Maraming salamat sa inyong pagtangkilik ng kwento ni Joseph at Carmela♥️
Masakit para kay Lucy ang kanyang mga narinig ngunit inalis niya 'yon sa puso niya. Para sa kanya ay hindi deserve ni Bernadette ang kanyang anak lalo na at nanggaling pa ito kay Alexander na isang lalaking mukhang pera."Hindi mo ako maalis sa iyong buhay bilang ina, ako ang nagsilang sa'yo at bumuhay sa'yo," naiiling na sabi ni Lucy. Ang kanyang asawa naman ay nakatingin lamang kay Enrique.Pakiramdam niya ay siya rin ang kanyang anak ng panahon na ipinilit siyang ipakasal ng kanyang ina kahit may mahal siyang iba. Napaiwas ng tingin si Patricio ng maalala ang sakit sa kanyang nakaraan."Kung akala mo ay hindi ko kaya, papatunayan ko sa'yo na kaya ko mismo, ginagawa ko ito upang tulungan si Karina, hindi para sa'yo," matigas na linya na sabi ni Enrique. Nagkaroon ng galit ang mukha ni Lucy habang nakatingin sa kanyang anak."Talaga? Alam ko na mahal mo talaga si Karina, buntis siya ngayon at kailangan mo siyang panagutan," galit na sabi ni Lucy at umalis na lamang. Nanginginig naman
"Kung akala mo ay nandito ako para itigil ang kasal mo ay nagkakamali ka," biglang sabi ni Bernadette. Inunahan niya na agad si Enrique, galit siya sa lalaking ito. Sa ginawa nito sa kanya na parang itinapon siya na parang basura."Talaga? Alam ko naman na ayaw mo akong magpakasal eh," mahinang sabi ni Enrique. Hindi niya mapigilan na tingnan ang kabuuan ni Bernadette na masyadong elegante sa kanyang suot."So, bakit ka naparito kung wala ka naman pala na balak na itigil ang kasal ko?" malungkot na tanong ni Enrique sa kanya. Tumawa si Bernadette at pinakita na malakas siya kahit ang totoo ay gusto niya na naman ang umiyak at suntukin ang lalaking nasa harapan niya."Gusto kong makita kung paano ka magpakasal sa taong hindi mo alam at sisiguraduhin ko na hindi ka magiging masaya. Habang ako sasaya sa piling ng iba," madiin na sabi ni Bernadette. Nakaramdam naman ng kirot si Enrique sa kanyang puso dahil alam niya na mangyayari ang gusto ni Bernadette ."Gusto kong makita mo ako na mas
After one week,"Oh, bakit nandito ka pa?" tanong ni Ezekiel kay Carmela ng makita niya ito sa waiting shed. Bumuntong hininga si Carmela sa kanya saka malungkot na napatingin sa kawalan. Masyado na rin busy si Joseph dahil marami itong group project."Hinihintay ko pa si Joseph eh," sagot ni Carmela kay Ezekiel. Tumango naman si Ezekiel sa kanya saka sinamahan siya sa pag-upo."Oh, hindi ba bati na kayo ni Joseph?" tanong ni Ezekiel. Tumango naman si Carmela."Mag-isang linggo na ng magkabati kami ang kaso busy na ngayon si Joseph sa mga group projects niya," paliwanag ni Carmela. Tumango naman si Ezekiel sa kanya at saka tumingin din sa kanyang harapan.Wala na masyadong estudyante at masyadong tahimik na ang eskwelahan. Kinuha ni Carmela ang kanyang cellphone saka tinawagan si Joseph. Ilang beses muna itong nag-ring saka sinagot ang tawag niya."Hello, Joseph," bungad ni Carmela. Hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya. Narinig ni Carmela na may tumikhim."Pasensya na wala si Jos
Nagulat si Carmela ng nauna pala si Joseph sa kanya papunta sa bahay nila. Masama ang tingin nito sa kanya na parang siya pa ang may ginawang kababalaghan sa likod nito."Bakit ka hinatid ni Ezekiel dito?" malamig na tanong ni Joseph. Lumingon ito kay Carmela na parang winawarningan ito."Nagpahatid ako dahil ang tagal mo dumating, walang taxi na masyado ang dumadaan doon ng ganoong oras," dahilan ni Carmela. Hindi niya muna sasabihin ang nalaman niya."Oh, talaga? maniniwala ba ako sa sinasabi mo? dumating ako sa eskwelahan mo pero may nakita akong taxi ng oras na 'yon!" pasigaw na sabi ni Joseph. Lumapit siya kay Carmela at saka masama itong tiningnan."So anong pinupunto mo, Joseph?" tanong ni Carmela, tinawag na niya ito sa kanyang pangalan.Huminga ng malalim si Joseph saka agresibong sinabunutan ang kanyang sarili. Na-stress siya sa groupings nila dahil panay ang kulit sa kanya ni Ayana tapos ng papaalis na siya ay naiwala pa niya ang kanyang cellphone. Hindi na niya natawagan tu
Hindi naman umimik si Carmela ng niyakap siya ni Joseph habang umiiyak. Narinig niya lang ang hagulgol nito habang itinatago sa kanyang dibdib ang mukha nito."H-Huwag mo ng uulitin ito please, hindi ko alam bakit ka nagkakaganito pero ayaw ko na umalis ka sa akin," umiiyak na sabi ni Joseph. Tumingala si Carmela saka pinigilan ang kanyang luha.Pakiramdam niya ay ang sama niyang tao upang paiyakin ang asawa niya. Gusto niya lang malaman ang totoo kailangan niyang mahanap ang cellphone ni Joseph."Oh, tumigil ka na kakaiyak," alo ni Carmela sa kanya, umiling naman si Joseph saka mas niyakap siya ng mahigpit."Mahal kita, babe!" hirap na sabi ni Joseph. Hinaplos naman ni Carmela ang buhok niya. Huminga siya ng malalim at pilit kinakalimutan ang lahat ng narinig niya sa eskwelahan ni Joseph.Iniisip niya na baka hindi Joseph 'yon, na hindi nito magagawa ang lahat ng iyon sa kanya."Oh, hindi ka man lang magsabi na mahal mo rin ako? Ano ba talaga!" inarte na sabi ni Joseph. Napasigaw na
"Ayana, anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong agad ni Joseph. Ngumiti ng malambing si Ayana sa kanya at hindi na pinansin si Carmela na nanglalaki ang mata ng marinig ang pangalan niya."Ito si Ayana? Ito ang babaeng sumagot ng tawag ko kay Joseph," wika ni Carmela sa kanyang utak."Talaga ngang dito ka na nakatira, mamahalin ang mga bahay rito hindi ba? Nakakatuwa naman," malambing na sabi ni Ayana. Kulang na lamang ay kuminang ang kanyang mga mata habang sinasabi ang mga iyon."Ano ba kasing ginagawa mo rito?" inis na tanong ni Joseph. Naiirita na siya dahil hindi na siya tinitigilan nito ngayon naman ay alam na nito ang bahay niya."Oh, bakit ka ba nagagalit sa akin? Girlfriend mo ako hindi ba?" wala sa wisyong sabi ni Ayana. Napakunot naman ang noo ni Carmela saka masamang tumingin sa kanyang asawa."Ano bang pinagsasabi mo ha? hindi naman tayo at saka may asawa na ako," galit na sabi ni Joseph. Tumawa ng pagak si Ayana ngunit may galit sa kanyang mga mata."Ganoon ba? akala
Malakas na pagbagsak ng kutsarat tinidor na hawak ni Darwin ang narinig sa buong kitchen area. Huminga ito ng malalim saka napasulyap kay Grasya na nakaawang ang labi habang nakatingin sa kanya.Tumikhim si Darwin sabay bawi ng tingin kay Grasya. Pakiramdam niya ay namumula ang kanyang mukha sa kahihiya."Pasensya na, nabagsak ko ang utensils," mahinang sabi ni Darwin na ikinatango ni Grasya. Napakagat naman si Grasya sa kanyang labi ng palihim. Gusto niya kasing matawa kay Darwin dahil nakasambakol ang mata nito."Okay lang, mabuti na lamang at hindi nagulat si Sharwin," sabi ni Grasya. Lumingon siya sa kanyang anak na busy tumitig sa kanya. Bumungisngis pa ang baby na si Sharwin at mukhang nagpapa-cute pa sa nanay niya na si Grasya."So, may nangliligaw pala sa'yo sa inyong eskwelahan," mahinang sabi ni Darwin saka tumikim ng bacon na kinakain niya. Nanggigil siya sa bacon na kinakain niya at hindi niya alam bakit."Sa totoo lang, oo, marami sila pero sinasabi ko naman na wala ako
Si Bernadette naman ay nakasimangot dahil kasama na naman niya si Lance. Nakangisi lamang ang lalaki sa kanya at parang nagpapa-cute pa sa harapan niya."Tigilan mo nga ako! Hindi ka cute sa paningin ko," galit na sabi ni Bernadette saka humigop ng kape na paborito niya. Masyadong naging blooming lalo si Bernadette simula ng hindi na niya iniisip si Enrique."Ang ganda mo kasi," biglang sabi ni Lance na saktong humihigop siya ng kape kaya napaubo siya. Masama siyang tumingin kay Lance dahil sa sinabi nito. Para sa kanya ay hindi man lang ito nagbigay ng warning na pupurihin siya nito? Alam naman niya na maganda siya at simula pa ng pinanganak siya. Marami na rin ang nagsabi kaya hindi niya kailangan si Lance upang i-inform siya at hindi naman niya nakakalimutan iyon."Oh, unang beses ka lang ba nasabihan ng maganda kung maka-react ka naman," nakangusong sabi ni Lance. Kinuha niya ang kape ni Bernadette saka tumikim ng kape nito. Pinanglakihan naman siya ni Bernadette ng mata dahil sa