Share

I'm inlove with a PRIEST

I'M IN LOVE WITH A PRIEST

[General Fiction/Romance]

[CHAPTER 24 - Part 1 of 2]

“M-Mauna na kami.” Natatarantang paalam ko kay Samuel II bago ko mabilis na hinila si Sebastian palayo rito.

Lulan na kaming mag-ina ng taxi pauwi, subalit ang bilis-bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot, hindi ko alam kung dahil ba sa muntik nang masagasaan si Sebastian o dahil sa muling pagtatagpo ng landas namin ni Samuel II.

“Mama?” Turan ni Sebastian nang mag-angat siya ng ulo mula sa pagkakasubsob sa dibdib ko. Maang kong sinalubong ang inosente n’yang mga mata. “Natatakot ka po ba?”

“H-Hindi, anak.” Pagkuwa’y nakangiti kong tugon. “Bakit mo naman naisip na natatakot si mama?”

“Kasi po ang bilis po ng heartbeat mo. Ganyan din po ako kapag natatakot.” Halos mabulol niya pang tugon.

“Ikaw kasi eh, tinakot mo si mama no’ng bigla kang tumawid.” Pagkuwa’y nakangiti pa ring turan ko bago ko pinisil ang matangos n’yang ilong. “Huwag mo nang gagawin ulit ‘yon ha.”

“Sorry po, mama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status