Share

Jealousy’s effect

Nagising si Vincent sa tunog ng alarm clock, kinapa niya ito sa gilid ng mesa at pinindot para tumigil, dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata, pinalibot niya iyon sa paligid habang pupungay pungay pa.

Napahinga na lang siya ng malalim sa sobrang katahimikan ng paligid, tumulala lang muna siya sa kisame, nadama niya ang picture frame sa kanyang dibdib kaya iniangat niya iyon para pakatitigan.

Pinagmasdan niya ito habang hinahaplos, napapikit siya muli para alalahanin si Celina. Halos wala pa din itong pinagbago, malumanay pa din ang hitsura nito.

Bigla niya nanaman naramdaman ang matinding kawalan sa kanyang dibdib dahil sa alaala, napabuntong hininga na lang siya muli ng malalim.

Minabuti niya na lang na bumangon kaysa alalahanin ang mga ito, sigurado niya na sasakupin lang siya ng matinding kalungkutan kung gagawin niya iyon, nag iisip siya kung anong pwedeng gawin habang naliligo. Linggo noon at walang pasok, bigla niyang naalala ang lolo't lola niya, matagal-tagal na din mul
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status