ACIE'S POV
Matapos naming mag-agahan ay agad naman akong nag-ayos para sa aming date. Hindi ko maiwasang kiligin sa isiping inaya niya akong makipagdate sa kanya. Hindi ko alam kung anong naisip ni Querem at inaya niya ako. Alam ko namang ayaw na ayaw nito sa matataong lugar. Lalo na ang mall.
Noon kasi'y nagpaalam ako rito na pupunta lang ako sa mall dahil may bibilhin lang sana ako. Nagalit lamang ito sa'kin. Bakit ako pa raw ang kailangang pumunta, e pwede ko naman daw itong ipakisuyo. Kanino ko naman ipapakisuyo, e dalawa lang naman kami dito sa bahay. Hindi nalang ako umimik noon dahil alam kong kapag uminit ang ulo niya'y pag-aawayan na naman namin 'yon.
Matapos kong maligo'y pumasok ako sa walk in closet namin ni Querem. Kamuntikan pa 'kong madapa dahil sa maliit na trash bin na nakaharang sa daan. Tiningnan ko 'yon at napansin kong may mga sunog na papel rito. Napakunot na lang ang noo ko sa nakita
ACIE'S POVDumating na yung mga pinamili naming gamit kahapon. Mabuti na lamang at linggo ngayon at walang pasok si Querem. Kaya naman hindi ako nahirapang ipasok ang mga gamit na 'yon. Tinitingnan ko lang naman si Querem na ipasok ang mga 'yon. Gusto ko sanang tumulong kaso noong susubukan kong buhatin ang isang magaan na box ay tinampal nito ang kamay ko.Aniya pa'y baka daw mapano pa 'ko kaya naman minanduhan na naman ako nito na maupo sa sofa at panoorin na lamang itong magbuhat ng mga dineliver na gamit galing sa department store ng mall na binilhan namin noong isang araw. Kaya naman nakanguso akong bumalik sa kinauupuan ko kanina at tahimik na umupo roon. Para akong tangang pabagu-bago nang pwesto sa pag-upo. Hindi ako sanay nang walang ginagawa. Pero anong magagawa ko buntis ako at kaunting pagkakamali lamang ay maaaring mawala sa'min ang aming anak.Kaya naman kahit na napipilitan ay sinunod ko pa
Warning: Matured contents ahead. Read your own risk.THIRD PERSON'S POVNang makalabas si Querem nang kwarto ni Acie ay agad itong napabuntong hininga. Akala mo'y hinahabol nang kabayo ang kanyang dibdib noong nginitian siya ng asawa. Para siyang bulateng inasinan. Kung hindi pa may dumaang nurse ay hindi ito titigil sa kakasayaw na akala mo'y siya lang ang tao roon. Agad namang bumalik sa pagiging poker face nito at napasapo sa mukha noong maalala niya ang request ng asawa.Hindi season ng avocado ngayon. Napasapo siya sa mukha na tila problemado dahil hindi niya alam ang itsura ng atsara! Tska isa pa naisip niya kung nakakain ba 'yon? Tska anong gagawin nito sa calamansi? Tapos pinaghahanap pa siya ng lemon na tig-kalahati ang kulay.May nag-eexist ba na lemon na kalahating dilaw at kalahating berde? Ang hirap naman! Wala sa sariling napasabunot si Querem sa sar
ACIE'S POVAt nang sinabi kong all day ay hindi talaga ako tinantanan ni Querem. Hindi ko na namalayan kung naka-ilan kami dahil sa sobrang pagod ko'y dinapuan na ako ng labis na antok kahit na pinaghahalik-halikan ako ni Querem ay tinulugan ko na 'to. Knowing him he's insatiable! Malakas ang stamina ni Querem pagdating sa sex. Kung hindi ko pa sinabing inaantok na talaga ako'y hihirit na naman ito ng isa pa.Talagang pinanindigan nito nang sinabi kong buong araw. May sinabi pa ito na hindi ko naman na naintindihan dahil hinihila na talaga ako ng antok. The usual I woke up early in the morning. And this time I woke up with morning sickness. I hurriedly go to the bathroom.I sat on the cold tiled flooring and vomit until I have no food to throw at all. I feel so weak and unable to walk. My knees are getting weak also. I was in the sink and staring in my reflection when Querem's entered and his eyes wa
SOMEONE'S POVHanggang saan ko ba kayang tiisin ang lahat? Hanggang kailan ba ako magiging prayoridad? Lagi nalang bang pangalawa? Kaya ko namang ibigay sa kanya ang pagmamahal na hindi maibigay ni Querem. Hanggang kailan ko ba titiisin na tulungan ka?Hanggang kailan magpapakaalipin dahil sa salitang pag-ibig? I love you very much but, it seems that Cupid chooses me to be with you tho it's so painful. Kailan mo kaya ako makikita? Kasi ako matagal na kitang nakita. Iniintay na lang kita na ikaw mismo ang makakita na nandito ako lagi para sa'yo.Napapagod na 'ko pero lumalaban ako dahil alam kong darating yung oras na maibabalik mo rin 'yong pagmamahal na pinaparamdam ko sa'yo.Nakatanggap ako ng isang tawag galing sa ospital. Agad akong napatakbo papunta roon dahil nag-aalala ako sa kanya. Wala na akong pakialam sa mga traffic lights na nadaraanan ko. Ang mahalaga'y mapuntahan ko
Warning: Read at your own risk. ACIE'S POV"Hello Daddy Querem"Mga salitang nagpatigil sa buong sistema ko. Ito na ba ang singil ng panahon? Ano bang ginawa kong mali? Mali ba na magmahal ako ng totoo? Hindi ko siya inagaw noon, miski kanino man ay hindi.Ang gusto ko lang naman noon ay mahalin niya rin ako ng bukal sa loob. Pero ano 'to? May bigla na lang lilitaw sa harapan mismo ng aming pintuan at tatawagin siyang 'Daddy'!? Sigurado bang anak niya 'to? A-akala ko ako lang? Mayroon pa palang iba?At nauna pa pala ito sa'kin!? Kahit nanlalamig ang mga kamay ko'y sa hindi malamang dahilan ay nakakuha ako ng lakas para harapin si Querem."What's the meaning of this, Querem!?" Kompronta ko rito habang pinipigilan kong huwag manginig at mautal subalit ang mga luha ko'y pa
QWERTY'S POVMatapos ang tagpong 'yon ay lumuluhang nakalupagi lamang si Querem sa lupa. Tila naubusan ng lakas at nawalan ng direksyon sa buhay dahil sa nangyari. Naging isang patay na nagpupumilit mamuhay ng normal. Hindi nito matanggap na ganoon lamang ang lahat. Na hinayaan niya lang na maging ganito ang lahat.Pipilitin niyang maging normal. Kung matapos ng pangyayaring 'yon ay maging normal pa ang kanyang pamumuhay. Paulit-ulit nitong binabanggit ang pangalan ng pinakamamahal na asawa. Sa gitna ng malakas na ulan. Ramdam ang bigat ng emosyon mula sa kinatatayuan ko.Nasaksihan kong lahat kung paano masaktan ang si Querem na ngayo'y mukhang wala nang pag-asang makabawi at ayusin ang sarili. Kitang-kita ni ko kung paano malunod sa pagkakalugmok ang si Querem. Ang noong puno ng sayang mukha nito'y napalitan ng labis na pighati, sakit, lungkot at pait. Nilapitan ko ito't niyakap. H
Warning: Sensitive content that might triggered something. Read at your own risk.THIRD PERSON'S POVHalos araw-araw gumigising si Querem na parang isang patay. Kung hindi umiiyak ay nakatulala lamang ito sa isang sulok. Malaki na rin ang ibinaba ng timbang nito. Nangangayayat ito't napakalayo na ng itsura nito sa itsura niya noong napakapresentableng tingnan miski sa malayo. Bibihira itong kumain ng matinong pagkain.Laging ipinanlalamang tiyan nito ang mga alak na nasa bar counter ng bahay ng mga magulang. Labis-labis na ang pag-aalala ng mga ito sa anak. Hindi naman napatid ang pag-aalaga ng mga ito rito. Lagi nila itong kinakausap subalit ni hindi lamang ito kumikibo. Nilinis nila ang kwarto nito noong isang araw.
THIRD PERSON'S POVSa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang nakaramdam ng labis-labis na kaba si Qwerty. Nang makapasok siya sa bahay ng magulang upang kumustahin ang kakambal. Pagpasok niya mula sa main door ay nakita niya agad ang bakas ng dugo sa marmol na sahig. Madaling-madali namang tumakbo si Qwerty sa kwarto ng kapatid. Nang pihitin niya ang seradura ng pintuan ay nakalock ito.Nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha sa pisngi ni Qwerty at binalya ang pintuan upang mabuksan at makapasok siya. Subalit kahit anong gawin niya'y wala talaga kaya naman napagpasyahan na niya itong tadyakan. Sa hindi malamang dahilan ay isang malakas na tadyak lamang rito'y nabuksan ito. At tumambad sa kanya ang kalagayan ni Querem. Nakasabit ito sa kisame at kasalukuyang nakikipaglaban sa buhay nito.