NALIBOT na nila ang pweding puntahan ni Sophia pero wala pa rin silang makita. Sobrang nag-aalala na ang dalawa sa kaniya dahil gabi na pero hindi pa rin nila ito mahanap. Habang si Sophia naman ay umiiyak na't nawawalan na ng pag-asang makakalabas pa siya. Nanghihina na rin siya dahil sa mga sugat na natamo niya at kulob ang lugar kaya't mahirap makapasok ang sariwang hangin. Sa mansyon naman ay hindi na magkaundagaga ang mga kasambahay dahil wala pa rin si Sophia sa mansyon. Kaya't naisip nilang tawagan si Nanna baka sakaling nasa sa kanila ito tumuloy o kaya ay may ginagawa lang sila sa school. Hindi naman tumagal ang pagring dahil sinagot agad iyon ni Nanna. "Hello po, Manang." Bungad agad ni Nanna sa matanda. "Hello Ineng, kasama mo ba si Sophia? Wala pa kasi siya dito sa mansyon, hindi pa umuuwi." Halata sa matanda na nag-aalala na ito. Natakot bigla si Ethan at Nanna sa sinabi ng matanda. Kung wala pa ito sa kanila at hindi pa ito umuuwi, saan ito nagpunta? "Yun nga po
SOPHIA'S POV. PINAGMAMASDAN ko ngayon si Magnus na walang kamalay-malay habang ginagamot niya ang mga sugat ko sa kamay na natamo ko kanina. Pagkarating namin agad kanina dito sa mansyon ay hinala na niya ako papasok para gamutin ang mga sugat ko. Samantalang sila Manang, Cecelia, Iyang at Ate Doria ay nagmamadaling kumuha ng first aid kit. Ilang beses na rin nila ako tinanong kung ano nangyari sa'kin at kung paano ako nahanap nila Ethan at Nanna. Pero syempre sinabi ko lang na nakulong lang ako sa abandonadong classroom at bago pa sila makapagtanong sa'kin ay nagpaluto agad si Magnus sa kanila ng pagkain at pinaalis.Kahit kailan talaga ang sama ng ugali ng taong 'to. Pero naappreciate ko ang concern niya sa'kin. Meron din pala siyang kabaitan na tinatago hindi lang kasungitan.Habang ginagamot niya ako ay hindi ko alam pero napapangiti niya ako at napapabilis niya ang tibok ng puso sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko ng marahan. Kung paano niya ingatang hawakan ito na para ban
NAGULAT ako sa pag-amin ni Magnus sa'kin kahapon. Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang mga katagang binanggit niya sa'kin.Hindi ko aakalain na magkakagusto siya sa'kin. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko sa tuwing nand'yan siya. Hindi ko alam kung bakit dahil ba sa kinakabahan ako o dahil may gusto din ako sa kaniya. 'I love you, Isabella either you're my stepsister or not.' Nand'yan na naman, parang naririnig ko pa rin ang boses niya. Tinakpan ko ang tenga ko ng unan para hindi ko na siya maisip.Sabado ngayon, walang pasok kaya andito ako sa kwarto ko at nagmumukmok. Habang nagmumukmok ako hindi naman ako tinatantanan ng boses ni Magnus.Ano ba 'tong nangyayari sa'kin. "Sophia, iha. Kakain na." Kumatok si Manang sa pintuan kaya bumangon na ako. "Sunod na po ako Manang." Sabi ko at tumayo na. Bumaba na ako papuntang kusina.Nakita kong naupo na si Magnus at tumingin pa ito sa'kin kaya nag-iwas ako ng tingin. Hindi pa rin nawawala sa'kin ang sinabi niya sa'kin kahapon. Hi
NAGISING ako nang may naramdaman akong humahaplos sa'kin. Nakatulog pala ako. Napamulat ako ng mga mata at nakita ko si Magnus na malapit ang mukha niya sa'kin habang nakadampi ang likod ng palad niya sa pisngi ko. "Anong ginagawa mo dito?" Agad siyang napalayo mula sa'kin. "Waking you up, tulog mantika ka." Sabi niya at napamulsa habang nakatingin sa'kin. Tulog mantika daw, e hindi naman ako ganun. Bumangon na muna ako bago ako magsalita. "You're a trespasser. Kwarto ko 'to, wala kang karapatan na bigla-bigla na lang pumapasok dito ng walang pahintulot sa'kin. Uso po kumatok." "Kakasabi ko lang kanina na hindi kita magising-gising." Inirapan ko na lang siya at ginaya ang pagsasalita niya. "Nye, nye, nye."Nagulat ako nang may tumama sa mukha ko ng paper bag. Tinignan ko siya ng matalim. Bwiset na mokong na 'to. Papansin! "Get up and wear that. I'll wait for you outside." Sabi niya at saka umalis. Dun ko lang nalaman na naka formal attire siya.Saan naman kami pupunta?Huminga ako
"ARE you inlove with me now?" Agad naman akong nabalik sa katinuan ko nang marinig ang sinabi niya. "Asa." Napairap na lang ako sa kaniya at hindi pinahalata ang pamumula ng pisngi ko. Tumingin na lang ako sa bintana, Narinig ko naman siyang tumawa dahil sa ginawa ko. Napanguso na lang ako habang nililibang sarili ko at baka matorture ko 'tong mokong na 'to. Kung pwedi lang pumatay, pinatay ko na 'to. Pero s'yempre joke lang. Hindi ko naman kayang pumatay ng tao. --- NAGISING na lang ako nang may maramdaman akong mahinang tapik sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mga mata, bumungad sa'kin ang napakagwapong nilalang. "We're here." Kinusot ko muna ang mga mata ko para luminaw ang paningin ko. Tumingin ako sa labas, nakita kong nasa harap kami ng isang malaking building na ang nasa baba ay isang mamahaling restaurant. "Nasaan tayo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang nililibot ko ng paningin ko ang paligid. "We're here at Adler's resto-hotel." Nagsimula na siya maglakad kaya sumabay
NAGSIALISAN na sila dito sa meeting room. "Are you not going with me, Blair?" Tanong ni Mr. Rodriguez kay Blair. Lumapit naman sa kaniya ang anak niya at yumakap. "Yes, dad. I want to spend my time with Magnus and I also want to talk to him." Naglalambing na sabi ni Blair. Ngumiti naman sa kaniya ang Daddy niya. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa senaryo na 'yan. Naaalala ko lang si Papa, kung paano kami maglambingan kasama si Mama. Hindi na ba mauulit 'yun? Kung pwedi ko lang balikan ang panahon na 'yun ay ginawa ko na. "Okay, sweatheart. Enjoy, hahanapin ko lang kapatid mo." Narinig kong sabi ni Mr. Rodriguez kay Blair. "Are you okay?" Napatingin ako kay Magnus na nasa tabi ko na pala. Tumango naman ako sa tanong niya at ngumiti ng pilit. Kita ko naman sa mga mata niya na nag-aalala siya sa'kin. Teka nga, kailan pa 'to naging concern sa'kin? "Are you sure?" "Oo, okay lang ako. Masama lang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko sa kaniya. Nagulat ako nang hinawakan niya ang noo k
AKALA ko sila talaga. Kasi di ba nagconfess na sa'kin si Magnus pero tinatawag pa rin siya ni Blair ng beb. Kung hindi sila, totoo kaya lahat ng sinabi ni Magnus na mahal niya ako? Halos maibigay ko na ang lahat sa kaniya pati ang sarili ko. Nakita na niya ang lahat sa'kin. Swerte pa rin siguro ako dahil hindi niya kinukuha ang pagkavirginity ko. Hindi ko alam kung bakit ganun lang kadali niya akong makuha. I mean, hindi ako ganito na klaseng babae na bibigay agad. Sa kaniya ko lang talaga nagawa ang mga bagay na 'yun, para bang isa siyang alak na nakakalasing at agad kang tatamaan. Marami ng nagconfess sa'kin simula high school pero never akong nag-entertain at pinatulan ang mga lalaking 'yun. Hard to get ako alam ko yun at kilala ko ang sarili ko pero nang dumating si Magnus sa buhay ko para bang hindi ko na kilala ang sarili ko. Nagagawa ko ang bagay na hindi pa dapat gawin ng isang katulad kong hindi pa ikinasal."Aray!" Nagulat ako nang may kamay humawak sa braso ko at hinila
PATULOY akong lumabas at hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi ko naman alam gamitin ang elevator. Lumalabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy na dumadaloy sa'king pisngi.Bakit ganun siya? Wala naman akong ginawang mali na pwedi niya ikagagalit. Ano bang masama na sumabay ako kay Ethan na kumain? Gutom na rin naman na ako that time at saka ayoko naman ipagsiksikan ang sarili ko sa kanilang dalawa ni Blair. Alam ko kasing sila ang sabay kumain pagkatapos ng pag-uusap nila. Ayoko naman maging third wheel sa kanila kaya pumayag na rin ako kay Ethan na sumabay. "Sophia!" Napatingin ako kay Ethan na palabas ng elevator. Tumatakbo ito papunta sa kinaroroonan ko kaya agad kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko. At ngumiti sa kaniya na parang walang nangyari. Malinaw kong nakita ang pag-aalala niya na nakaguhit sa kaniyang mukha nang makalapit siya sa'kin. "Are you okay? Sinaktan ka ba ni Magnus?" Pilit akong ngumiti sa kaniya at umiling. "Hindi naman niya ako