Share

31 - PARTY

ROB

Everything is settled nang napansin namin na parang may kulang sa grupo. Napalingon ako sa kanila at nagtanong na rin, "Chia, nasaan pala si Enna? Magsi-simula na ang party, ah?"

Napatingin naman si Chia sa'kin at nag-kibit balikat, "Nandito na 'yun e pero nawala bigla din. Baka nasa loob at iniwan ang ka-date niya dito," sabi niya at napatawa naman sila, pati na rin si Aries.

"Hindi naman niya ako iniwan kasi," pag-dedepensa ni Aries, "May binili lang siya sa 7/11 at maya-maya ay babalik din 'yun."

At hindi nga siya nagkamali at bumalik nga si Enna na may dalang mga supot na galing sa 7/11. Lumapit naman siya at binigay sa amin isa-isa ang dala niya. Nagulat nga ako dahil pati ako ay meron din, "A-Ako rin?"

Ngumiti naman siya, "Oo naman at libre ko na 'yan sa inyo. Alam ko na walang dinner mamaya kaya advance na tayong mag-isip."

Napatawa naman si Tim, "Oo nga e, ganyang-ganyan na talaga ang school. Napaka-kuripot sa pagkain. Kahit man lang simpleng –"

"Oops! Tama na ang reklamo,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status