Share

Chapter 39

“SINASADYA mo bang gawing complicated ang lahat?” kastigo ni Lukas kay Cataleya nang makaalis na ang ama nito sa opisina. May taglay na kabalasikan ang mukha nito habang magkasalubong ang mga makakapal na kilay nito.

Hindi naman siya nagpasindak dito, taas noo na tiningnan niya ito. “Ano na naman bang problema huh? Ayan ka naman sa pagiging unpredictable mo at hindi mo na lang ako diretsahin.”

“At sino ba ang hindi namomoroblema?” anito na bahagyang tumaas ang boses. “From the way you act in front of my father at kasama na doon ang mga sinasabi mo pa sa kanya.”

“Sinusunod ko lang naman ang nakasulat sa pinirmahan nating kontrata.” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Iniiwasan kong magkaroon ng breach at wala akong pambayad sa magiging danyos.”

“Pero ‘yung mga sinasabi mo kay Papa, aasahan niya iyon,” tugon nito na nagpipigil na magalit sa kanya. “Kilala ko siya Cataleya, inaasahan niya ang palabra de honor ng mga taong nakikilala sa kanya.”

Napailing siya saka nasapo niya ang sariling ulo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
bibigay ka din lukas
goodnovel comment avatar
Eckolohiya23
her wild side ...
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
whahahahha ano ka ngaun Lukas.. affected ka rin.. hayyysstt Cataleya, wag mo silang pansinin..be strong
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status