Thank you for reading. Thank you for those giving gems and supporting this story of ICE and YUMI.
ICE Absent-mindedly ay kanina pa ako napapangiti habang nakatingin kay Mayumi at sa mga anak namin. Mabuti na lang at magagaling sina Ebony at Ivory magsalita ng English kahit ang mga kasama nila ay Greenlandic ang gamit na salita. Kanina pa na sila lang ang iniintindi ni Mayumi. At ang dalawang bata na kahit ngayon lang kami nakita ay agad nakagaanan ng loob ang mama nila. And who wouldn’t? Mayumi is a lovable person. Kahit sino ay madaling nakakapalagayan ng loob nito. Kung hindi nga raw siya pinalaki sa Incognito ay siguradong isa siyang preparatory teacher o pediatrician, she love kids. Iyon din ang rason kaya napalapit siya sa triplets, the three were her only family in Incognito before. “Mama…” narinig kong tawag ni Ivory sa atensyon ni Mayumi. “Where are we going to live after we leave here?” Napalingon sa akin si Mayumi. Nasa mga mata niya ang kalituhan sa isasagot. “Your… your father will surprise us,” she smiled to remove her worries at muli akong tiningnan. “Tama ba a
YUMI One month later… Rio de Janeiro, Brazil “You are perfectly beautiful, hija.” Nakangiti na lumalapit sa akin ang mama ni Ice. Si Doña Lavinia Andrade Ferreira. Napakaganda niya at hindi ko akalain na matatanggap naman niya ako agad para sa unico hijo niya. Doña Lavinia is already in her middle fifties but she aged like a fine wine. Kamukha niya si Ice at maging ang bunsong anak niyang prinsesa. Malapit na siya sa akin nang sumulpot sa likod niya sina Ivory at Ebony. They are the flower girls in the wedding. Yes, wedding. Today is my wedding to Ice. Sa wakas sabi pa nga ni Isidro kanina, sa wakas daw at matutuloy na rin. Biniro ko pa nga na pasalamat siya at napilit na niya akong pakasal. I never thought that I will be this happy. Tama nga naman. Paano malalaman kung hindi susubukan? Nang dumating kami rito sa Brazil ay nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga magulang ni Ice. Umalis siya ng bansa dahil sa sinasabi niyang misyon na kailangan niyang unahin. Nagtalo pa si I
ICE Today is the day. I take another look at the mirror to check my suit and it fits perfectly. Gusto ko nang makita si Mayumi pero ayaw pumayag ni Mama na puntahan ko siya sa kuwarto kung saan siya inaayusan at kinukuhaan ng mga pictures at video. Kanina ay may mga photographer at videographer din dito pero saglit lang naman ang pagko-cover sa akin. “Masyado ka nang guwapo. Bigay ko na ang araw na ‘to sa ‘yo.” Napalingon ako sa nagsalita. I chuckled at lumapit siya sa akin. He hugged me and I hugged him back. “Thanks, Patricio.” I tapped his back. “Salamat at dumating ka.” “Yeah, hindi kita matiis.” Natawa ako sa biro ni Trace sa seryosong tono. Gusto ko siyang kumustahin kaso baka imbes na okay pa ang mood niya ay mawalan na naman ng gana. Siya pa naman ang best man ko. “I’m with Paige.” “Nice. And Freya?” “Nauna kaming umalis ng Pilipinas ni Paige. May meeting pa siya sa Malacañan Palace ang kapatid mo. Prinsesa nga naman.” I smirked with that. Totoo naman na masyado
YUMI Kanina pa ako palakad-lakad sa labas ng operating room. Wala na akong luha na mailabas pa. I am worrying for Ice. Binalikan ko ang nangyari kanina. Ang masayang okasyon na ginulo ng mga taga-Incognito. Bakit ba ayaw nila akong tigilan? Matagal na akong nanahimik pero ayaw nila akong tigilan at ngayon ay lahat dinadamay na nila. “Mayumi…” lumapit sa akin ang mama ni Ice at hinawakan ako para maupo sa tabi niya. “We need to trust God and pray for Ice to survive. And I know my son, hindi ka niya iiwan nang gano’n na lang. Lalaban ‘yan para sa ‘yo.” Trust and pray to God? Napatitig ako kay Mama Lavinia. Gusto ko na itanong kung totoo ba talagang may Diyos? Naalala ko kasi noong bata pa ako… sa paniniwala ko na anak ako ng Diyos, na kahit anong hirap ko sa training ay ilang beses kong iniisip na nakaka-survive ako at patuloy na humihinga kasi anak nga ako ng Diyos, at may mga anghel na gumagabay sa akin. Paniniwala na habang lumalaki ako ay nawala unti-unti hanggang sa ayaw ko nang
ICE “What was that sigh for?” tanong ko kay Yumi na bumuntong hininga habang nakatingin sa ibaba. Lumakad ako palapit sa kaniya. Nakatingin siya sa kambal na nasa pool kasama ang mga yaya at naroon din sina mama at papa. May ilang tauhan ding nakabantay sa kanila. Ilang linggo na mula nang makalabas ako ng ospital. Nakakakilos na rin ako nang maayos at hindi na rin kumikirot ang inoperahan sa akin. Himala na nakaligtas na naman ako o siguro ay sadyang hindi ko pa talaga panahon. Pangatlong beses ko na ang mamuntikan mamatay. Una ay noong mabaril ako noong sixteen pa lang ako sa ambush na naganap sa amin ni papa. Pangalawa, noong nangyari ang pagsabog sa bahay ng mother ni Libby na nadamay sila ni Millie. At ito na nga ang pangatlo… I kissed Yumi's temple and pulled her closer to my body. "It's better if you share your thoughts with your gorgeous husband, I think," I said and Yumi chuckled, then gave me a side-eye glance. “Akala ko ay si Trace lang ang masyadong feeling guwapo sa in
YUMI “Mama, we like to eat fried chicken.” Ebony approached me, and Ivory followed next. “I will cook for you then.” I pinched their cheeks, and they pulled chairs and sat on it. Nasa kitchen kami at may ibi-bake ako. I will make a carrot cake at paborito nila iyon. “Where’s your papa?” tanong ko sa dalawa. “He was talking to Tito Trace with his phone and he seemed in a serious tone,” Ivory answered and smiled at me. “We decided to go here and help you instead of listening to Papa bantering and arguing with his cousin.” She giggled, and Ebony laughed with her, too. I smiled at them sweetly. Staring at them makes me want to give them a better life. At sa antas ng buhay na mayroon ang mga Ferreira ay kung materyal na bagay lang ay sobra-sobra na agad ang mayroon sila. I sighed thinking of Ferreira’s richness. Hindi ko alam kung ano ang trip ng mga byenan ko pero may tag-isang bilyon na agad ang mga anak ko na nasa pangalan nila. Hindi na sila maghihirap no matter what. But the
ICE Nakatingin ako sa labas. Nag-iisip kung ano ang dapat unahin. Dapat nakaraan pa kami bumiyahe ni Yumi pabalik ng Pilipinas pero inatake sa puso si papa. He is fine now pero dahil sa nangyari ay hindi kami pwedeng umalis agad dito sa Rio de Janeiro at wala akong maaasahan para sa FSO. “What’s on your mind, Isidro?” tanong sa akin ni Tio Anton na hindi pa pala nakalabas ng conference room, kung saan nagpaiwan muna talaga ako para makapag-isip ng mas tamang desisyon. “Nothing to worry, Tio Anton,” I answered his query. Pinaikot ko ang swivel chair na inuupuan para harapin siya. Narito si Tio Anton dahil sa meeting na pinatawag ko. Kakaalis lang ni Tio Michael at ni Brix. If only I could ask Brix to stay here in Rio for a while, I would had do it. But the problem is, nauna ang usapan nina Brix at Ali papuntang Italy para sunduin si Art na nandoon kay Rex. “I know there is a problem,” Tio Anton sighed. “Is it my son? Is it Atlas you are worrying about? Did Trace report somethin
YUMI “How much?” tanong ko sa tindera na ibinabalot na ang mga prutas na binili ko. Sinabi naman nito ang presyo at binayaran ko na. Kinuha ko na ang naibalot niyang mga prutas at saka ako umalis na sa tapat ng tindahan niya pagkatapos magpasalamat. Naglakad ako papunta sa parking lot. Naghihintay sa akin sina Ice at ang kambal doon sa sasakyan. Pabalik na sana kami sa mansion kaso natatakam ako sa mansanas. Hindi naman apples lang ang binili ko, bumili na rin ako ng grapes at oranges. Bumili na rin ako ng mga prutas na kabilang sa rare fruit sa bansang ito; ang açaí berries na tinatawag din nilang purple berries, ang jabuticaba na bilog-bilog ang itsura at tinatawag na Brazilian grape, ang maracujá na passion fruit, at ang cupuaçu na kulay brown na sinasabing related sa cacao. Malapit na ako sa sasakyan namin nang mapansin ko na wala ang mag-aama ko roon. Napakunot ang noo ko. Ipinatong ko na lang muna sa hood ng sasakyan ang mga pinamili ko at sumandal sa gilid niyon habang hi