Napahikbi si Bernadette habang inaayos ang kanyang mga gamit. Nakatingin lamang sa kanya si Martin ng walang makikitaan na kahit anong emosyon. Galit na tumingin si Bernadette kay Martin. Hindi niya matanggap na sa inosenteng mukha ni Martin ay nagawa siya nitong tratuhin bilang basura."Asshole!" sigaw ni Bernadette habang pumapatak ang luha niya. Umalis na ang babaeng kasiping ni Martin kanina at nagulat siya na isa pala itong kilala na modelo sa Amerika."Matagal na. Sadyang bulag ka lang. Una pa lang ayaw ko na sa'yo." anya ni Martin na mas ikinasakit ng puso niya. Bata pa lamang ay mahal niya na si Martin, kahit nagkaboyfriend siya dati ay si Martin pa rin ang gusto niya. Ginawa niya ang lahat para mapansin siya nito. "Akala ko ba mahal mo ako?" mahinang tanong ni Bernadette halos sipunin na siya dahil sa pag-iyak."Hindi kita minahal, at hinding-hindi kita mamahalin. At sigurado ako na alam mo kung bakit? Ginamit la
Naunang magising si Carmela kaysa kay Joseph kaya naghanda na siya agad ng iaalmusal nila. Mga tanghali ay babyahe na sila papauwi kaya kailangan makakain muna sila bago umuwi.Napatingin si Carmela sa kanyang singsing. Mabuti na lamang ay maayos na sila ni Joseph at may label na sila.Napasulyap siya ng makita si Joseph na nakasimangot habang nakatingin sa kanya. Nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis."Bakit ka nakasimangot?" nagtatakang tanong niya. Umupo si Joseph ng malungkot ang mukha."Napaginipan ko kasi na maghihiwalay na raw tayo. Umalis ka raw, iniwan mo ako. Umiiyak daw ako tapos nagmakaawa ako sa'yo na huwag mo akong iwan. Nakipaghiwalay ka raw sa akin. Hays, tapos paggising ko wala ka sa tabi ko! Natakot ako!" maktol na kwento ni Joseph, lumapit siya agad kay Carmela sabay yakap."Nakakainis ka babe." bulong niya kay Carmela tapos pasimpleng kinagat ang balikat nito kaya pinektusan siya ni Carmela.
Pabagsak na binitawan ni Joseph ang hawak niyang kutsara't tinidor. Nagkaroon ng katahimikan sa hapag-kainan. Napasulyap ang mommy ni Carmela sa kanyang asawa at dismayado itong tumingin."Dad? Seryoso ka po ba sa sinasabi mo?" malungkot na tanong ni Carmela. Nag-igting ang panga ni Joseph sa sobrang galit."Oo, at saka ayaw mo naman talaga magpakasal hindi ba? Ginawa mo lang ito para hindi ako makulong. Carmela, nandito na si Bernadette kinausap niya na ako na naiintindihan niya na ang dapat mangyari." malumanay na sabi ni Alexander.Pinigilan ni Carmela ang maluha sa mga sinabi ng kanyang daddy. All this time, ganito pa rin ang trato nito sa kanya. Pinapalabas lang na concern sa kanya kahit mas concern ito sa future ni Bernadette."Tingin niyo po ba sa akin walang karapatan magdesisyon sa sarili ko?" pagalit na tanong ni Joseph. Masama itong tumingin kay Alexander.Tumikhim si Alexander at pasimpleng pinunasan ng table napkin ang k
Niyakap ni Joseph si Carmela ng mahigpit. Nakita niyang nagising ito kaya napangiti siya."Babe, balak ko sana na pumunta kay daddy mamaya." anya ni Joseph. Gumising siya talaga ng maaga upang makapunta agad sa kanyang ama. Gusto niya itong makausap dahil alam niyang ipipilit ng daddy ni Carmela ang gusto nito."Gusto mo ba na samahan kita na kausapin si daddy?" malambing na tanong ni Carmela. Biglang kinilig naman si Joseph dahil sa pagtawag ng 'daddy' ng kanyang asawa sa kanyang ama."Gusto ko magpahinga ka na muna. Mamaya pala buntis ka hindi ba?" bulong ni Joseph. Napasimangot si Carmela dahil ilang linggo lang naman simula ng ginawa nila 'yon."Tigilan mo nga ako, Joseph." iritableng saway niya kay Joseph. Ngumisi lamang si Joseph sa kanya."Totoo naman eh sigurado ako babe. Tandaan mo, mga sperm cells ko ang usapan natin dito! Hindi ako magpapaapi." eksaheradong sabi niya sabay tawa.Nailing na lang
Hindi alam ni Carmela kung bakit nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Kinakabahan siya at pinagpapawisan. Hapon na at hindi siya mapakali dahil wala si Joseph.Inayos niya ang mga sangkap para sa kanyang lulutuin. Narinig niya na tumunog ang cell phone niya at nakita niya ang pangalan ni Darwin. Sinagot niya agad ito."Carmela, nand'yan ba si Joseph?" agad na tanong ni Darwin. Humihinga ito ng malalim."Wala eh bakit? Mamaya sasabihin ko kapag umuwi na siya." sagot ni Darwin. Narinig niya ang mahihinang pagmumura ni Darwin na masyadong bago sa kanya."Carmela, pwede ba na kausapin ko si Joseph mamaya?" tanong ni Darwin sa kanya. Naguguluhan si Carmela dahil hindi niya alam kung bakit ganito ito umasta."Darwin, may nangyari ba?" tanong ni Carmela. Seryoso ang kanyang boses ngunit natatakot siya."Wa-wala naman." nauutal na sagot ni Darwin. Napakunot ang noo ni Carmela dahil nararamdaman niya na ma
Napatingin si Carmela sa kanyang kapatid na humihikbi. Nagkapatawaran na sila ng kanyang kapatid na si Bernadette. Niyakap niya si Bernadette upang maramdaman nito na may kasama siya."Don't worry, kakausapin ko sila daddy tungkol dito. Makasarili ako, Carmela. Nakalimutan kong magpaka-ate sa'yo dahil sa letcheng si Martin." gigil na sabi ni Bernadette. Totoo naman ang sinasabi nito, para sa kanya isang malaking hadlang si Carmela sa kanilang dalawa."Naiintindihan ko. Nagmamahal ka lang, Bernadette. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo." pag-aalo ni Carmela na mas lalong ikinaiyak ng kanyang kapatid."Ano ka ba! Pwede kang magalit sa akin. Hindi naman ako magagalit." biro ni Bernadette. Natawa tuloy si Carmela. Naglakad ito papasok sa kusina at kumuha ng tubig."Bernadette, para saan pa kung magagalit ako? May mangyayari ba kapag sinaktan kita o magtanim ako ng galit sa'yo. Ito na nga eh, pangarap ko na sana maging close tayo at mahalin niyo ako
Nagising si Carmela ngunit hindi pa rin umuuwi si Joseph. Napasulyap siya sa kanyang bintana at nakita niya na umaga na. Tiningnan niya ang kanyang cellphone upang makita kung may tawag ba o reply si Joseph sa kanya ngunit wala pa rin.Nakaramdam siya ng pag-aalala. Nasaan ba si Joseph? Naaksidente ba ito?Kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ni Darwin sa kanyang called logs. Tinawagan niya agad si Darwin ngunit kahit ito ay hindi sinasagot ang kanyang tawag. Tinawagan niya ulit ang numero ni Joseph ngunit nakapatay pa rin ang cellphone nito.Huminga ng malalim si Carmela."Nasaan ka na ba, Joseph? Sumusuko ka na ba sa akin? Ayaw mo na ba sa akin." bulong ni Carmela sa kanyang sarili. Lumabas siya sa kanyang kwarto at nakita niya si Bernadette na papalabas na rin."Hindi pa rin umuwi si Joseph?" tanong ni Bernadette. Malalim ang mga mata nito na parang hindi masyadong nakatulog."Hindi pa
Nagtataka na lamang si Enrique at Darwin dahil nakatulala lamang si Carmela pagkatapos niyang umiyak. Nagkatinginan na naman silang dalawa at saka nagsenyasan."Darwin! Kausapin mo nga siya." bossy na utos ni Enrique sa kanya. Napakunot naman ang noo ni Darwin sa inaasta nito."Hindi kita kaibigan para utusan ako." pagalit na sabi ni Darwin. Ngumisi si Enrique sa kanya saka kumindat, umakto naman na nasusuka si Darwin.Bumuntong-hininga siya sabay lapit kay Carmela. Nag-aalala siya at baka gutom na ito."Carmela, kumain ka muna." sabi ni Darwin sa kanya. Napasulyap sa kanya si Carmela sabay hawak sa kanyang pisngi."Bakit ang cute mo?" nagtatakang tanong ni Carmela. Nawala na agad ang lungkot sa mata nito at nagkaroon ng kasiyahan."Carmela, anong pinagsasabi mo? Hindi cute si Darwin." kontrabidang sabi ni Enrique, masamang tumingin si Carmela sa kanya."Halika nga rito." seryosong sabi niya. Lumapit naman si Enrique sa