Share

I'm inlove with a PRIEST

I'M IN LOVE WITH A PRIEST

[General Fiction/Romance]

[CHAPTER 4]

“Oh, my God, please?” Pakiusap ko sa taong humila sa akin. Bahagya pa akong nagpupumiglas habang bahagyang nakapikit ang aking mga mata dahil sa takot.

“Kandice, it’s me.” Baritonong tinig ng isang lalaki kaya agad akong napadilat. Pakiramdam ko’y nabawasan ang takot ko nang mapagtanto kong si father Samuel pala ang humila sa akin. “What’s wrong?” Mababakas ang pag-aalala sa naggagandahan n’yang mga mata.

“Someone is chasing me, father.” Turan ko bago ako parang t*ngang luminga-linga sa paligid. Napansin kong nasa loob na pala kami ng isang maliit na silid. “Oh, God, nakita ko ‘yong isang kasamahan n’yong pari. Pinatay siya no’ng lalaking naka-maskara. He was shot in the head.”

“Oh, God! Si father Vicencio?”

“Oo, siya yata ‘yon. Hindi ko naman siya kilala, eh, pero hindi naman ‘yon si father Rick kaya baka siya nga ‘yon.”

“Namukhaan mo ba ‘yong pumatay?” Tanong niya nang lumakad siya patungo sa bintana at bahagyang sumilip sa nakabukas na jalousie bago ito isinirado.

“Paano kong mamumukhaan? Eh, naka-maskara nga ‘diba?” Iritable kong tugon sa kanya.

“No, I mean, ‘yong itsura ng pangangatawan.”

“Malaki ‘yong katawan niya. Matangkad. Nakasuot siya ng sandong itim tapos puno ng tattoo ‘yong kaliwang braso niya.” Turan ko habang bahagya pa akong kinikilabutan ng maalala ko ‘yong eksenang nasaksihan ko.

“Sa tingin mo nakilala ka niya?”

“Hindi ko alam. Dalawa silang lalaking naka-maskara. ‘Yong isa ang humabol sa akin---” Natigil ako sa pagsasalita nang makarinig kami ng mga yabag patungo sa kinaroroonan naming silid.

“Pasukin mo ang bawat silid. Nagtatago lang ang babaeng ‘yon.” Narinig kong turan ng isang lalaki buhat sa labas. Namimilog ang mga mata ko nang sumulyap ako kay father Samuel habang tutop ko ang aking bibig. Tiyak akong ako ang babaeng tinutukoy ng lalaki. Ito malamang ang bumaril kay father Vicencio.

“Anong gagawin ko, Samuel? Sh*t! Tulungan mo naman ako.” Natataranta kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya akong hinila. “Saan tayo pupunta?”

“Lalabas tayo rito. Sigurado akong papatayin ka nila kapag nakita ka nila.” Tugon niya bago niya dahan-dahang binuksan ‘yong pintuan ng silid. Bahagya muna s’yang sumilip bago niya ako tuluyang hinila palabas.

Namataan kami no’ng isang lalaking naka-maskara kaya walang sabi-sabing pinaputukan kami nito ng baril. Napatili ako. Lalo tuloy akong hinila ni father Samuel. Ang lalaki ng hakbang niya kaya nahihirapan akong sabayan siya lalo pa’t naka-heels ako. Tumakbo kami patungo sa gilid ng simbahan kung saan naroroon ang bell tower.

Bahagya munang luminga si father Samuel sa paligid bago niya ako hinila paakyat sa taas ng naturang tower.

“Teka lang naman.” Reklamo ko no’ng malapit na kami sa tuktok. Maang niya akong nilingon. “Ang sakit na ng mga paa ko. Kung makahila ka, wagas. Sobrang gentleman mo, tuwang-tuwa talaga ako. Nakita mo ng naka-heels ako, ‘diba?” Sarkastikong turan ko sa kanya.

“Bakit naman kasi ganyan ang suot mo?”

“Anong bakit? Eh, malamang magsisimba sana ako, ‘diba? Kung alam ko lang na may masasaksihan akong krimen, eh ‘di sana’y nag-running shoes na lang ako para kahit kaladkarin mo ako’y ayos lang.”

“That’s not a problem, Kandice. Just remove your shoes para makatakbo ka ng maayos.” Turan niya bago niya ako tinalikuran.

“What? Ayoko nga.” Mariing tutol ko nang sundan ko siya. “Magdudumi ‘yong mga paa ko. Ayaw ko yatang mamatay ng marumi ang mga paa.”

“Ano?” Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang lingunin niya ako. “Talagang mas inalala mo pa ‘yang mga paa mo kaysa sa buhay mo.”

“Bakit, kapag hinubad ko ba ‘tong mga sapatos ko eh, siguradong makaliligtas tayo, eh ‘diba hindi naman?”

“Kakaiba ka talaga.” Naiiling n’yang sabi nang muli niya akong talikuran. Bahagya s’yang dumungaw sa baba ng tower.

“So, anong gagawin natin dito? Hindi ba lalo lang tayong mapapahamak dito kapag nasundan nila tayo kasi wala naman tayong dadaanan pababa? Malamang eh, nakaabang na sila ro’n sa hagdanan.”

“Tatalon tayo.”

“What? No way!” Turan ko. “Kung gusto mo’y mag-isa ka.”

“Kandice, there’s no way out. Ikaw na rim ang nagsabi, hindi ba?” Galit n’yang turan.

“Samuel, ang taas niyan. Pakiramdam ko’y magkaklasug-lasog ‘yong mga buto ko kapag tumalon ako riyan. Mamamatay akong pangit at ayaw kong mangyari iyon.”

"My God, Kandice! Ikaw na yata ang pinaka-maarteng babaeng nakilala ko. You're unbelievable!" Father Samuel shouted right on my face kaya naasar ako kasi sa lahat ay ayaw ko nang sinisigawan ako ng kung sino.

"At ikaw na yata ang pinaka-bastos na paring nakilala ko. Walang modo!" I shouted back at him as I clenched my fists. “Kung hindi ka ba naman t*nga, dito talaga tayo tumakbo eh, alam mo namang wala tayong ibang dadaanan pababa tapos sasabihin mong tatalon tayo riyan.”

“Wala tayong ibang tatakbuhan kanina, Kandice kundi dito lang. Nakita mong may nag-aabang sa atin, ‘diba?” Galit n’yang sabi. “Kapag hindi ka tumigil sa kaartehan mo’y ihuhulog talaga kita.”

“Eh, ‘di ihulog mo. Bw*sit na ‘to. Tatakutin pa ako.” Mas lalo lamang akong naasar sa kanya. Sayang lang ang ka-guwapuhan niya, bastos naman.

“Let’s go!” Turan niya bago niya ipinulupot ang isang braso niya sa bewang ko kaya napasigaw ako.

“Samuel, ayaw kong tumalon, ano ba?” Mariing tutol ko sa plano niya habang pinapalo ko ang braso niya, pero wala akong nagawa. Sa tangkad niya at sa tikas ng kanyang pangangatawan ay kayang-kaya niya lamang akong bitbitin gamit ang isang kamay.

Isinama niya ako sa pagtalon kaya napapikit na lang ako. Naramdaman kong napatukod ang magkabila kong palad sa isang matigas na bagay at nang magdilat ako ng mga mata’y na-realize kong si Samuel ang nahulog pahiga sa lapag at ako’y nakadapa sa malapad n’yang dibdib. I was safe.

“Okay ka lang? Nasaktan ka ba?” Tanong niya habang nakatitig sa akin ang kanyang mga mata.

“No. I’m fine.” Tugon ko at bigla akong napatili nang paputukan kami ng baril ng isang lalaki mula sa taas ng tower. Mabuti na lamang at hindi kami tinamaan. Mabilis na bumangon si Samuel at muli akong hinila hanggang sa nakarating kami sa tabing dagat. Walang katao-tao roon. Tila ba ang layo na nito sa kabahayan. Panay ang linga ko habang si Samuel ay abala sa pagkalikot ng kung ano sa loob ng isang maliit na bangkang de-motor.

“Kandice, let’s go.” Turan ni Samuel at namilog ang mga mata ko nang makita kong may isinukbit s’yang baril sa kanyang tagiliran.

“Bakit may baril ka? Saan mo nakuha ‘yan?”

Hindi siya umimik. Itinulak niya ‘yong bangka patungo sa tubig.

“Halika na, sakay na.”

“Ayoko. Hindi ko p’wedeng iwan si mama rito, father Samuel.”

“Kandice, listen to me.” Seryosong turan niya nang lapitan niya ako. “Huwag mong alalahanin si aling Minda dahil ligtas siya at mas magiging ligtas siya kung aalis ka rito sa barrio. Hindi ka p’wedeng umuwi sa inyo dahil madadamay ang pamilya mo. Sigurado akong hindi ka titigilan ng mga lalaking naghahanap sa’yo. Papatayin ka nila.”

“P’wede ko namang sabihin sa kanilang wala naman akong nakita. Besides, hindi ko naman talaga sila nakilala dahil mga naka-maskara sila.” Giit ko. “At saka, bakit pati ako’y papatayin, hindi naman ako pari at lalong hindi ako madre.”

“Kandice, nandiyan na sila. Halika na.” Turan niya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumakay na lang sa bangka hanggang sa nakarating kami sa bayan. Hinubad muna ni Samuel ang suot n’yang cassock bago siya bumaba sa bangka. Sumunod ako sa kanya.

“Ayaw mo ba talagang hubarin ‘yang sapatos mo?” Tanong niya pero inirapan ko lamang siya. Nauna na akong naglakad sa kanya. Ang mga paa ko ay parte ng katawan ko na sobrang pinaka-iingatan ko. Ayaw ko itong nadudumihan o nasusugatan at hinding-hindi ako mapaglalakad ng nakayapak ng kung sino.

“Mabuti pa’y pumunta tayo sa presinto, father. I-report natin ‘yong nangyari.”

“Hindi natin ‘yon p’wedeng gawin, Kandice. Hindi natin alam kung sino ang kalaban natin. Kailangan nating mag-ingat at mag-imbestiga muna.”

“Ang dami mong alam!” Naiinis kong sabi sa kanya. “So, ano na lang? Walang tigil tayong tatakbo para takasan ‘yong mga humahabol sa atin hanggang sa magkanda-paltus-paltos na ‘tong mga paa ko, gano’n?”

“Ang tigas naman kasi n’yang ulo mo. Sinabi ko nang tanggalin mo na ‘yang sapatos mo, eh.”

“Bakit ba pilit mong pinatatanggal sa akin ‘tong sapatos ko, naiinggit ka ba?” Iritable kong turan sa kanya, pero hindi siya umimik, bagkus muli na naman niya akong hinila hanggang sa nakarating kami sa kabahayan. Kumatok siya sa isa sa mga bahay na naroroon.

“Grayson?” Mahinang tawag niya at bumukas ang pintuan.

“Sir Samuel?” Biglang bumungad ang isang guwapong lalaki sa pintuan. Pinapasok kami nito sa loob ng naturang bahay.

“Si Kandice.” Pakilala ni Samuel sa akin. Sumulyap sa akin ang lalaki at matipid itong ngumiti. “Grayson, mag-usap tayo.” Turan ni Samuel. Sumenyas ito sa lalaki at magkasunod silang lumabas ng bahay. Naiwan ako sa loob at naupo ako sa sofa. Sa wakas ay nai-relax ko rin ang mga paa ko. Hinubad ko ang mga sapatos ko. Ang sakit ng mga paa ko. Sanay naman akong mag-heels, pero ‘yong patakbuhin ako ng naka-heels ay hindi ko pala kaya. Talo ko pa ang nag-pinetensiya.

Ilang saglit pa’y pumasok ng muli sa loob ng bahay si Samuel. Nagulat pa ako nang bigla s’yang naupo sa harapan ko bago niya walang imik na hinawakan ang isang paa ko.

“Aray ko.” Reklamo ko nang bahagya niya itong pisilin, pero napakagat-labi ako nang simulan niya itong imasahe.

Sh*t! Ang sarap. Ang galing ng paghagod niya. Nakaka-relax talaga. Kung kasing-kisig at kasing-guwapo niya ang masahista’y gugustuhin ko na lang sigurong buong magdamag at maghapong magpamasahe sa kanya.

“Magpahinga ka muna. May pupuntahan lang kami ni Grayson.” Turan niya sa akin pagkalipas ng ilang minuto. “Matulog ka muna sa kuwarto. Sasamahan ka rito ni Mang Damian. Siya ang may-ari nitong bahay.”

“Okay.” Tipid kong tugon bago ako naglakad papasok sa tinutukoy n’yang silid. Sumulyap ako sa relo ko sa kaliwang braso, pasado alas-sais na ng hapon.

“Huwag kang lalabas, naiintindihan mo?” May pagbabantang turan niya nang sumilip siya sa pinto.

“Paano kung lumabas ako?” Pilyang tanong ko sa kanya habang nakangisi ako.

“Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo. Binabalaan kita, Kandice. Hindi uubra sa akin ‘yang katigasan ng ulo mo.”

“Parang na-curious ako sa gagawin mo sa akin. Parang gusto kong lumabas ngayon na.”

“Subukan mo.” Turan niya bago niya inilabas ang baril na nakasukbit sa tagiliran niya at itinutok niya ito sa paa ko. “Puputulin ko talaga ‘yang mga paa mong pinakamamahal.”

“Subukan mo, puputulin ko rin ‘yang pinakai-ingatan mong sandata.”

“Hindi ako nakikipag-biruan sa’yo, Kandice.” Seryosong turan niya kaya hindi na ako umimik. Baka nga totoohaning barilin ‘yong paa ko.

-----

Pasado alas-siyete na nang gabi nang magising ako. Naka-idlip pala ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumabas ako ng silid na kinaroroonan ko.

“Ma’am Kandice, gising ka na pala.” Turan ng isang may edad ng lalaki sa akin. Sa tingin ko’y ito si Mang Damian kaya nginitian ko ito.

“Dumating na po ba si father Samuel?”

“Hindi pa ho, Ma’am.”

“Mang Damian, kapag pumunta po ba ako ngayon sa duungan ay may masasakyan pa po ba akong bangka patungo sa barrio?”

“Meron pa ho, Ma’am Kandice.” Magalang nitong tugon. “Pero hindi po kayo p’wedeng umalis dahil magagalit ho si Sir Samuel.”

“Hayaan n’yo ho s’yang magalit.” Turan ko nang maupo ako. Isinuot ko ng maayos ang sapatos ko. “Mas natatakot ho ako sa galit ng mama ko. Tiyak pong magagalit iyon kapag nalaman n’yang lumuwas ako ng bayan ng walang paalam, lalo pa’t si father Samuel ang kasama ko.”

“Ma’am Kandice...” Pigil sa akin ni Mang Damian nang lumakad na ako patungo sa pintuan. “Malalagot ho ako nito kay Sir Samuel.”

“Huwag po kayong mag-alala. Maunawain naman po ang mga pari. Sabihin n’yo lang po sa kanya na umuwi na ako. Salamat po sa pagpapatuloy sa akin dito sa bahay n’yo.”

“Ma’am Kandice!” Tawag sa akin ni Mang Damian, pero hindi ko na ito pinansin pa. Dali-dali akong naglakad patungo sa duungan. Mabibilis ang mga hakbang ko habang panay linga ako. Baka mamaya’y bigla na lang sumulpot sa paligid ‘yong mga lalaking naka-maskara. Malapit na ako sa duungan nang bigla kong matanaw si Samuel.

“Sh*t!” Sambit ko bago ako lumihis ng daan. Napunta tuloy ako sa isang madilim na eskinita.

“Hi, Miss.” Bati ng isang lalaki sa akin. Halatang lasing ito kasi pasuray-suray ang paglakad nito habang papalapit sa akin. Napatikhim ako bago ako napaatras. “Naliligaw ka ba, Miss? Gusto mo’y ihatid na kita sa pupuntahan mo?”

“Uhm, hindi na. Salamat na lang.” Tugon ko habang patuloy ako sa pag-atras hanggang sa bumangga ang likod ko sa isang matigas na bagay na tila ba bulto ng bigas. Agad ko itong nilingon. Si Samuel.

“Ang tigas talaga ng ulo mo.” Turan niya bago niya ako hinawakan sa kamay, pero nagpumiglas ako.

“Hayaan mo na akong umuwi, Samuel. Utang na loob naman!”

“Pare, ako ang unang nakatagpo sa kanya, ibalato mo na siya sa akin. Sinisigurado kong mage-enjoy siya sa akin.” Turan no’ng lalaki at akmang hahawakan ako nito, subalit hindi na nito iyon naituloy pa dahil walang sabi-sabing sinuntok ito ni Samuel sa mukha kaya agad itong bumulagta. Natutop ko na lang tuloy ‘yong bibig ko sa labis na gulat.

“Bakit mo sinuntok? Pari ka, pero ang tarantado mo.”

“Bastos, eh.”

“Parehas lang naman kayo.” Sarkastikong turan ko. Akmang aalis na ako para iwan siya, pero bigla niya akong binuhat kaya naptili ako.

“Samuel, ibaba mo ako, ano ba?” Sigaw ko. Tila ba isang bagay lamang akong isinampay niya sa kanyang balikat. Sa asar ko’y kinalabog ko ang likuran niya, pero hindi siya natinag hanggang sa naibalik na niya ako sa bahay ni Mang Damian.

“Ibaba mo nga ako!” Sigaw ko. Ipinasok niya ako sa loob ng silid at pabagsak niya akong ibinaba sa kama kaya lalo lamang akong naasar.

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha?” Galit n’yang sabi. Tumayo ako para kahit papaano’y mapantayan ko siya kahit sobrang tangkad niya kaya bahagya akong nakatingala sa kanya. “Sinabihan kita kaninang huwag kang lalabas, ‘diba? Paano kung natagpuan ka no’ng mga lalaking naghahanap sa’yo, eh ‘di napatay ka na? Hindi ko alam kung hindi ka ba talaga nakakaintindi ng simpleng salita o sadyang matigas lang ‘yang ulo mo.”

“Pakialam mo ba kung mapatay ako ha?” Galit ding turan ko sa kanya. “For your information, hindi ako t*nga kaya huwag mo akong sasabihan na hindi ako nakakaintindi.”

“Well, sa’yo nanggaling ang salitang t*nga at hindi sa akin.” Tila nakakalokong turan niya kaya sa labis na asar ko’y sinampal ko siya.

“Bastos ka talagang, bw*sit ka!” Akmang sasampalin ko s’yang muli, pero agad n’yang sinalo ang kamay ko. “Naturingan kang pari---” I stopped talking when I felt his lips on mine. Bahagya pa akong napakurap nang sa isang iglap ay pumasok ang dila niya sa loob ng bibig ko.

To be honest, he’s not my first kiss, pero kakaiba ‘yong dulot ng halik niya sa pagkatao ko. Pakiramdam ko’y bigla akong nanghina ng mga sandaling iyon habang nawiwindang ‘yong utak ko. Bahagya ko pang nakagat ang pang-ibaba kong labi nang ilayo niya ang kanyang mukha sa akin.

“Kapag nagpasaway ka ulit, ako na mismo ang maghahatid sa’yo sa mga lalaking humahabol sa’yo.” Seryosong banta niya bago siya lumabas ng silid na kinaroroonan namin, pero wala sa sinabi niya ‘yong atensiyon ko kundi’y naka-focus ito sa ginawa niya.

Bakit niya ako hinalikan? Allowed ba ang isang pari na gawin iyon o sadyang siraulo lamang siya?

-----

To be continued.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status