Share

85

Nagpunta ako sa standby area ng mga boys may humarang pa sa dinadaanan ko inawat pa ako ng isa sa cast na kasama namin dahil masyado na akong pakialamera sa buhay ni Vhan.

"Para kang baliw, Karen mahal mo man siya ayaw na niya sa'yo marami pa dyan at makaka-hanap ka pa ng lalaking mamahalin ka." awat nila sa akin may humawak sa balikat ko at nalingunan ko ang manager ko at nasa tabi nito ang isa sa kasama ko na umiiling na lang.

Hinaltak naman nila ako palayo at nakakarinig ako ng mga bulungan mula sa mga taong kasama namin.

"Ako ang nahihiya sa ginagawa mo, Karen iwas na iwas sa'yo si Vhan mula nang magkasama kayo sa van niya hindi na kayo katulad ng dati." sabi ng manager ko umalis sa gilid ng van ang mga taong nakatayo doon ng paalisin sila ng personal assistant ko.

"Gus—" putol kong sabi nang magsalita ulit ang manager ko.

"Hindi ko rin alam kung sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo, Karen dahil sa nakita natin kanina hindi ako bulag sa tinginan nila ni Nikka, baka ex-girlfriend ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status