Share

Chapter 5: Hold Back

Nagising ako sa isang kwarto na kulay puti.

Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?

Babangon na sana ako when I saw my hand with dextrose and the guy sleeping next to me was Alex.

Alex?

I check my watch and it's already 3 in the morning. Ang tagal ko pa lang nakatulog. I can see, it was Alex who rescued me from that freaking library.

Why, Alex?

Nagising siya at nagkatitigan kami. Kinabahan ako bigla. Nakakatakot siyang tingnan. I can see how fierce his gaze is, just like the first time we met. Galit na galit ang mga mata niya.

I can't find any words to thank him. Paulit-ulit na paglunok ng laway ang ginawa ko. Sinusundan lang ng mga mata ko ang bawat galaw niya. Maingat, ayokong mapansin niya.

Tumayo siya bigla. "Gising ka na pala? Stupid!" mahinang sabi niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Kabado pa rin ako habang paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang mga nangyari kanina sa library. Nakakatakot. Parang nagkaroon yata ako ng trauma dahil sa nangyari.

He walked out of the room and banged on the door.

Really?

I don't know kung magagalit pa ba o hindi na sa kanya. Hindi ko talaga alam paano pasasalamatan si Alex. Nagpalingon-lingon ako at nandito na lahat ng gamit ko pati ang phone ko. So I texted him.

Thank you.

The only reply that he made was just an exclamatory point. I don't know if he's angry or if he's still annoying me.

A few minutes later, he texted back.

Get rest. Mas lalo kang pumangit.

I smiled the moment I read his text. I don't know, pero I find it sweet. It's not the usual pang-aasar text niya sa akin. Maybe because he wanted me to get back my energy or talagang assuming lang ako.

That was the first time my heart skipped a beat, not because I hated him but because I'm starting to like him.

Nahuhulog na ba ako sa kanya?

End of flashback.

Napangiti nalang ako habang binabalikan ang mga alala when Ken (Kenneth Jay Montero) , my loyal suitor approaches me.

"Hey, Alex! Nandito ka pala? Kanina ka pa?" Masaya niyang sabi. Papalapit siya sa akin habang dala-dala ang handy bag niya. Nakasoot siya ng white polo na lalong nagpapadagdag ng ka-gwapuhan niya. Bakat na bakat ang malalalim na dimple habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Yeah! Yes, Ken." Masaya ko ring bati.

Mag ta-tatlong taon na rin si Ken na nanliligaw sa akin. Kahit na sabihin kong di pa ako ready, di pa ako nakakamove-on sa first love ko hindi pa rin siya humihinto sa kakasuyo.

Plano ko siyang sagutin sa katapusan. Maybe it's time na to give him the chance. Sapat na siguro ang tatlong taon para ma-proved na talagang he is into me. Gwapo naman si Ken. Graduate na siya at nagtatrabaho bilang isang engineer sa kilalang kompanya dito sa Manila. Ilang beses ko na siyang tinutulak sa iba pero bumabalik parin siya sa akin.

"Kung wala kang gagawin, pwede ba tayong mag dinner? Total nandito naman na tayo sa Mall and it's past 7 pm na rin, yun ay kung okay lang sayo, Alex?" He never fails to ask me questions before doing things. He always makes me decide kung anong gustong gawin ko.

"Yeah, Sure!" walang pagdadalawang isip na sagot ko.

Mabait si Ken at nakikita ko kung gaano niya ako kagusto. Since day one hindi siya nanligaw ng iba maliban sa akin. Alam kong loyal talaga siya at hindi siya maghahanap ng iba kung sakaling maging kami na. Hindi ko lang talaga alam kung bakit hindi ko masagot- sagot si Ken.

Maraming nagkakagusto sa kanya. Naalala ko pa nung isang beses na magkasama kami, bigla syang pinagkaguluhan ng mga freshmen. Hindi mo naman talaga mapagkakailang nasa dugo nila ang pagiging gwapo at maganda. Half German ang Papa niya samantalang may lahing Mexican naman ang Mama niya. Mapamatay talaga ang mix ng dugo nila. Bonus na rin na talagang mababait silang lahat. Ilang beses na rin akong muntik awayin ng mga members ng fan club niya. Yes, Fan Club nga. Natatawa nga ako minsan dahil hindi ko alam kung anong meron sa akin na ayaw niya akong tantanan. Pero ganun pa man, maayos pa rin ang pakikitungo ni Ken sa akin.

Maasikaso si Ken. Family oriented din siya. He always shares to me kung saan sila pumupunta ng family niya. Hindi pa kami mag-on pero pinakilala na niya ako sa family niya. Well founded talaga ang pamilya nila dahil ni minsan hindi ako pinakitaan ng masamang ugali nina Tita Fritz at Tito Marco pati na ang dalawang kapatid nito, sina Micah at Trish. Welcome na welcome ako sa family at parang ako nalang ang hinihintay na i-welcome sila sa life ko. Ilang beses na rin akong pinapapunta nila Tito at Tita sa bahay nila, may okasyon man o wala. Hindi naman sa pinapaasa ko si Ken pero I like hanging with them. I feel comfortable kasi kasama ang pamilya niya. Sa kanila ko naranasan ang mga bagay na di ko naranasan sa sarili kong mga magulang.

Gusto niya sanang kumain sa mamahaling restaurant pero ako parin ang nasusunod, Jollibee lang sapat na. Hindi ko gustong winawaldas niya sa mamahaling mga bagay o pagkain ang pera niya sa akin. Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan. Mahilig din siyang makinig sa mga walang kwenta kong storya. Paulit-ulit nga lang pero parang hindi siya nagsasawa.

Inihatid na niya ako sa bahay. Masarap naman kasama si Ken kaso hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang hirap-hirap sa aking tanggapin siya sa buhay ko. I know still, something is missing. Kung sasagutin ko ba siya? Can I find the missing piece?

Continuation of flashback.

Nagkita kami ulit ni Alex sa community service. I started the conversation but I failed again.

"Alex, about last night-"

"Don't want to talk about it," putol niya.

"Anyways! Thanky-"

"I said, don't want to talk any of it!" galit niyang sabi. Tinitigan na naman niya ako na puno ng galit ang mga mata. "Shut-up! Just work quietly!"

Wala akong nagawa kundi sundin siya. Sinundan ko lang siya ng tanaw at naglagay siya ng headset sa dalawa niyang tenga. I don't know how to approach him. Maybe he's back again in his ignorant, arrogant attitude kaya di ko na siya pinansin.

Ilang minuto na lang at matatapos na kami. Same as usual, suplado pa rin siya. Hindi niya parin ako kinakausap pero lagi niya parin akong hinahagisan ng tubig at tuwalya. Weird na weird talaga ang attitude niya. Ang hirap niyang basahin. Hindi ko alam kung nature na ba niya ang pagiging suplado o talagang bipolar lang siya.

Umuwi ako ng bahay na tahimik na tahimik. I didn't receive any text and calls, or even friend requests and messages. Hindi niya ako kinukulit ngayon. Nakakamiss pala yung ganon.

Should I text him?

Okay lang kaya?

Pano kung di niya ako reply-an?

Paikot-ikot ako sa kama ko. Hindi ako mapakali. I waited until 12 midnight, but no trace of Alex. Ini-unblock ko na yung first f* account niya ang nag-stalk ulit.

His last post was...

I need to hold back.

What does it mean?

Anong dapat i-hold back?

Paulit-ulit kong binalikan ang timeline niya pero tanging yun nga ang updated post nito. Nothing more, nothing less.

Hindi ako mapakali.

I don't know, pero something is wrong.

May problema ba siya??

Hanggang nabalik sa nangyari kagabi ang mga katanungan ko.

Paano niya nalaman na nandon ako sa library? Siya ba nag-rescue sa akin o yung guard? Bakit siya yung nasa hospital pag gising ko? How come he has my things?

Sunod-sunod na tanong ko.

Palakad-lakad na naman ako sa harap ng kama ko habang hawak-hawak ang cellphone ko.

I typed a message and pretended to send it to a group.

The sun is still sleeping; the moon is casting its shadow. But why can't I close my eyes and rest with the sun??

Sa mga gising pa, text tayo.

-GM-

But I intentionally sent that message only to Alex.

Gising pa kaya siya ngayon? Nabasa niya kaya ang message ko?

I type another message.

Sino gising pa? Beep me up!

-GM-

But he is not replying.

Tulog na kaya siya?

Siguro tulog na siya. Sa bagay 2 am na at ako lang naman itong loka-lokang di makatulog kakaisip sa kanya.

I visited his timeline.

This time ako naman ang nag friend request.

Awkward as it is, pero gusto ko talaga siyang kausapin about last night. I have many questions to ask and I wanted to thank him wholeheartedly. Gusto kong makipagbati from the bad start that we had, I want to start anew.

Paikot-ikot lang ako sa higaan ko. Titig na titig sa cellphone ko. Ilang beses din akong bangon-higa dahil di makatulog. I tried to close my eyes pero naglalaro pa rin ang aking isipan.

Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Malapit ng mag 3 am at dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Gusto kong magkaroon ng kasagutan ang mga katanungan sa isip ko.

Ilang minuto din akong nakaupo sa kusina habang nilalaro ang basong hawak-hawak ko. Tumayo ako at palakad-lakad ulit sa kusina. Pumunta ako ng sala at umupo sa sofa. Tiningnan ko ang orasan, it's still 3:15 ng umaga.

Bumalik ako sa kwarto at kinuha ko ulit ang phone ko at nag type.

Alexx?

Binura ko ulit.

Hey, Alex?

Binura ko ulit.

Gising ka pa Alex?

Binura ko ulit sa pangatlong beses.

Alex? Still up?

Binura ko na naman..

Tao po? Gising pa ba?

Binura ko na naman.

Still up?

At tuluyan ko ng inalis sa write message ang aking phone.

Gising ka pa kaya ngayon?

Binuksan ko ulit ang f******k ko at nagbasa lang ng mga newsfeed. Wala akong ibang magawa kung hindi i-like ang mga shared posts ng mga f* friends ko. Ilang minuto din yun ng biglang nagnotify sa taas, Alex Alonzo is online. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Paikot-ikot ulit ako sa kama na parang baliw. Tinitigan ko ang badge ng messenger niya na naka-kulay green.

Online ka nga!

Hindi ko alam kung paano at kung bakit ngayon ko dapat e-aapproach si Alex na pwede naman sanang bukas o di kaya next time nalang..

Out of eagerness, tinype ko na ang number niya..

Binura ko na naman..

Type ulit .

Bura na naman.

For the last time, pinindot ko na talaga ang call.

"Miss me?"

Isang beses lang ang ring at nasagot niya agad. Gising pa talaga siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status