Share

I'm inlove with a PRIEST
I'm inlove with a PRIEST
Author: ken ken

I'm inlove with a PRIEST

I'M IN LOVE WITH A PRIEST

[General Fiction/Romance]

[PROLOGUE]

“Malandi kang babae ka!” Galit na sigaw ng isang babae na hindi nalalayo ang edad sa akin bago ako nito sinugod at sinabunutan. Sa sobrang gulat ko’y hindi ako agad nakaandam kaya agad nitong nahablot ang aking buhok. “Mang-aagaw ka ng asawa!”

“Shaina, stop it!” Pasigaw na turan ng boyfriend kong si Marco sa babaeng sumugod sa akin bago nito pilit na inilayo sa akin ang babae. “Ano ba!?”

“Ano ba?” Si Marco naman ang hinarap ng babae. “Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin ‘yan! Pagkatapos kong makita ang malanding babaeng ‘yan dito sa condo mo, eh ‘yan lang talaga ang sasabihin mo? Ikaw pa ‘tong galit ngayon?”

“Umuwi ka na. Sa bahay na tayo mag-usap.” Halos pabulong na turan dito ni Marco bago niya ito pilit na ipinagtutulakang palabas ng condo niya.

“Hindi ako uuwi!” Sigaw ng babae. “’Yang malanding kabit mo ang pauwiin mo at baka hindi ako makapagtimpi at maingudngod ko pa ‘yong makapal n’yang mukha sa sahig.”

I just cleared my throat. I really don’t know how to react kasi naman wala akong idea na may asawa na pala ang boyfriend ko. Anim na buwan na rin kaming magkasintahan ni Marco. Sa loob ng anim na buwang iyo’y wala naman s’yang nabanggit sa akin, hindi naman ako naghinala, siguro kasi’y sadyang tanga lang ako pagdating sa mga kalalakihan.

Tahimik kong dinampot ‘yong bag kong nananahimik sa sofa. Walang imik na iniwan ko sina Marco at asawa niya. Narinig kong tinawag ako ni Marco, pero hindi ko siya pinansin pa. Mabibilis ang hakbang ko palabas ng building kung saan narooon ang unit ni Marco. Akmang pasakay na ako ng taxi nang maabutan niya ako.

“Myka, please?” Pakiusap niya nang hawakan niya ako sa braso. “Let me explain.”

“Marco, please?” Kalmadong turan ko bago ko hinawi ‘yong kamay n’yang nakahawak sa akin. “Buking ka na, eh. Huwag mo nang bilugin pang muli ang ulo ko at baka mapapaniwala mo na naman ako sa mga kabulastugan mo.”

“Makinig ka naman muna.”

“Sige. Siguraduhin mong maiksi lang ‘yang sasabihin mo at baka mainip ako, masasampal lang kita.”

“Hindi ko na mahal si Shaina. Plano ko na talagang makipaghiwalay sa kanya. Ikaw na ang mahal ko. Hindi ko lang nasabi sa’yo kasi---”

Hindi na niya naituloy pa ang nais n’yang sabihin dahil agad nang lumapat ang palad ko sa kanyang kaliwang pisngi.

“Sinabi ko nang maiksi lang, ‘diba kasi mainipin ako. Ayaw kong nakakarinig ng mga kung anu-anong kasinungaling pinagi-iimbento mo lang. Alam mo, sana pala’y naniwala ako sa mga kaibigan ko na wala ka talagang k’wentang tao. Na may inililihim ka talaga. Akala ko pa naman ka-forever na kita, ‘yon pala’y katarantaduhan lang kung ano ang meron tayo.”

“Myka, mahal kita. Ikamamatay ko kapag nawala ka.”

“Wala akong pakialam sa’yo! Mamatay ka na sana hanggat nandito pa ako para matuwa naman ako.” Turan ko sa kanya bago ako mabilis na sumakay ng taxi.

Sanay na akong niloloko ng boyfriend. Sanay na akong inaaway at sinasabihan ng kabit kahit ang totoo’y biktima lang naman talaga ako ng mga magagaling na dila ng mga h*yop na lalaking naging boyfriend ko. Madali kasi akong mauto. Madali akong maloko, in short, t*nga ako pagdating sa ‘love’ o mas mainam na tawaging ‘love-dian’. Puro landi at harot lang naman kasi ang alam ko, never pa naman akong nagseryoso sa isang relasyon.

To be honest, sa edad kong beinte-otso ay hindi ko nga alam kung nagmahal na nga ba talaga ako. Kasi lahat ng naging boyfriend ko’y hindi ko naman iniyakan no’ng iniwan ako. Hindi ko pa naman naranasang masaktan. Siguro’y tinatamaan ang pride ko lalo pa kung ako ang niloko, pero hindi ang puso ko.

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa loob ng handbag ko.

“Athena, bakit?” Turan ko nang sagutin ko ang tawag. Isa ito sa barkada ko. Tiyak akong kapag nalaman nitong niloko ako ng boyfriend ko’y imbes na i-comfort ako’y siguradong umaatikabong sermon pa ang matatanggap ko mula rito.

“Nasaan ka?” Tanong nito na tila ba jowa ko.

“Nandito sa hotel, kasama ko asawa mo.” Natatawang tugon ko.

“G*ga! Kalbuhin kita riyan, eh.” Tumatawang turan nito. “Myks, punta ka rito sa coffee shop nina Dylan.”

Ang Dylan na tinutukoy ni Athena ay asawa ni Keera na isa rin sa barkada ko.

“Bakit? Anong bago riyan?”

“Wala. Miss ka na namin, eh.”

“Myks, miss na namin ang mga green jokes mo.” Narinig kong turan ni Aria habang tumatawa, barkada ko rin ito. Tiyak akong naka-loud speaker si Athena.

“Okay, sige. Papunta na ako riyan.” Natatawa ring tugon ko bago ko sinabihan ‘yong taxi driver na ihatid ako sa Lucas and Raffy’s Cafe.

“Myks!” Tilian ng mga kaibigan ko pagkapasok ko pa lang sa naturang coffee shop kaya tuloy pati ‘yong ibang customers ay dumako ang tingin sa akin.

“Mga bruhang ‘to, akala mo nama’y isang dekada akong hindi nakita.” Sita ko sa mga ito nang makalapit na ako sa table nila.

“Na-miss ka namin, eh.” Tumatawang turan ni Aria bago ito tumayo mula sa pagkakaupo para humalik sa pisngi ko na sinundan nina Athena and Keera. Nakasanayan na naming magbabarkada iyon.

“So, anong bago?” Nakangisi kong tanong nang maupo ako sa tabi ni Aria paharap kay Athena na katabi naman ni Keera.

“Walang bago sa amin.” Tugon ni Keera. “Ikaw, anong bago sa’yo? Mukhang siniseryoso mo na ‘yang si Marco, ah. Wala ka nang oras sa amin, eh.”

“Grabe naman ‘yong walang oras. Isang buwan lang naman akong hindi nakasama sa inyo, eh. Anyway, sorry, girls, kasi alam n’yo naman ‘yong trabaho ko, kailangan kong i-isolate minsan ‘yong sarili ko para makapag-focus ako sa pagsusulat.” Tugon ko kay Keera bago ko nginitian at kinindatan ‘yong binatilyong crew na lumapit sa akin para iabot ‘yong brewed coffee at dalawang slice ng strawberry cake. Sanay na ito sa akin na gano’n ang order ko sa t’wing nagpupunta ako sa coffee shop na iyon kaya kahit hindi pa ako nago-order ay alam na nito kung ano ang ise-serve sa akin. Bahagya pa itong namula at nahihiyang ngumiti. “Thank you, cutie.”

“’Yong pagiging writer mo nga ba talaga ang dahilan?” Tila hindi naniniwalang tanong ni Aria. Isa akong professional novel writer at nagtatrabaho ako sa isang sikat na publishing company dito sa Pilipinas.

“Seryoso ‘yon, ah.” Natatawa kong tugon.

“So, kumusta naman kayo ni Marco?” Usisa ni Athena.

“Malabo na kami. Malabo pa sa sabaw ng adobong pusit.” Tugon ko. “Tama kayo, guys, may inililihim nga siya sa akin at ngayon ko lang natuklasan.”

“Bakla siya?” Si Aria. Kasalukuyan akong umiinom ng coffee kaya bahagya pa akong napaso.

“Hindi, g*ga.” Natatawang tugon ko. “Lalaking-lalaki ‘yon.”

“Eh, ano?”

“May asawa na siya at ang mas worse eh, inaway pa ako ng asawa niya.”

“Sinasabi ko na, eh. G*go talaga ‘yon.” Si Athena. “Saan ka ba naman nakakita na every time na magpi-picture taking tayo’y ayaw n’yang sumama. Tila ba takot na takot sa camera.”

“Yeah. Tama ka riyan, Athena. Napansin mo rin pala ‘yon.” Natatawang sabi ni Aria bago ito nakipag-apir pa kay Athena.

“Ang totoo n’yan ay parang gusto ko na ngang magpakamatay, eh.” Pagkuwa’y turan ko na ikinataas ng kilay nina Aria at Keera at ikinasimangot naman ni Athena.

“Talaga ba? Gusto mo ako na ang papatay sa’yo ngayon, Myks?” Turan ni Athena na ikinatawa ko.

“Grabe ka sa akin, Athena.”

“Grabe ka rin kasi. Ayaw mong magtino, eh.”

“O, sige, from now on, burado na ang mga lalaki sa buhay ko.”

“Babae na lang, Myks.” Nakangising turan ni Aria.

“P’wede rin.” Natatawa ring tugon ko. “Pero seryoso, girls, ayaw ko na talagang manlalaki ngayon. Magseseryoso na lang ako sa trabaho.”

“Ganito na lang, para siguradong hindi ka na manlalaki, every time na makikita ka naming haharot sa lalaki ay paparusahan ka namin.” Suhestiyon ni Aria.

“Anong parusa ‘yan?” Nakataas ang kilay na tanong ko habang tumatawa ‘yong tatlo. “Utang na loob, huwag namang latigo ha kasi baka magkalatay naman ‘tong gorgeous body ko.”

“Hindi latigo. Kaltos lang.” Turan ni Athena.

“Ayaw ko nga. Ang sakit-sakit mo mangaltos diyan, eh.”

“Ganito na lang, may napanuod kasi ako dati. Sa t’wing nakagagawa siyang kasalanan ay nagbibigay siya ng pera sa kaibigan niya.” Suhestiyon ni Keera. “What do you think, guys?”

“I love that idea.” Agad na sang-ayon ni Aria.

“Ako rin.” Nakangising turan ni Athena. “Yayaman tayo n’yan, guys.”

“Talagang ako pa ‘tong pe-perahan n’yo ha. Kayo ‘tong mayayaman diyan, eh.” Natatawang turan ko sa kanila. “Kumusta naman ang mga asawa ng magkapatid na Alejandro. Eh, kahit hindi na kayo magtrabaho’y tiyak na buhay na buhay pa rin kayo.”

“Naku po, hindi p’wedeng hindi ako magtatrabaho dahil tiyak na kapag hindi ako pumasok ay tiyak na hindi na rin papasok ng opisina si Levi.” Natatawang sabi ni Athena. Magkapatid ang asawa nito at asawa ni Keera.

“Malamang dahil tiyak na sa’yo na siya papasok oras-oras.” Turan ko na ikinahagalpak ng tawa nina Keera at Aria.

“Ang bastos mo, Myks.” Namumulang sita sa akin ni Athena.

“Anong bastos do’n? ‘Yang isip mo ang bastos.”

“’Yong isip ko pa talaga ha.” Tugon nitong inirapan ako. “Pero, Myks, maganda talaga ‘yong suggestion ni Keera-ra. At least, mamo-motivate ka na huwag ka nang manlalaki kasi tiyak na mamumulubi ka.”

“Okay, sige. Payag na ako, pero magkano ba ‘yong fine ko kung sakali?”

“One thousand.” Korong tugon nilang tatlo.

“One thousand?” OA kong reaksiyon. “Ano ako, si Aria na balewala ang one thousand pesos? Ang hirap kayang kitain ng isang libo.”

“G*ga!” Turan sa akin ni Aria. “Motivation nga ito, eh. Hindi ka naman namin kukunan ng one thousand pesos kung hindi ka haharot.”

“Tama.” Sabay na sang-ayon nina Keera and Athena.

“Sige na nga. Payag na ako.” Napipilitang turan ko. Mas mainam na rin siguro iyon para makaiwas na rin ako sa mga manlolokong lalaki. “From now on, burado na ang mga lalaki sa buhay ko. Seryoso na ito.”

“That’s right.” Athena said at bahagya nitong iniangat ang sariling tasa nito. “Cheers!”

“Cheers!”

Ilang minuto rin ang lumipas. Masaya kaming nagkuwentuhan at nagtawanan ang mga kaibigan ko. Sobra ko silang na-miss. High school pa lang ako’y kasama ko na sila kaya nama’y parang magkakapatid na ang turingan namin sa isa’t-isa. ‘Yong tipong, ang problema nang isa ay problema ng lahat.

“Bathroom lang ako, girls.” Paalam ko sa kanila nang tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nang matapos akong magbanyo at pabalik na ako sa mga kaibigan ko’y hindi sinasadyang nabangga ako sa isang guwapong lalaki. Gosh! Kahinaan ko pa naman ang guwapo.

“Sorry, Miss.” Turan nitong nakangiti. “You alright?”

“Yeah. I’m alright.” Tugon kong nakangiti rin dito.

“Okay. That’s good.” Turan nitong kinindatan pa ako bago tumalikod kaya mas lalo akong napangiti. Sinundan ko pa ito nang tingin hanggang sa makalabas na ito ng shop.

Pagbalik ko sa table namin ng mga kaibigan ko’y tahimik na nakalahad ang mga palad ng mga ito habang nakatingin sa akin kaya bigla akong natawa.

“Amin na ang one thousand pesos.” Sabay-sabay na turan ng mga ito.

“Teka lang, start na ba ‘yon? Hindi ba p’wedeng bukas na lang?”

“Ano ka, huwag kang madaya, Myks. Ikaw ‘tong nagsabi na from now on, eh burado na ang mga lalaki sa buhay mo, pero kung sundan mo nang tingin ‘yong lalaki kanina ay parang gusto mo na s’yang kainin.” Turan ni Athena kaya naiiling na lang ako nang maghanap ako ng isang libo sa loob ng handbag ko.

“Parang wala yata akong pera ngayon.” Natatawa kong sabi bago ako naga-atubiling iniabot sa kanila ang isang libo.

“Yehey!” Tuwang-tuwang sabi ni Aria. “Makakaipon talaga tayo nito, guys.”

“Exactly.” Natatawang sabi ni Keera.

Oh, my gosh! Napasubo yata ako ah, dahil sa tingin ko’y hindi ko makakayang mabuhay ng walang kaharutan.

-----

To be continued.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status