Share

I'm inlove with a PRIEST

I'M IN LOVE WITH A PRIEST

[General Fiction/Romance]

[CHAPTER 3]

A/N: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang mambabasa. Maraming salamat.

-----

“Anong ginagawa mo?” Bungad sa akin ni Nicole nang pumasok ito sa kuwarto namin ni mama. Kasalukuyan ko kasing inaayos ‘yong mga damit ko at ibinabalik ito sa loob ng travelling bag ko.

“Babalik na ako sa Manila, Nics.” Tugon ko nang lingunin ko siya.

“Ano? Bukas na ang kasal ko, Myks. Para kang t*nga.” Inis n’yang sabi nang tumayo siya sa harapan ko at nameywang.

“Sorry. Bigla ko kasing naalala na may kailangan nga pala akong i-submit na story sa publisher ko bago mag-Lunes. Nawala sa isip ko, eh.” Pagsisinungaling ko. Seryoso kasi talaga ‘yong galit ni mama no’ng nagdaang gabi. Hindi niya talaga ako kinakausap hanggang mag-umaga. Pinauuwi na niya talaga ako at ayaw ko namang lalo s’yang mangunsume kaya uuwi na lang ako para mapanatag na rin ang kalooban niya na hindi ko siya bibigyan ng kahihiyan.

“Huwag ako, Myks. Alam ko ang totoo.” Turan ni Nicole kaya tiningnan ko siya. “Narinig kong pinagagalitan ka ni tita Minda kagabi. Ano na naman bang ginawa mo?”

Inihinto ko ang pagliligpit ng mga gamit ko. Naupo ako sa gilid ng papag para i-focus ang buong atensiyon ko kay Nicole.

“Lumabas kasi ako kagabi, tatambay sana ako ro’n sa duyan kasi hindi pa naman ako inaantok, eh bigla ba namang um-epal ‘yong paring si Samuel. Ginulat ako, eh ‘di nainis ako.” Kuwento ko. “Tapos, I decided na bumalik na lang dito sa loob ng bahay kasi nga nainis ako. Ang lokong ‘yon, humarang sa pintuan, so sa inis ko, tinadyakan ko siya sa harapan.”

“Ano?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

“Actually, hindi ko naman sinasadya, eh. Na-guilty nga ako pagkatapos. Akmang hahawakan ko sana ‘yong kamay niya kaya lang ang likot niya, so iba ‘yong nahawakan ko at sa gano’ng sitwasyon kami naabutan ni mama.”

“Teka lang, ano ‘yong nahawakan mo ba at nagalit si tita Minda?”

“’Yong ‘ano’ ni father...” Nangingiti kong tugon. “’Yong alam mo na.”

“What?” Gulat n’yang tanong habang nagpipigil sa pagtawa. “Ang bastos mo, Myks.”

“Anong bastos do’n? Eh, hindi ko naman sinasadya. It was an accident.” Tumatawa kong sabi at mas lalo akong natawa nang damputin ni Nicole ang isang unan bago niya ito ibinato sa akin kaya tinamaan ako sa mukha. “Kung sinadya ko, ‘yon ang bastos, pero hindi ko naman talaga sinadya ‘yon. Nagulat nga ako, eh.”

“Aysus, huwag nga ako, Myks.” Tumatawa ring sabi niya. “Kaya naman pala nagalit si tita Minda, eh.”

“I’m not sure kung nakita ba ‘yon ni mama. Hindi naman yata. Ang ikinagalit niya lang yata eh, ‘yong nakita n’yang nakikipagtitigan ako kay father Samuel.”

“Sana nga hindi nakita ni tita Minda ‘yong kapilyahan mong tinatawag mong ‘aksidente lang’ para naman kapag nakiusap ako sa kanya na payagan ka n’yang manatili dito kahit hanggang bukas lang eh, mapagbigyan niya ako.”

“Okay. Good luck. Malakas ka naman kay mama, eh.” Nakangiting turan ko sa kanya.

Muli kong ipinagpatuloy ang paga-ayos ng gamit ko nang makalabas na si Nicole ng silid. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na rin ako. Nagtungo ako sa kusina kung saan naroroon sina tiya Mayet at tiya Maria.

“May maitutulong po ba ako sa inyo mga magaganda kong tiya?” Nakangiting bungad ko sa kanilang magkapatid kaya parehas silang natawa.

“Napaka-bolera mong bata ka.” Tumatawang turan ni tiya Maria, panganay na kapatid ni mama at ina ni Nicole, bago nito hinaplos ang aking buhok. “Huwag mo na kaming tulungan, kuwentuhan mo na lang kami.”

“Oo nga, pamangkin, balita namin eh, isa ka raw magaling na manunulat ng romantikong nobela.” Nakangiting sabi ni tiya Mayet habang sinasalinan nito ng ulam ang isang bowl. “Baka nama’y p’wede mong i-kuwento sa amin ang isa sa mga nagawa mo na para naman kiligin pa rin kami kahit matatanda na kami.”

“Uhm... Fictional lamang ho ang mga isinusulat ko. Hindi ho iyon totoo. Base lamang po sa imahinasyon ko kaya sa tingin ko ho’y hindi ko naman ho dapat i-kuwento sa inyo.” Alanganing tugon ko. Hindi kasi ako ‘yong tipo ng tao na magaling mag-kuwento verbally, mas bet ko talagang nagsusulat habang may mga ideyang tumatakbo sa isipan ko.

“Ah, gano’n ba?” Turan ni tiya Maria. “Eh, ‘di kuwentuhan mo na lamang kami ng tungkol sa love life mo.”

“Uhm... Naku po, mas lalo pong hindi n’yo magugustuhan kasi bokya po ako pagdating sa usaping pag-ibig.” Natatawang tugon ko na ikinatawa rin ng mga ito.

Napansin kong inilapag ni tiya Mayet ‘yong bowl na may lamang ulam sa mesa bago niya ito maingat na tinakpan.

“Para kanino po ‘yan, tiya?” Curious kong tanong.

“Kay father Samuel, hija.” Tugon nito. “Nakasanayan na namin kasi na palagi s’yang isahog sa pagkain simula ng ma-assign siya rito sa ating lugar. Nakiusap kasi sa amin si father Rick na asikasuhin namin si father Samuel.”

“Ah, okay po. So, dadalhin n’yo pa po ‘yan sa simbahan?”

“Ay, hindi. Ipahahatid ko lang ‘to sa bahay niya kapag dumating na si Mon.”

“Saan ho ba siya nakatira? Malapit lang ho ba rito?”

“Oo. Diyan lang mismo sa katabing bahay nitong bahay natin kaya nga tuwing gabi’y madalas s’yang makitambay sa duyan sa likod-bahay.”

So, kaya pala, siguro’y tatambay rin sana siya kagabi ro’n sa duyan. Turan ko sa isip habang tatangu-tango ako.

“Sino hong kasama niya riyan?”

“Si Boyet. ‘Yong matandang sakristan. Siya ang may-ari nang bahay na iyan, nagmagandang-loob siya na patuluyin si father Samuel since wala naman s’yang kasama sa buhay. Matandang binata, eh.”

“Ako na lang ho siguro ang maghatid nitong ulam kay father Samuel.” Biglang saad ko. Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa kokote ko at nag-prisinta ako kahit alam kong off-limits ako kay father Samuel dahil tiyak na magagalit na naman si mama.

“O sige, mas mainam din para magkapalagayan kayo ng loob.” Nakangiting sabi ni tiya Mayet. “Mabait ‘yon at masarap kakuwentuhan.”

“Sige po.” Nakangiti ring turan ko bago ko dinampot ‘yong bowl.

Bahagya akong kumatok sa pintuan ng tinutuluyang bahay ni father Samuel, pero walang nagbubukas ng pinto kahit tumawag na ako hanggang sa naisipan kong subukang pihitin ‘yong doorknob at napangiti ako nang mapagtantong bukas lamang pala ito.

“Father Samuel?” Mahinang tawag ko nang makapasok na ako sa loob ng kabahayan. “Mang Boyet?”

“Mang Boyet, nandiyan ka ba?” Narinig kong turan ni father Samuel. Sa tingin ko’y nagmumula sa loob ng banyo ang tinig niya. “P’wede ho bang pakiabot ‘yong towel ko? Nandiyan lang ho sa sala.”

Luminga ako sa paligid upang hagilapin ang tinutukoy na tuwalya ni father Samuel. Nakita ko itong nakapatong sa ibabaw ng silya kaya dinampot ko ito at humakbang ako palapit sa pintuan ng banyo. Bahagya ko itong kinatok.

“Bukas ho ‘yan, Mang Boyet. Pasensiya na po, may sabon kasi ‘yong mga mata ko kaya hindi ako makadilat. Bigla hong nawalan ng tulo ‘yong gripo.”

Napalunok ako bago ko bahagyang itinulak ‘yong pinto. Nanatili akong nakatayo sa labas, kamay ko lamang ‘yong ipinasok ko sa loob para iabot sa kanya ‘yong naturang tuwalya, pero hanggang sa nangawit na ‘yong kamay ko’y hindi niya pa rin ito kinukuha.

Ano ba ‘yon? Hindi niya ba makita? Kunsabagay, nakapikit nga pala siya sabi niya. Turan ko sa isip. Pasukin ko na lang kaya?

G*ga! Baka kung ano pang makita mo sa loob. Magagalit na naman sa’yo ang mama mo. Kontra ng killjoy na bahagi ng utak ko.

Pero, hindi niya nga makita. Baka kailangang ilapit ko mismo sa kanya. Muling turan ko sa isip.

Ah, bahala ka. Malaki ka na. Ihanda mo na ang sarili mo sa posible mong makita na hindi mo naman dapat makita. Muling turan ni killjoy.

“Mang Boyet?”

Tila nanumbalik sa katinuan ‘yong pagi-isip ko nang biglang nagsalita si father Samuel. Napailing na lang ako. Naloloka na yata ako dahil kinakausap ko na ‘yong sarili ko.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako tuluyang pumasok sa loob ng banyo at halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang tumambad sa aking paningin ang naked body ni father Samuel. Sh*t! He oozes sexiness. Mula sa kanyang muscles, patungo sa kanyang six-pack abs na medyo nababalot ng mga bula ng sabon, pababa sa kanyang pagkalalaki na sadya namang ikinatulala ko. Bahagya pa akong napalunok habang pakiramdam ko’y nagi-init ang magkabila kong pisngi. Parang gusto kong magsalita at tanungin siya ng mga sandaling iyon kung normal pa ba siya kasi parang masyadong malaki at mahaba yata...

“Mang Boyet, ‘yong tuwalya ho, akin na.” Turan niya habang nanatili s’yang nakapikit. Sa tingin ko’y naramdaman na niya ang presensiya ko sa kanyang harapan. Hindi ako umimik, pero inilapit ko sa kamay niya ‘yong tuwalyang hawak ko. “Salamat po.”

Nanatili akong nakatingin sa kanya habang ipinupunas niya sa kanyang mukha ‘yong naturang tuwalya.

“K-Kandice!” Gulat n’yang sabi habang natataranta n’yang itinapis sa kanyang balakang ang hawak na tuwalya. Finally, nakadilat na siya. “What are you doing in here?”

“Uhm...” Bahagya pa akong tumikhim bago ko siya tinalikuran at lumabas na ng banyo, nagpapanggap na balewala ‘yong nakita ko kahit ang totoo’y tila nanghihina ako. “Iniabot ko ‘yang tuwalya mo. Tawag ka kasi ng tawag kay Mang Boyet, eh wala naman siya.”

“Pero hindi ka dapat pumasok sa banyo.” Turan n’yang nakasunod sa akin. Huminto ako sa sala at nilingon siya.

“Eh, kung hindi ako pumasok, hindi mo maaabot ‘yong towel kasi nga malayo ka sa pintuan tapos nakapikit ka pa. Ako na nga ‘tong concern diyan sa mga mata mo kasi baka mabulag ka gawa ng sabon tapos parang galit ka pa.” Pagkuwa’y turan ko.

“Concern ka talaga?” Tila hindi naniniwalang turan niya. “Alam mo, ikaw ang mabubulag kasi kung saan-saan dumadako ‘yang tingin mo.”

“Hoy, feeling mo naman eh, pinagi-interesan kong tingnan ‘yang ‘ano’ mo? Eh, wala nga akong makita, eh.” Pagsisinungaling ko kahit ang totoo’y pakiramdam ko’y namumula na ang magkabilang pisngi ko ng mga sandaling iyon.

“Walang makita?” Tila nakakalokong turan niya habang nagsusuot siya ng T-shirt. “Kaya pala halos matulala ka.”

“Wow! Ang kapal ha. Masyado kang feeling-ero.”

“Isusumbong kita sa mama mo.”

“Eh, ‘di magsumbong ka.” Naghahamon na turan ko sa kanya. “Ngayon lang yata ako nakakita ng paring sumbungero.”

“At ngayon lang din yata ako nakakilala ng babaeng pervert.”

“Tse!” Mataray kong turan sa kanya bago ko siya tinalikuran at dali-dali akong lumabas ng bahay na tinutuluyan niya.

-----

“Saan ka nanggaling, Myks?” Agad na bungad sa akin ni Nicole pagkapasok ko ng bahay.

“Sa tinutuluyan ni father Samuel.” Nangingiti kong tugon nang maupo ako sa tabi niya.

“Ano na namang ginawa mo ro’n? Ang tigas talaga ng ulo mo. Mapapagalitan ka naman ni tita Minda n’yan, eh.” Sita niya sa akin. “Pumayag pa naman na siya na okay lang kahit bukas ka na umuwi, after ng kasal ko.”

“Naghatid lang ako ng ulam niya.” Tugon ko. “Mabuti naman at napapayag mo si mama. Sabi ko na nga ba malakas ka sa kanya, eh.”

“O, tapos, anong nangyari ‘yong hinatid mo ‘yong ulam?”

“Ayon, may nakita ako.” Pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi ko kaya bahagyang tumaas ang kilay ni Nicole. “Malaki na mahaba--- Aray!” Maarteng reklamo ko nang bahagya niya akong sampalin.

“G*ga ka talaga.” Natatawa n’yang sabi na ikinatawa ko rin.

Biglang bumukas ‘yong pintuan at iniluwa nito ang pamangkin ni Nicole na batang babae kaya pagkuwa’y iniba namin ni Nicole ang usapan.

“Nga pala, Nics, baka nausog ng nausog ‘yong schedule ng kasal mo? ‘Diba dapat no’ng nakaraang buwan pa ‘yan?”

“Oo nga eh, pero ewan ko ba kung minamalas kami ni Alfie o sadyang nagkataon lang, kasi ‘yong una at ikalawang pari na naka-assign na magkasal sana sa amin ay parehas namatay.”

“Huh? Bakit?”

“Hindi nga namin alam, Myks eh, hanggang ngayo’y misteryoso pa rin ang pagkamatay nila. Unang namatay ay si father Valentino, natagpuan sa ilog ‘yong bangkay niya at pagkalipas ng ilang araw ay si father Noah naman. Sa mismong kuwarto niya siya pinatay.”

“Grabe naman ‘yon. So you mean, until now ay hindi pa nabibigyan ng hustisya? Ang liit-liit lang nitong barrio, ah.”

“Magaling ‘yong gumawa, Myks. Ang iniisip nila’y posible raw na mga sindikato or kaaway sa gobyerno. ‘Yong mga taong natatamaan sa misa. Baka raw nagalit, gano’n.”

“So, kailangan pa lang mag-ingat ng mga natitira pang pari?” Seryosong turan ko. Bigla tuloy akong nag-alala para sa buhay ni father Samuel.

“Exactly. Kaya nga pinag-iingat namin sina tiyo Rick, father Vicencio at father Samuel. Baka kasi isang araw eh, sila naman ‘yong mapag-initan ng kung sinuman.”

“Matagal na ba rito si father Samuel?”

“Two weeks, I think. Siya ‘yong ipinalit kay father Noah.”

“Sayang naman ‘yong ka-guwapuhan niya kung mamatay lang siya.” Wala sa loob na turan ko na ikinahagalpak ng tawa ni Nicole.

Pasado alas-tres nang hapon ng maisipan kong magtungo sa simbahan. Nang magising kasi ako mula sa pagkakaidlip ay agad kong hinanap si mama at ang sabi ni tiya Mayet ay nasa simbahan daw ito, kasama ni tiya Maria sa pag-aasikaso ng mga gagamitin para sa kasal ni Nicole.

Bihira akong magpantalon, mas hilig ko kasi ang skirt at shorts kaya hindi na nakapagtataka kung mangilan-ngilan lamang ang dinala kong pantalon tapos isang-damakmak ‘yong skirt and shorts. Kinuha ko mula sa bag ko ang isa sa mga pencil skirt ko at ito ang isinuot ko. Sanay rin ako ng naka-heels kaya bitbit ko rin ang isang pares ng high-heeled shoes ko.

“Ang sexy mo naman, Kandice.” Nakangiting puri sa akin ni tiya Mayet nang lumabas ako ng kuwarto.

“Salamat po.” Natatawang tugon ko sa kanya bago ako nagsimula nang lumakad patungo sa simbahan. Actually, malapit lang naman ‘yong simbahan. Mga ilang kilometro lang siguro ang layo mula sa bahay.

Sobrang tahimik nang simbahan ng pumasok ako. Walang katao-tao sa loob. Napansin kong may pintuan sa kaliwang bahagi, malapit sa altar kaya naglakad ako patungo roon. Bahagya kong itinulak ‘yong pintuan at akmang lalabas ako rito, subalit natigilan ako kasi ‘yong nasaksihan ko ay sadya namang gumimbal sa pagkatao ko.

Nakita kong binaril ng isang lalaking naka-maskara ang isang pari sa mismong ulo nito, sa tingin ko’y ito sa father Vicencio.

“Oh, my God!” Bigla kong naisambulat bago ko natutop ang aking bibig nang makita kong humandusay sa lapag ang wala ng buhay na katawan nang naturang pari. Dumako ang tingin sa akin ng lalaking naka-maskara at bago pa man siya makalapit sa akin ay agad ko nang isinirado ang pinto. Mabilis akong tumakbo palabas ng simbahan habang halos kalabugin na nang lalaki ang naturang pintuan. Nang makalabas ako’y hindi ko alam kung saan ako tutungo lalo pa nang makita kong may isa pang lalaking naka-maskara ang papalapit sa akin. Nanggaling ito sa gate.

Tumakbo ako patungo sa likod ng simbahan kung saan matatagpuan ang tinutuluyan ng mga pari. Halos manginig na ang buo kong katawan sa takot at halos mapasigaw ako nang biglang may humawak sa braso ko at hinila ako nito patungo sa isang sulok.

-----

To be continued.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status