Share

Chapter 150: Matthew and Matty

“Mommy!” sigaw ni Lucas ng nakita niya si Carmela na papasok sa bahay nila. Nagpaiwan si Matthew sa kotse nito dahil ayaw pa niya makita si Alexander.

“Bakit gising ka pa? Nasaan si lolo at lola?” tanong ni Carmela sa kanyang anak. Binuhat niya ito saka siya napangiti ng nakita niya ang ka-cute-an nito.

Sa una ay kamukha niya si Lucas ngunit katagalan ay kamukha ito ni Joseph. Napanguso naman si Lucas dahil tumakas na naman siya sa kanyang lolo at lola.

“Ahh! Lucas, nasaan ka na ba?” malakas na sigaw ni Alexander.

“Ikaw kasi! Kapag nawala ang apo natin ay hindi kita mapapatawad, Alexander,” galit na sigaw ng mommy ni Carmela sabay hinampas ang asawa ng malakas.

“Ang apo ko! Hindi ako makakatulog kapag hindi siya nakita,” naiiyak na sabi ng mommy ni Carmela ngunit biglang umurong ang luha nito ng nakita niya si Lucas na buhat ni Carmela.

“Lucas, hindi tama 'yong ginawa mo, apo!” inis na sabi ni Alexander. Pakiramdam niya ay uubanin na siya sa kakulitan ni Lucas. Gusto na niyang paluin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status