Share

Special chapter [The CEO’s Sudden Child: Book 6 of Hiltons family]

Click! Click! Click! “Nice one, Maurine!” Anya ng photographer na walang humpay ang pagkuha sa akin ng litrato. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuan at ibinibigay ang lahat ng makakaya upang maging maganda at kaakit-akit sa mga larawan. Suot ko ang isang red two piece habang panay ang pose ko ng iba’t-ibang posisyon.

“Wow, pare ang ganda n’yan.” Narinig kong sabi ng isang lalaki pero hindi ko na ito pinansin pa basta patuloy lang ako sa pagpopose. Maya-maya ay biglang lumapit sa akin ang kaibigan kong si Pauline at inabot sa akin ang roba ko.

“Mukhang type ka ni boss Felix ah, mag-iingat ka.” Pabulong na sabi nito sa akin habang tinutulungan ako nitong maisuot sa akin ang roba.

“Excuse me, hindi ko type ang matandang ‘yun, nandito ako para magtrabaho hindi para pumatol sa isang matandang uhugin na.” Natatawa kong saad kaya natawa rin sa akin ang kaibigan kong ito na siya ring tumatayong alalay ko.

“Kailangan ka ng manager mo sa opisina. Hinihintay ka niya ngayon.” Ani nito ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status