Share

15. ANONG MOTIBO MO JOHN?

Habang nakaupo pa rin siya at pinagmamasdan ang mukha ko ay napangisi ito. Ako naman ay medyo na-consious, kakaiba kasi ang mga tingin niya. Kahit na alam ko naman na alam na nito na hindi ako ang asawa niya, kaya niya ako natitingnan ng ganito. Pero isang tanong ang nabubuo sa isipan ko. Ano bang kasalanan ni Olivia at trinato niya ito ng ganito?

"Bakit anong iniisip mo?"

"John, alam mong alam ng lahat dito sa building na ito na mag-asawa tayo, pero di tayo okay diba?"

"Yup."Sabay tango pa nito sa akin. At sinamahan ng nakakalokong ngiti.

"Kilala rin ba ng lahat si Helena? At ang anak mo dinala na ba niya rito sa opisina?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Ilang mga katanungan pa ang nais kong malaman.

"Oo, lahat ng sinabi mo totoo, at never pa akong nakaipag-usap sa iyo ng ganito katagal, nandidiri ako at ayaw kitang makita, kapag nakikita kasi kita nagkukuyos ang kalooban ko," sabi pa nito sa akin. Ako naman ay nakaramdam ng bigat sa aking dibdib. Parang hinalukay ang kalooban
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status