Nagtataka si Carmela kung bakit nakabusangot si Joseph sa harapan niya. Masama ang tingin nito kay Darwin na akala mo mananapak.Si Darwin naman ay napapangisi sa inaasta ng kanyang kaibigan. Alam naman niya na inis si Joseph sa kanya lalo na't nakisabay siya sa pagkain ng dalawa.Napanguso siya ng sabay nilang nabuksan ni Carmela ang favorite nilang cupcake. Napakunot naman si Joseph sa inis na naman."Wow! Ibang klase talaga ang true love kahit sa cupcake parehas pa." asar na sabi ni Joseph. Inagaw niya ang cupcake na hawak ni Carmela at biglang nilamon ng isang buo.Natatawa naman si Darwin sa kanya.Halos maubo si Joseph sa ginawa niya! Hindi niya alam na medyo kumakapit pala ang cupcake na 'yon sa ngala-ngala. Nakasimangot naman si Carmela na nakatingin sa kanya."Palitan mo 'yong cupcake ko!" galit na sabi ni Carmela. Naiinis siya sa inaasta ni Joseph! Napaka-isip bata."Ayaw ko nga! Bakit ba pa
Hindi alam ni Joseph kung anong mararamdaman halos hindi kasi umiimik si Carmela sa kanya. Bago pa sila makauwi ay nginitian pa siya ng pilit ni Darwin. "Kaya mo 'yan bro!" anya ni Darwin at mabilis na umalis na akala mo ay si Flash!Napasulyap si Joseph sa kanyang asawa. Nakatingin lang ito sa kawalan na akala mo may iniisip. Alam ni Joseph na galit ito sa kanya!Hindi pa nga sila umaamin sa isat isa mukhang may LQ na agad sila. Kinakabahan si Joseph, daig niya pa ang lalaking under de saya! "Babe." tawag niya kay Carmela. Tumingin naman si Carmela gamit ang kanyang matalim na mata. Napalunok si Joseph, naiimagine niya kasi na may lumalabas na powers sa mata ni Carmela. Daig pa nito ang nag-rasenggan."Babe, let me explain please." maamong sabi niya kanyang asawa.Hindi naman alam ni Carmela ang magiging reaksyon niya. Hindi naman umaamin si Joseph na mahal siya nito kaya ano ba ang nararamdaman niya.
Nakangiti si Carmela habang nakatingin sa kotse na ibinigay ng kanyang byenan. Nakita niya si Joseph na napanganga sa kanya. "How? Paano mo napapayag si daddy na bilhan ako ng kotse?" Joseph asked her.Hindi makapaniwala si Joseph dahil halos sundin niya ang kanyang daddy para mabigay lang ang kotse na gusto niya. His father brought an expensive car dahil sinabi lang ni Carmela!Seryosong tao ang daddy niya at halos lahat ng tao takot. Kahit si Darwin na kaibigan niya ay nai-intimidate sa kanyang daddy."I don't know. Sinabi ko lang na bilhan ka ng kotse and voila. Nandito na!" walang bakas na pagmamalaki ni Carmela. Napailing si Joseph.Nakita niya si Hansel na papalapit sa kanila at yumuko pa ito kay Carmela."Ma'am Carmela, natuwa sa'yo lalo si Mr. Villanueva kaya binili niya ang gustong kotse ni Joseph para sa'yo." nakangiting sabi ni Hansel. Alam naman kasi ni Hansel ang nangyari at hanga siya sa ginawa ng da
Ilang araw ng pinag-iisipan ni Joseph kung paano siya aamin sa kanyang asawa. Natotorpe siya kaya mas lalo siyang naiinis dahil hindi naman siya duwag pagdating sa babae.Siguro dahil may gusto naman na talaga siya kay Carmela kaya mahalaga kung ano nga ba ang magiging sagot ng kanyang asawa sa kanya.Napakurap siya ng makita niya si Darwin na pinitikan siya. Napakunot ang kanyang noo sa inis, ilang araw na siyang tulala at wala sa ayos."Bro! Anong problema ba? Malay mo matulungan kita." nag-aalalang sabi ni Darwin.Isip ni Darwin na mukhang lumalala ang kaibigan niya. Mukhang gutom yata ito at kanina pa na nakatulala. Nakatitig lang siya kay Joseph kanina pa ang kaso may sariling mundo ang kaibigan niya."Wala." matamlay na sagot ni Joseph sa kanya. Bumuntong-hininga siya."Bro, tungkol ba ito kay Carmela? Ano ba ang balak mo? Malay mo makatulong ako sa'yo." mahinang sabi ni Darwin kay Joseph.Hindi alam ni Joseph
Bumalik si Joseph at Darwin sa kanilang lamesa, dala-dala ang mga pagkain nila. Nakasimangot si Joseph dahil sa mukha ni Enrique na kinukulit ang kanyang asawa sa harapan niya. "Thank you, bro!" pasalamat ni Enrique kay Darwin dahil ito ang nanglibre ng pagkain niya. "Bro mo mukha mo! Inaagaw mo na nga ang asawa ko sa akin, pati kaibigan ko inaagaw mo." inis na sabi ni Joseph. Masama pa itong tumingin kay Enrique na nakangisi sa kanya. Takot ba siyang maagawan? Hindi! "Grabe ka naman! Wala ka bang tiwala sa asawa at kaibigan mo? Kahit agawin ko sila, magpapaagaw ba sila? totoo nga na medyo kulang ka rito." anya ni Enrique sabay turo sa kanyang sentido. "Hindi ako tanga kung 'yan ang sinasabi mo." inis na sabi ni Joseph. Ngumisi si Enrique na naman sa kanya. "Na-gets mo pala 'yon? ang galing haha!" natatawang sabi ni Enrique sabay kain ng pagkain na binili ni Darwin. Sinenyasan ni Darwin si Joseph na tumahimik na lamang. Inis siyang huminto at kumain na lamang. Nagulat siya ng b
Napalingon si Martin sa entrance door ng coffee shop. Hinihintay niya si Carmela na dumating. Mabuti na lamang at nagkaroon siya ng kikitain sa Pilipinas kaya hindi maghihinala si Bernadette sa ginagawa niya.Halos kapusin siya ng hininga ng nakita niya si Carmela. Nakaramdam siya ng pag-iinit na tanging ang dalaga lamang ang nakakagawa niyon sa kanya."Carmela!" tawag niya sa babae. Halos hindi maalis ang tingin niya na akala mo bigla na lamang mawawala ang babae."Martin." nakangiting tawag din ni Carmela sa kanya. Hindi mapigilan ni Martin na hagurin ang buong katawan ni Carmela. Naiinis siya dahil bakit mas lalong gumanda ito sa kanyang paningin?Tumayo siya upang salubungin niya ito at niyakap ng mahigpit si Carmela. Naamoy niya pa ang mabangong pabango ng babae na mas ikina-alerto ng kanyang katawan."Kailan ka pa nandito? Si Bernadette?" tanong ni Carmela sa kanya. Napabuntong hininga siya. "Nasa Amerika pa siya
Hindi alam ni Carmela kung bakit siya kinakabahan. Wala silang pasok ng ilang araw kaya nagdesisyon si Joseph na magbakasyon sila. Hindi niya alam kung ano nga ba ang balak ni Joseph ngayon.Si Joseph naman ay daig pa ang maiihi sa kanyang saluwal. Hindi siya mapakali dahil sa plano niya. Iniisip niya kung ano nga ba ang magiging reaksyon ng kanyang asawa."Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Carmela sa kanya. Napakagat siya sa kanyang labi dahil kinakabahan siya."Basta! Huwag kang mag-alala magugustuhan mo rin naman kung saan tayo pupunta." mayabang na sabi niya. Lihim siya nagpapasalamat sa kanyang sarili na hindi man lamang siya nautal."Hindi naman tayo mangingibang bansa hindi ba?" tanong na naman ni Carmela. Napasulyap si Joseph sa kanya na may pagpigil na ngiti sa kanyang labi."Hindi, sa Pilipinas lang din haha! Sa gwapo kong ito mukha ba akong kidnaper babe." malambing na sabi niya. Lumalakas ang tibok ng kanyang puso habang s
WARNING SPG!!---Niyakap ng mahigpit ni Carmela si Joseph ngunit hindi naalis ang magkalapat nilang labi. Naging mapusok at mapaghanap ang mga halik ni Joseph sa kanya. Napakapit siya lalo sa kanyang asawa dahil parang hinihigop nito ang kanyang lakas. Naramdaman niya ang pag-iinit sa kanyang katawan ngunit hindi niya mawari kung ano 'yon. Itinulak siya ni Joseph at hinihingal sila pareho. Nakatitig lamang sila sa isat isa. "Babe. Stop na natin ito baka kasi ano pa ang magawa ko." labag sa kalooban na sabi ni Joseph sa kanya. Gusto ng purihin ni Joseph ang kanyang sarili. Kailan pa siya natuto na umayaw sa grasya?Nakita niya ang pagpula lalo ng labi ni Carmela kaya napalunok siya. Hinalikan niya ulit ito at tumugon naman si Carmela sa kanyang mapaghanap na halik. Binuhat niya si Carmela habang hindi inaalis ang paglapat ng kanilang mga labi. Hindi alam ni Carmela kung bakit napasabunot siya sa buhok ni Joseph