I BELONG WITH YOU
By: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 30][Athena’s POV]Naramdaman ko ang presensiya ni Levi sa likuran ko habang nakahiga ako sa kama namin, pero hindi ko siya nilingon dahil abala ako sa pagtitig sa larawan ng isang masayang pamilya. Fb friend ko si Lino Hernandez kaya naman nang may i-tag na photo sa kanya si Hera Blake Hernandez ay nakita ko ito sa newsfeed ko.Family picture kung saan naroroon ang mommy ko kasama ang pamilyang kinabibilangan niya ngayon. Agad kong pinahid ang luhang namuo sa sulok nang magkabila kong mata lalo pa nang maramdaman ko ang mga bisig ni Levi na pumulupot sa aking bewang.“Faith…” He sexily uttered my name as he started nuzzling my neck and gently bit it.“Sabino.” Saway ko sa kanya. “Baka magka-marka. Magmi-mistula akong kinagat ng bampira.”Humagalpak siya ng tawa dahil sa tinuran ko.“Na-miss kita, eh.” Turan niya habang patuloy siya sa ginaI BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 31][Athena’s POV]“Baby, you alright?” Ulit ni Levi habang bahagyang nakakulong ang magkabila kong pisngi sa kanyang mga palad. Mababakas ang labis-labis na pag-aalala sa kanyang mukha.“Y-Yeah, I’m fine.” Alanganing sagot ko habang pinakikiramdaman ko ang mga taong nasa paligid namin ng mga sandaling iyon. Ang mga matang nagmamasid sa amin.“I don’t want to see your face inside this building anymore.” Galit na turan ni Levi kay Sir Peter nang muli niya itong balingan. “Ni anino mo ay ayaw ko nang makita pa. Lumayas ka na at hakutin mo na ang lahat ng gamit mo, ngayon din.”“Pero, Sir, handa ho akong humingi ng tawad kay Athena. I mean, kay Architect Athena. Kung gusto n’yo ho’y luluhod pa ako sa harapan niya, huwag n’yo lang ho akong paalisin, Sir. Please?”“No. The damage has been done. My decision is final.”“Levi---” Tinangka kong awat
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 32][Athena’s POV]Nang malaman ko ang bahay ni Architect Lulu ay agad ko s’yang pinuntahan nang araw din na nalaman ko ang tungkol sa nakaraan nila ng daddy ko.“Good evening po. Nandiyan po ba si Architect Lulu?” Tanong ko sa isang may edad ng babae na nagbukas ng gate nang mag-doorbell ako.“Oo. Sino sila?”“Ako po si Athena. Superior ko po siya.” Magalang kong tugon dito. “P’wede ko po ba s’yang makausap?”“Sige. Pasok ka, Ineng.”“Salamat po.” Tugon kong sumunod dito papasok sa loob ng kabahayan. Tinawag nito si Architect Lulu na abala sa pagluluto. Nalaman kong nakatatandang kapatid pala ito ni Architect Lulu.“Hi, Athena. What are you doing here?” Nakangiting tanong sa akin ni Architect Lulu.“Uhm, wrong timing po yata since nagluluto na po kayo ng hapunan, pero p’wede ko po ba kayong maimbitahang kumain sa labas?”
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 33][Athena’s POV]Kabadong-kabado ako nang pumasok ako sa loob ng opisina ni Sir Luciano. As usual, nakasimangot ito pagpasok ko.“Ilang araw kang nawala. Hindi ba’t ikaw ang arkitektong in-assign ko sa Hernandez Residence Project natin?” Mataas ang tonong turan nito.“Sorry, Sir, but while I was in Baguio, nakikipag-communicate naman po ako kay Engineer Cindy. Ina-update naman po niya ako, time to time po.” Magalang kong tugon habang nakatayo ako sa kanyang harapan.“At nagawa mo pang magbakasyon?” He asked holding my gaze. Bigla tuloy akong nahiya. “Were you with my grandson?”“Yes, Sir.” Tugon kong napayuko. Tila hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako sa posibleng masasakit na salitang itatapon niya sa akin.“Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa apo ko, tanging ikaw lang ang babaeng kinahibangan niya ng ganito. No’ng sila ni Keera ay hin
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 34][Athena’s POV]Levi claimed my lips at hindi na ako nakaangal pa nang bigla niya akong buhatin at dalhin sa sala, as usual para ihiga sa sofa. He usually do that. Paborito niya talaga ang sofa para gawin ang maka-mundong kaisipan niya. Naalala ko pa tuloy ng minsang maabutan kami ng mga kaibigan ko sa sofa, doing something, mabuti na lamang at hindi pa kami totally naked that moment.“Levi…” I tried to protest when he pulled down my cotton shorts including my undies. “Lalamig ‘yong pagkain.”“Okay lang kung kasabay naman nito ay ang paglamig ng ulo mo.” He answered grinning before he bent down his head and started feasting.I bit my lower lip as I covered my mouth with both my hands to stop myself from screaming. Kakaiba talaga ‘yong mga trip ni Levi sa buhay. Gusto niya talaga ‘yong parang malalagutan ako ng hininga.“Levi…” I called him as I g
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 35]-----[Athena’s POV]Nagising ako nang maramdaman kong may malamig na tubig na sumaboy sa mukha ko. Bahagya pa akong naubo.“Masarap ba ang tulog mo?” Nakangising tanong sa akin ni Sir Peter habang nakatayo siya sa harapan ko. Ako nama’y nakaupo sa isang silya habang nakatali palikod ang magkabila kong kamay. Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa loob kami ng isang malawak at magandang silid.“Saan mo ako dinala?” Matapang na tanong ko sa kanya.“Nandito ka sa resort ko.” Tugon niya. “Alam mo bang pinagmamasdan kita habang natutulog ka, ang ganda mo pala.”“Ano bang trip mo?” Galit kong tanong sa kanya. “Naghihiganti ka ba dahil natanggal ka sa trabaho mo?”“Kung hindi ka sana umepal. Alam mo bang pinaghirapan ko ang posisyong kinalalagyan ko. Konting taon na lang sana at papalit na ako sa posisyon ni Architect Lulu, pero pasikat ka, eh. Masyado kang n
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance]-----[PROLOGUE]Mahirap i-let go ang isang taong mahal na mahal mo, lalo pa kung ito na ang taong pinapangarap mong makasama hanggang sa pagtanda, subalit kahit gaano pa kahirap minsan ay kailangan natin itong gawin para sa ikabubuti nang lahat… para rin sa kanyang ikaliligaya.Wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon kong palayain ang aking ex-girlfriend na si Keera dahil ramdam ko namang hindi ako ang totoong mahal niya kundi ang nakababatang kapatid kong si Dylan.Ilang taon na rin ang nakalilipas magmula nang maghiwalay kami, subalit wala namang nabago sa aming samahan. Ang totoo nga niya’y mas lalo pa kaming naging close lalo pa ngayong sister-in-law ko na siya. Last year lang ay kinasal sila ni Dylan at ako pa ang naging best man. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Nakikita ko naman kung paano s’yang alagaan ng kapatid ko kaya panatag ang kalooban kong nasa mabuting kamay siya.Inihinto ko ang aking sasakyan sa tapat ng isang con
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance]A/N: Must read the Prologue first before this chapter. Thanks.-----[CHAPTER 1][Athena’s POV]‘Guys, bakit absent si Athena?’ Nabasa kong message ng isa sa mga kaibigan kong si Myka sa group chat naming magkakaibigan no’ng nagdaang gabi.‘Ayiee, miss niya si Athena.’ May himig panunukso sa message ng isa ko pang kaibigang si Aria.‘Nami-miss ko talaga siya kasi walang kumokontra sa mga sinasabi ko, eh.’ Reply ni Myka with a laughing face emoticon.Napangiti ako. Boyish akong kumilos kaya nama’y madalas akong tuksuhin ng mga kaibigan ko na babae rin daw ang gusto ko. At si Myka na madalas kong kaaway simula pa no’ng high school kami’y madalas nilang itukso sa akin. Sanay na ako sa kanila kaya tinatawanan ko na lang sila at sinasakyan ang mga pangti-trip nila, pero sigurado naman ako sa sarili ko na hindi ako lesbian. Pero, wala rin akong interes sa mga lalaki kasi pakiramdam ko’y pare-parehas lamang silang manloloko. Siguro’y masaya na ako
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 2][Athena’s POV]‘Hindi ba? Sorry, akala ko bakla ka.’Bahagya akong yumuko para itago ‘yong napipinto kong pagtawa. Gusto kong matawa sa naging reply ko sa text ni Levi. Alam ko namang hindi siya bakla, pero tila ba gusto ko s’yang pag-tripan, tutal siya naman ang naunang nag-text sa akin.‘What?! Paano mong nasabing bakla ako? Do I look like one?’ He texted.‘To be honest, hindi ka naman mukhang bading, napi-feel ko lang.’ Pigil talaga ‘yong tawa ko habang nagta-type ako.‘Dahil hindi ako marunong magpalit ng gulong? Iyon ba ang pinag-basehan mo?’‘Hindi naman ‘yon. Basta, ramdam ko lang.’“Hoy, Athena!” Kinuha ni Melchor ‘yong atensiyon ko kaya maang akong napatingin sa kanya. “Kilig na kilig lang ang peg?”“Huh?”“Tawa ka kaya ng tawang mag-isa diyan.” Turan ni Myka. Mga nakatingin pa rin pala sa akin ang mga kaibigan ko.“Nakakatawa kasi si Lino, eh.” Pagkuwa’y turan ko.“Sigurado ka bang bakla ‘yang Lino na ‘yan?” Natatawang