Napa-tuwid ng tayo si Lucy at napa-hakbang ng paatras. Si Estacie naman ay bahagyang kumilos upang humawak sa hamba ng pinto. Nagulat na lang siya ng isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Nang tingnan niya si Lucy, napa-kunot ang noo niya ng makita ang luha sa mga mata nito. "What the fuck?!" Sigaw ng utak ni Estacie. "H-how could you said that?! Hindi mo ba alam na pwede kang parusahan ng kamatayan sa pag-iisip mo ng masama sa Duke? Ate! Gusto mo na bang mawala sa amin? Paano kung pati si Papa, parusahan ng Duke dahil sa sinabi mo? Paano mo nasabi na may masamang balak ang Duke sa'yo?" Malakas ang boses ni Lucy na para bang gusto talaga nito na marinig ng Duke ang sinasabi. Gustong tadyakan ni Estacie ang babae dahil sa inis at galit. Kailan niya sinabi na ang Duke ang may masamang pakay sa kanya? Tanga ba talaga ang babaeng ito? "Miss. Estacie, I will try to understand you today, pero kapag narinig ko ulit ang mga salitang binitawan mo, I will not let it slide.
Nagkagulo sa mansyon ng Vuelino ng bigla na lang silang bulagain ng balitang dumating sa mansyon ang anak ng Somyls. Alam na ng pamilyang Vuelino na pinalayas na ng Baron ang panganay na anak na si Estacie, at tanging si Lucy Somyls na lang ang natitirang anak ng Baron. Bagamat hindi pa ito masyadong pinaniniwalaan ng publiko dahil wala pang announcement galing mismo sa Baron, naniniwala na ang pamilyang Vuelino dahil mismong ang anak ng Baron na si Lucy ang nag-babalita sa kanila ng totoong estorya. Simula sa pagkawala ng panganay na anak na si Estacie, hanggang sa pagiging sangkot nito sa Scorpion. Kahit pa nga ang kwento na pinalayas si Estacie ng sariling ama dahil sa inangkin nito ang jewelry set na niregalo ng amang Baron sa bagong asawa. Noong una ay hindi makapaniwala ang pamilya Vuelino. Subalit ng makita nila ang namamagang pisngi ni Lucy na sinampal daw ni Estacie, napuno ng awa para sa dalaga ang mag-asawang Vuelino at galit naman para kay Estacie. Hindi nila akalain na
"Hmm? Ang ibig mong itanong ay kung paano ko nasabi na Tyrant ang Duke?" Na ipilig ni Soly ang ulo ng mag-tanong. "Tell me." Bagamat hindi napansin ni Soly, bahagyang lumamig ang boses ni Lucy ng oras na yun. Nabuo sa kanyang dibdib ang pagnanais na malaman ang ibig sabihin ng salitang binitawan ni Soly. "Hindi ka nga pala originally na taga-rito. Pwes! Makinig ka My Lady." Umayos ng upo si Soly bago nagpatuloy. "Si Duke Eckiever Arkhil ay kapatid ng dating Reyna ng Prekonville. At anak ng tinaguriang Lion ng digmaan. Ng mamatay ang kanyang mga magulang sa edad na lima, naka-hiligan na ng Duke ang mag-ensayo ng espada." "Five years old!?" Gulat na bulalas ni Lucy. "Yes! At ito pa. Ng tumuntong siya sa edad na 7,namatay naman ang kanyang Ate, I mean ang Reyna, pagkatapos manganak sa Crowned prince. Simula nong araw na yun, hindi na nakakausap ng mga taga-silbi ng Dukedom ang batang Duke. Hanggang sa tumuntong siya sa edad na labing-dalawa." "What happened?" Natuon na nga a
"Babae'ng pinag-sasabi mo? Alam mo nang ayaw ngang malapitan ng babae yan diba?" Sagot ni Von na nag-simula na ring mag-linis. "Tigilan mo na ang kakaisip ng imposible, tulungan mo na lang ako dito para makauwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga, aba!" Naka-pout na kumilos ang napapa-isip pa rin na si Edward. Samantala.. Mabilis na pinapatakbo ni Eckiever ang kanyang kabayo kahit nga ba hindi pa rin mapakali ang kanyang isip. Hanggang sa nga sandaling iyon kasi ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang sinabi ni Estacie. Nagtataka si Eckiever kung bakit hindi natatakot ang dalaga na pwede nga niya itong parusahan ng kamatayan. Bakit ba parang malakas ang loob ng babae hindi ito mapaparusahan? Napapaisip din si Eckiever na baka ang dahilan ng pagmamataas ni Estacie ay dahil apo ito ng Hanvoc family. Subalit imposible ding mangyari iyon dahil simula ng mapangasawa ng anak ng Hanvoc ang Baron, tinalikuran na ng Pamilya Hanvoc ang anak. Ayun sa sinabi ng Ate ni Eckiever noon bago
Nagkagulo ang mga kawal at tauhan ng Dukedom ng dumating sila Estacie Na bitbit ang walang malay na Duke. Bagamat sobrang putla na ng lalake. Siguro ay dahil sa lason na nasa loob ng katawan nito. Kanina, bago sila dumiritso sa Dukedom, dumaan muna sila sa bahay ni Estacie at kumuha ng telang ibabalot sa katawan ng Duke. Ayaw niyang idisplay ang katawan ng Duke sa kalsada habang tumatakbo ang kabayo. Mabuti na lang malaki ang kabayo ng Duke, nakaya silang tatlo. Well, hindi rin naman sila mabigat ni Elena. "Miss. Estacie Somyls!" Sigaw ng isang lalakeng nakasuot ng kulay itim na long-sleeves at itim din na pambaba. Hindi niya alam kung paanong nakilala siya ng lalake pero wala na siyang pakialam doon. Hindi rin naman niya ito kilala. "Kung lumapit ka sa akin para magpasalamat, hindi ako ang dapat mong pasalamatan kundi ang dalagita na nasa tabi ko, Mr. Siya ang unang nakakita sa Duke at nagpa-tulong lang sa akin dahil hindi siya marunong magpatakbo ng kabayo." Awat ni Estacie sa
Sapo ni Estacie ang kanyang noo habang sakay ng kalesa na mag-hahatid sa kanila ni Elena pabalik sa mismong bahay ni Estacie. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nahilo kanina at nawalan ng malay. Nang magkamalay nga siya, napapalibutan na siya ng mga doktor ng Dukedom pati na rin ang Butler ng Palasyo. Naalala pa niya kung paanong halos yakapin na siya ng doktor upang hindi siya umalis. Habang ang Butler naman ay nagmama-kaawang wag siyang umalis. Natatandaan din niya ang salitang binitiwan niya sa mga ito. "Kung totoo nga ang sinasabi ninyo na isa akong Saint, then i have a request bilang kabayaran sa pagliligtas ko sa amo ninyo." Noong una ay natigilan ang mga ito, subalit napilitan ding sumang-ayon sa sinasabi niya at tinanong pa nga si Estacie kung ano daw ang hiling niya. "I want only you-the people who witnessed what happened, to know what I did. Ayaw kong lalabas ang balitang pinagaling ko ang Duke." Yan ang sinabi niya. Tinanong pa nga siya ng Butler kung sasabihin
"Hindi na ba kayo nahihiya sa mga tao? Naturingang myembro kayo ng Noble family! Somyls!" Mariin ang pagkaka-bigkas ng Baron sa kanyang bawat salita. "Hindi ba at pinalayas mo na ako sa bahay, Mr. Somyls? Ang pinagsasabihan mo ba ang mag-ina mo?" Napa-singhap ang dalawang babae na naka-salampak sa lupa. Ang mga tao naman na sa paligid ay napa-takip ng mga bibig. Ang Baron ay dumilim ang mukha habang naka-titig sa kanya. "Elvidio, maawa ka kay Estacie. Intindihin mo siya. Alam ko, nagkakaganyan siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na wala na ang kanyang tunay na ina." Mabilis na nakatayo si Juvilina at humawak sa braso ng Baron. "Tama ang Mama, Papa. Ramdam ko na hindi nya pa nakakalimutan ang Mama nya. Kung ako din ang sa kalagayan niya, malamang ay sasaktan ko rin ang ipapalit mo sa aking Mama." Dugtong naman ni Lucy na hindi naman tumayo. Sa sinabi ni Lucy, alam ni Estacie na iba ang pagkaka-intindi ng mga tao. Parang sinabi na kasi ni Lucy na sinasaktan
"Hindi mo masagot si Papa? Siguro tama ang hinala ni Papa na kumapit ka na sa lalake para may makain." Sabi ni Lucy na talagang kumuha ng atensyon ni Estacie. Kumapit sa lalake? Bakit parang baliktad ata? Sa pagkakatanda ni Estacie sa unang araw na napadpad siya sa Prekonville, si Lucy at ang Crowned prince ang nagpakidnap sa totoong Estacie para patayin. Patayin upang mawala na sa landas nilang dalawa. Alam ni Lucy na si Estacie ang fiance ng Prinsipe subalit nagawa netong akitin ang lalake. Sabagay, perfect match naman talaga sila. Napatingala si Estacie at isang pekeng halakhak ang kumawala sa kanyang bibig. "Ako? Kumapit sa lalake para may makain?" Dahan-dahan siyang humarap sa mga ito. "Kung kapatid ng adopted mother mo ang may-ari ng bahay na tinitirhan mo, pagkapit sa lalake ang tawag dun? Eh ano naman ang tawag sa ginawa ng mama mo? Sumama dito sa dating asawa ng Mama ko, dahil walang makain sa isla na pinanggalingan nyo?" Taas ang kilay na tanong niya. Mga salitang nagp