Share

Chapter 76

“Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw mula sa sulok ng bibig nito at ilang sandali pa ay mula sa likuran ng babae, lumitaw ang isang tigre na may mabangis na mukha. Pumihit paharap sa kanyang alaga ang babae. Bumaba ang mukha nito sa ulo ng tigre at isang banayad na halik ang iginawad nito sa kanyang alaga. Sa ginawa ng babae ay marahas na umungol ang tigre habang nakatitig sa akin ang matalim nitong mga mata.

Nagsimula sa marahang paghakbang ang tigre habang nanatiling nakatitig ito sa akin, maingat na umatras ang aking mga paa habang ang dalawang kamay ko ay nanatiling nakalahad sa ere. Sa isang iglap ay matulin akong tumakbo kaya naman nagsimula na ring tumakbo ang tigre patungo sa direksyon ko. Mabigat ang bawat bagsak ng aking hininga dahil patuloy lang ako sa matuling pagtakbo. Habang tumatakbo ay kasalukuyang abala ang utak ko sa kung paano kong matatakasan ang tigre.

Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong tumatakbo at pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko dahil sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Josie Antolo
san yun mkikita ang book 4 dpat ksi pinatpos una ang kwento ..
goodnovel comment avatar
Dragon88@
Maraming salamat po, promise mas maganda po ang mga susunod na kabanata, konting hintay lang po.
goodnovel comment avatar
Maryrose Utac
tnx miss a Ang gandA Po Ng story tuloy2 lang Po.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status