Share

I'm inlove with a PRIEST

I'M IN LOVE WITH A PRIEST

[General Fiction/Romance]

[CHAPTER 19 - Part 2 of 2]

Halos magtitili ako nang bigla niya akong siilin ng halik sa labi. Inipon ko ang lakas ko at pinagsasampal ko siya. Pinilit kong abutin ‘yong flower vase na nasa center table at inihataw ko ito sa ulo niya. Saglit s’yang natigilan habang tila nahihilong nasapo niya ang kanyang ulo kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makabangon mula sa sofa.

Patakbo na sana ako sa maindoor, pero bigla kong naalala si mama. Hindi ko ito p’wedeng iwan dahil baka kung anong magawa rito ni Samuel, II dahil sa galit.

Dali-dali akong umakyat patungo sa itaas ng kabahayan sa pagbabakasaling naroon si mama.

“’Ma?” Pasigaw kong tawag habang halos magkandarapa ako sa hagdanan at bago pa man ako tuluyang makaakyat ay naabutan na ako ni Samuel, II. Hinila niya ako pababa ng hagdan kaya dire-diretso ‘yong pagkahulog ko padapa sa sahig.

“Hindi mo ako matatakasan, Rachel. Akin ka lang!” Sigaw niya sa likuran ko bago niya ako pinihit patihay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status