wrist watch na sa tingin ko eh napapansin din ng aming bisita. I can't focus. I can't help but worry because until now, even a single message from her I still do not receive anything. Could something unexpected happen? My heart was beating so
EricaHabang nasa biyahe pauwi sa bahay ni Pearl, hindi ko maiwasan ang hindi kabahan at makaramdam ng konting takot. Rinig na rinig ko ang malakas na pintig ng aking puso, dahil hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa aking isipan ang sinabi nito sa kanyang sekretarya kanina.Hindi ako kumikibo habang naka tingin lamang sa labas ng bintana. Ang daming bagay ang tumatakbo sa aking isipan na hindi naman dapat.Hayy...ano ba naman ito! Saway ko sa aking sarili.Hanggang sa naramdaman ko nalang ang isang mainit na palad na lumapat sa aking kamay. Agad na napatingin ako rito at nag-angat ng paningin para tignan siya sa kanyang mukha, na nakatutok lamang ang mga mata sa kalsada.Parang tinutunaw na agad ang puso ko kahit sa mga simpleng bagay lamang na ganon. At si Pearl lamang ang bukod tanging nakakagawa sa akin 'non. Effortless niya ako kung bigyan ng kiliti sa aking tiyan, kung paano niya ako pakiligin.&n