KABANATA 26- ANG PAGKIKITA NI OLIVIA AT SOPHIA Tumayong bigla si Bong sa harapan ko, tapos ay biglang lumuhod uli nang nasa harapan ko na siya, "I'm begging you, ilabas mo na siya...." "Hindi ko alam kung nasa'n siya.""O come on! Hindi ka magaling magsinungaling Olivia!" Napapahawak pa ito sa sariling baywang. Tumitig sa akin, at muling bumuntong hininga. "Gusto lang kitang ilayo sa impostorang iyon! Gumagawa pa siya ng dahilan at mga kasinungalingang magkapatid daw kami!" tugon ko sa matalik kong kaibigang si Bong. "Bakit? No'ng minahal mo ba si John, pinigilan ba kita? Kahit na alam kong sasaktan ka lang niya!" may panunumbat nitong salita. Matamang tumingin sa akin, at pinakatitigan ako. Tumayo na muna ako at saka tinalikuran siya, lumakad ako papalapit sa malaking salamin ng aking bintana, "Talaga bang may malaki siyang naitulong sa kumpanya? Siya ang bumawi ng posisyon ko? Nagawa niya iyon? Kaya lang hindi siya nagtagumpay na hindi siya mahuli ni Jeffrey." "Malaki pa rin an
CHAPTER 27- PAG-IBIG NI BONG PARA KAY SOPHIAISANG malakas na katok nga ang narinig namin ni Olivia, hindi ko akalaing may iba pang darating bukod sa kanya, kaya naman pinagharian ako ng takot dahil sa inakala kong mga kalaban ang nakasunod sa kanya.“Magtago ka na muna, ako na lang ang haharap sa kanya!” mahina ngunit mariin kong sambit kay Olivia. Ayokong sa pagkakataong iyon ay hindi ko na naman siya ma-protektahan.“No! Ako na kaya ko na, Sophia!” Pabagsak niyang inalis ang mga kamay ko na nakahawak sa braso niya. Ramdam ko ang panglalamig ng mga kamay niya, at ramdam ko rin na ayaw niya sa ‘kin. “Magtago ka muna,” muli niyang salita sa akin na may himig ng pag-uutos. Sinunod ko naman siya at mabilis na pumasok muna ng banyo. Ngunit hindi ko iyon isinara upang makasilip ako at marinig kung sino ang kanyang mabubungaran sa sandaling buksan niya ang pintuan.“Bong!” sambit ni Olivia. Narinig kong sinabi niya ang pangalan ng isang taong labis kong kinapanabikang makita muli. Sa ilang
CHAPTER 28 - MAY NATUKLASAN SI OLIVIA! INIWAN ko na lang sina Bong at Sophia, ayoko namang maging sagabal sa dalawang taong alam kong nagmamahalan, masaya na rin ako para sa matalik kong kaibigan, at sa impostora kong kapatid, hindi ko pa sila tanggap, ngunit wala akong balak na pigilan sila sa kanilang pagniniig sa gabing ito, pinatay ko ang audio device sa cellphone ko, nakakabit kasi sa tainga ko ang isang ear phone at pinakikinggan ko ang lahat ng kanilang pinag-uusapan. Ano pa nga bang aasahan ko sa dalawang taong nagkakagustuhan kundi ang magsiping sa kanilang muling pagkikita, naiirita kong tinanggal ang aparato na iyong sa aking tainga, paano naman, puro na lang halinghingan ang dumadako sa aking pandinig. Naiiling kong inilapag iyon sa aking kadungan, napalingon naman sa akin si JC, ang driver ko at bodyguard na rin. "Bakit mo pinatay? Ayaw mo na bang marinig ang mga pinag-uusapan nila?" nakangising tanong nito sa akin, pairap ko naman siyang tiningnan at ibinaling na lang
KABANATA 29- ANG MATALIK NA KAIBIGAN NI JOHN! LABIS DING NAGMAMAHAL KAY OLIVIA! SABAY kaming nagtapon ng tingin sa lalaking nakatayo sa harapan namin ni John, ito ‘yong lalaking palaging kasama ni Olivia, kaya naman alam kong siya ang personal bodyguard nito. Ang hindi ko alam ay kung bakit nito ibinibigay ang isang maliit na sobre kay John. Ano kayang nalalaman niya? “Oo tama kayo, ako ang bodyguard niya, at nag-aalala ako para sa kalagayan niya. Iyan ang huling hawak niya bago siya atakihin, hindi ko alam kung anong nilalaman niya, pero natitiyak kong labis na lungkot angt idinulot niya sa kanya,” sagot nito sa amin. Kitang-kita ko naman sa mga mata nito ang labis na pag-aalala para sa kapatid kong si Olivia. “Sa tingin ko, iyan iyong sulat mo noon para sa kanya, at alam kong ngayon lang niya iyan nabasa, iyan iyong bagay na sasabihin ko sana sa kanya, kung hindi lang dumating si Bong, no’ng nag-uusap pa kami,” paliwanag ko naman kay John. Si John naman ay hindi ko kinakitaan ng
KABANATA 30 ANG MULING PAGPAPANGGAP NI SOPHIA HINDI man payag si Bong sa aking naging desisyon, pinilit kong sang-ayunan niya ang lahat. Tutal ay nakuha ko naman ang suporta ni JC, ang personal bodyguard ni Olivia. Dahil doon ay mas lumakas ang loob ko, at least, may magtatanggol na sa akin kung wala siya. Noong gabing iyon din mismo ay kinuha namin si Olivia na kasalukuyang walang malay, sinigurado namin na maililipat namin siya sa isang pribadong clinic. Dahil nga maraming koneksiyon si Bong, madali naming nagawa ang lahat. Sinigurado rin namin ang lahat ng mga kagamitang medical at mga manggagamot na titingin at mangangalaga kay Olivia, habang nagpapagaling siya. Kinabukasan ako na ang nadatnan nilang nakahiga sa hospital bed, at nagpapanggap na si Olivia. Nagtungo sina Luvi, Angela, at Helena, upang dalawin si Olivia. Ngunit hindi nila nahalata na ako na ang nakahiga sa kama. “Ay nako, kawawa naman ang kalagayan niya ngayon, mukhang babalik ang sakit niya sa puso, bakit naman
KABANATA 31- ANG PAGBABAGO NI JOHNNAG-AALALA ako alam na alam kong hindi nila titigilan si Olivia hanggang hindi nila nakukuha ang nais nila sa kapatid ko, ako ang malakas, ako ang may kakayahang pisikal kaya naman hindi ako papayag na masaktan nila ang kapatid ko, ngunit halos mapatalon ako sa gulat, nang biglang lumitaw sa harapan ko si John.Nahablot niya ako at mariing isinandal sa likod ng pader, "Bakit nandito ka na naman? Nasaan si Olivia?" may galit na tanong nito sa akin, sabay hablot rin ng isa sa mga braso ko."Ano ba! Nasasaktan ako," paanas kong salita ngunit may himig galit. Binawi ko ang braso ko na hawak-hawak niya. "Nasaan siya? Anong nangyari sa kanya? Sabi ko kasi mas okay pa, na ilayo niyo na lang siya ng tuluyan, bakit kinakailangang bumalik pa siya?""Dahil alam kong nag-aalala pa rin siya sa 'yo John!" mariin kong nasabi."Ano?""Oo mahal ka pa rin niya! Pero ikaw, hindi mo man lang gawin ang tungkulin mo sa kapatid ko bilang asawa!" hindi ko na napigilang sab
KABANATA 32LUMABAS si Bong matapos ang pagkakainitan nila ni John. Nakita ko na lang ang sarili ko na marahang nilalagyan ng gamot ang mga sugat niya sa mukha, habang hawak ang bulak . Mula roon ay nakatitig lang kami ni John sa isa't isa.Hindi ako makapaniwala na ang mga oras na iyon ay nangyayari, ang akala ko hanggang pangarap na lang ang lahat. Nakatingin sa aking mga mata si John, bahagya siyang napapitlag ng makaramdam ng kaunting kirot sanhi ng bahagya kong pagdiin sa bulak, gusto kong malaman kung tunay ang mga nangyayari at hindi panaginip."Parang isang panaginip John, itong nangyayari ngayon, kahit na minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na magagawa ko sa iyo ito, na isang araw ay masasaktan ka ng dahil sa akin," Unit-unting tumulo ang mga luha ko, naglandas aking mga pisngi. Umangat ang isang kamay niya, at ang likod ng isang daliri niya ay pumahid sa pisngi kong basa ng luha.Nakatitig siya sa mga mata ko, at marahang bumaba ang kanyang paningin sa aking mga labi, "I'm
KABANATA 33 LUMIPAS pa ang ilang buwan, kahit na pinapayuhan ako ni JC ay hindi ako nakinig. Patuloy akong nagpanggap bilang si OLIVIA, habang nasa masayang bakasyon ang kapatid kong si Olivia, ako naman patuloy na naghahanap ng mga ibedensiyang makukuha ko para isiwalat ang katotohanan. Hindi alam ng marami na si JC ay isang pulis, isa siyang detective na na na-asign sa kasong ito. Simula ng pabuksan kong muli ang kaso ng pagkamatay ng mga magulang namin ni Olivia, si JC na ang humawak nito, kaya lang nasa ilalim rin siya ng isang under operation kaya walang nakakakaalam. Ako lang at Si Bong ang nakakaalam ng lahat. Sadyang maraming asset si Bong, nakakakilos siya at nagagawa niya ang ilang bagay na hindi ko inaakalang magagawa niya. Dahil din doon kaya ako tuluyang nahulog sa mga kamay niya. Kaya lang hindi ko makakayang maging masaya sa piling niya, kung ganitong hindi ko pa nakakamit ang tunay na hustisya para sa mga magulang ko. " HELLO, masyado ka yatang busy nitong mga hulin