“Panty nga naay bulsa, panty nga naay magic holes ug naay garter na pang walastic, tag dyes, tag dyes! Palit namo, palit namo mga inday!”
Natawa si Destiny sa sigaw ng isang mama na nagbebenta ng ukay-ukay sa bahaging iyon ng main public market ng General santos city. Galing siya sa pwesto ng tiyahin sa looban ng palengke kung saan ito nagtitinda ng isda.Mahirap ang buhay. Ngunit sa bawat araw na nakikita ni Destiny ang mga tao sa public market na iyon na hindi alintana ang hirap at nagsusumikap upang makaraos sa araw-araw at upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya ng mga ito. Naging dahilan ang senaryo na iyun para sa kanya upang mas lalong magsumikap at magpakatatag alang-alang sa tinatawag na pamilya.Katulad ng mga tao na kumakayod sa public market na iyon. Isa siya sa mga ito na gagawin ang lahat alang-alang sa pamilya. Bigla ay sumagi sa isip niya ang kanyang nag-iisang kapatid.Ibinaba niya sa sa sementong lupa ang kanyang bitbit na plastic bag na puno ng pinambiling gulay.Hinugot niya ang cellphone sa bulsa ng suot na jogger pants at binuksan iyon. Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi ng bumungad sa kanya ang isang mukha na sobra niyang pinanabikan na muling makita.Tila siya nanalamin habang nakatitig sa wallpaper ng kanyang cellphone. “Serenity, sobrang miss na kita. Gusto na ulit kitang makita at mayakap.”Napahugot siya ng malalim na buntong hininga habang nanatiling nakapagkit sa labi ang matamis na ngiti. Tumingala siya sa langit. The day was gloomy. Makulimlim ang langit at tila anumang oras mula ngayon ay babagsak na ang ulan.Katulad ng mga mata na ngayon ay umiinit na ang magkabilang sulok. Ilang sandali lang ay babagsak na mula roon ang mga luha. Muli siyang tumingala pilit ibinabalik sa loob ng mga mata ang mga luha na gustong kumawala kasabay ng isang malalim na buntong hininga.‘Destiny may awa ang nasa itaas. Pasasaan ba at makaksama mong muli ang kapatid. Magtiwala ka lang.’Bulong niya sa sarili.Muli niyang isinuksok sa bulsa ng suot na jogger ang kanyang cellphone. Cellphone iyon na ni-regalo sa kanya ng kapatid noong nakaraang taon sa araw mismo ng kanilang kaarawan. Pinadala iyon ni Serenity sa kanya sa pamamagitan ng isang sikat na courier. Sobrang mahalaga sa kanya ang cellphone, dahil iyun lang ang tanging paraan upang makausap at makita ang kambal niya.Ngunit ngayong nakalipas na dalawang buwan, ay madalang nang tumatawag sa kanya ang kambal niya. Kadalasan ay puro text lang ang ginagawa nito. Ganun paman ay naiibsan kahit papaano ang kanyang pangungulila rito sa tuwing mababasa ang mensahe na pinapadala nito sa kanya.Ano kaya ang ginagawa ngayon ng kambal niya? Siguro may fashion show nanaman ito o di naman kaya ay may mga shooting ito sa mga sikat na magazine ‘di naman kaya ay advertisement ng ilang sikat na beauty products.Kaya siguro hindi na siya nagawang tawagan nito o ‘e-video call manlang. Marahil ay lagi itong pagod. ‘Hay!’ Kung pwede lang sana lakarin mula rito sa gensan ang manila ay ginawa na niya. Pupuntahan niya ang kambal ng sa gayon ay maalagaan nya ito.Sakitin ang kambal na si Serenity, dahilan kung kaya ibinigay ito ng ina sa kanilang ama. Nagmula sa isang mayamang pamilya ang kanilang ama at katulong ng mga ito ang kanyang ina.Nabuo sila ng kambal na si Serenity dahil sa isang gabing pagkakamali. Ng mabuntis ang kanyang ina ay umalis ito at nagpakalayo. Ngunit bago ito lumayo ay ipinaalam nito sa kanilang ama na ito ay nagdadalang tao.Limang taon sila ni Serenity noon ng matuklasan na may bukol sa puso si Serenity at kailangan itong operahan. Labag man sa loob ay muling bumalik ang kanyang ina sa tahanan ng mga Altamerano kung saan ito nanilbihan noon bilang katulong. Isang Altamerano ang kanyang ama at nag-iisang anak ito at tagapagmana ng isang malaking kompanya.Nagmakaawa ang kanyang ina na kupkupin ng mga ito si Serenity at ipagamot. Pumayag ang tunay na asawa ng kanyang ama. Ngunit kapalit noon ay ang tuluyan nilang paglayo ng ina.Kukupkupin ng mga Altamerano si Serenity, kapalit ay ang hindi nila pagpapakita ng kanyang ina sa kambal. Masakit man, ngunit walang nagawa ang ina kundi ang sundin ang gusto ng mga ito.Kasama ang kanyang dalawang tiyahin ay tumungo sila ng general santos kung saan ay hindi manlang maabot ng kanilang tanaw ang kanyang nag-iisang kapatid at kambal.Pagkalipas ng sampung taon ay namatay ang kanyang ina dahil sa komplikasyon sa sakit na diabetes. Sobrang sakit para sa kanya ang pagkawala ng ina. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagsulpot ng kambal sa araw mismo ng libing ng kanyang ina.Dinamayan nila pareho ang isa't-isa. Ang akala ng ina ay masama ang loob ng kambal sa kanila. Ngunit kabaliktaran iyon. Wala ni konting sama ng loob ang kambal. Bagkus ay nagpapasalamat ito sa kanila ng ina.Simula noon ay muli sila naging malapit sa isa't-isa ni Serenity. Pinaaral siya ng kambal sa kolehiyo at tinustusan ang lahat ng kanyang pangangailangan. Tinanggihan niya noong una ang alok ng kambal ngunit sadyang mapilit ito.Isang sikat na modelo si Serenity. Nagkalat ang lahat ng imahe nito sa malalaking billboards sa bansa. Madalas ay itinatago niya ang mukha lalo na kapag sa mataong lugar. Madalas kasi ay napagkakamalan siyang siya ay ang kanyang kambal.“Baby you're my destiny!”Natawa siya. Hindi na niya kailangan lingunin pa ang mapanuksong tinig na iyon. Kumakanta nanaman ang kaibigan na si Andoy. Ganito talaga ito sa tuwing nakikita siya.Sa halip ay itinuwid niya ang titig sa unahan at nagpatuloy sa paglalakad tungo sa paradahan ng mga tricycle. Ngunit natigil siya sa paglalakad.Isang lalaki ang nakatayo sa kanyang unahan at titig na titig ito sa kanya. Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Matangkad at matipuno ang lalaki, tila ito isang artista na madalas na makikita sa mga television dahil sa napakagwapo nitong mukhaMatangos ang ilong at may kakapalan ang mga kilay. Ang mga mga labi nito ay manipis at mapupula. Hindi ito kumukurap habang nakatitig sa kanya. Sa tantiya niya ay dalawang metro lang ang layo nito mula sa kanya dahil malinaw niyang nakikita ang mukha ito.“Serenity?” Bulalas ng lalaki.“No, no, no. Hindi siya si Serenity, siya ang aking Destiny!” Sansala ni Andoy, inakbayan siya nito sabay inagaw nito mula sa kanya ang bitbit na plastic na may laman na pinamiling mga gulay. “Akin na ‘to. Ihahatid na kita. Mahirap na baka bigla kang makidnap ng kung sino dyan dahil sa pag-aakala na ikaw si Serenity.”Makidnap? Yun din ang madalas na sinasabi sa kanya ng mga tiyahin. Ngunit hindi naman mukhang kidnaper ang mama na nasa kanyang harapan. Sobrang desente at gwapo nito para sa isang kidnaper. Hindi rin naman siguro siya nito kikidnapin sa mismong publikong lugar.Nakasakay na siya sa tricycle ni Andoy ngunit nakatitig parin siya sa lalaki. Inalis lang niya ang tingin sa lalaki ng tulutan itong nawala sa kanyang paningin. Bakit pakiramdam niya ay tila hindi siya nito napagkamalan bilang si Serenity? Bakit tila iba ang dating ng tono nang boses nito?“My, Destiny, wala kabang balak bumaba? Gusto mo bang sa bahay nalang kita dalhin? Siguradong matutuwa ang nanay ko sakali.”Napatingin siya sa paligid. Nasa tapat na nga pala siya ng kanilang bungalow na bahay. Hindi manlang niya namalayan na huminto na pala ang tricycle. Nakapagkit kasi sa isip niya ang mukha ng lalaki.Dumukot siya ng coins sa bulsa upang magbayad ng pamasahe. Ngunit mabilis na pinigilan ni Andoy ang kanyang kamay ng iabot niya rito ang apat na tig-singkong coins.“My Destiny, ilang beses ko ba sinabi sayo na ayaw kung tumatanggap ng kahit na sentimo mula sayo. Itabi mo nalang iyan para sa tiyahin mo. Makakatulong yan para sa pambili ni Aling Rosa ng gamot.”“Sige na Andoy, tanggapin mo na. Mahal ang gasolina ngayon.”“Ano ka ba? May kita na ako. Pauwi na nga ako ‘e. Sige na itabi mo na ‘yang bente pesos mo. Kung gusto mo talagang magbayad ng pamasahe e-kiss mo nalang ako.”“Asa ka!” Hinampas niya sa balikat si Andoy. Bitbit ang dalawang plastic na naglalaman ng pinamiling gulay ay bumaba siya ng tricycle.“Akin na yan. Ihahatid na kita sa loob ng bahay. Ayaw kung nagbubuhat ng mabibigat ang iyang makinis mong mga kamay.” Tatawa-tawang ani ni Andoy.Wala na siyang nagawa ng kunin sa kanya ni Andoy ang mga bitbit na plastic bag. Sanay na siya sa pagiging clingy ng kaibigan, lalo na sa mabulaklaking pananalita nito. Sino ba naman ang hindi masasanay kung simulat-sapul na dumating sila dito sa probinsya ay ito na ang naging kaibigan niya.“Ate, Tin-tin, may bisita ka.”Sinalubong siya ng batang pinsan na si Rizza. Anak ito ng bunsong kapatid ng kanyang ina.“Ate, Tin, binilhan mo ba ako ng amik?”“Oo. Nasa loob ng plastic bag. Sino ang sinasabi mong bisita?”“Hindi ko kilala. Mukhang masungit. Naroon sa loob ng bahay kausap ni Nanay,” nakanguso na tugon ni Rizza.“Andoy, salamat sa paghatid ha!”“Basta ikaw, my Destiny. Umulan man o umaraw, lagi akong nakahandang sunduin at ihatid ka saan man yan lupalop ng gensan.”Nailing siya at natawa. Kahit kailan talaga itong kaibigan niya. Minsan naiisip niyang may gusto talaga ito sa kanya ‘e. Kaya lang talagang simula pagkabata ay alam na niya ang ugali nito. Palabiro at hindi seryoso.“Akin na nga yang mga plastic bag kuya Andoy. Tigilan mo na ang pagtawag kay ate Tin ng my Destiny. Dahil sa iba naka destined si ate at hindi sayo.” sanasala ni Rizza.“Aray naman, Rizza. Sakit non ha! Ikaw talaga hindi ka marunong makisama. Bibilhin ko pa naman sana ang lahat ng tindang amik doon sa palengke para sayo. Kaya lang dahil sinaktan mo ang damdamin ko, kaya wag nalang.” Tugon ni Andoy. Napahawak pa ito sa dibdib na animoy nasasaktan talaga.“Totoo ang sinasabi ko kuya Andoy. Pinapasundo na ni ate Serenity si ate, Tin, dadalhin na siya sa Maynila. Kaya wala kanang pag-asa.”Ang ngiti sa kanyang labi ay biglang napawi. Maging si Andoy ay biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha at napatitig sa kanya. Titig na tila nagtatanong.“Rizza, anong pinagsasabi mo.” takang tanong niya.“Narinig ko ang pag-uusap ni nanay at nong masungit mong bisita.”Mabilis niyang tinalikuran si Rizza at Andoy. Halos takbuhin niya ang daan papasok sa loob ng bahay. Agad ang pagragasa ng kaba ng mapagsino ang tinutukoy ni Rizza na kanyang bisita.“Tin, bakit ka naman agad pumayag? Paano kung nagsisinungaling lang ang babaeng yun? Paano kung–”“Nay, totoo pong may sakit si Serenity. Nararamdaman ko na nagsasabi ng totoo si Donya Catalina,” tumigil si Destiny sa pagsalampak ng mga damit sa loob ng kanyang di kalakihan na maleta at hinarap ang tiyahin. Inabot niya ang mga palad nito at hinaplos-haplos iyon. “Nay, kailangan po ako ni Serenity, kailangan ako ng kambal ko. ‘wag niyo po ako alalahanin kaya ko na po ang sarili ko. Isa pa maraming opportunities sa manila, pwede po akong maghanap ng trabaho doon habang inaalagaan si Serenity upang may pambili tayo ng gamot mo.”“Destiny, nag-aalala ako para sayo. Kilala ko ang mga Altamerano. Baka mapahamak ka dun?”Nanginginig ang mga labi ng tiyahin kasabay ng pagpatak ng ilang butil na luha sa mga mata nito. Tila nilulukumos ang dibdib niya. Ito ang unang pagkakataon na malayo siya sa dalawang tiyahin. Sobrang mahal niya ang dalawang kapatid ng ina dahil ang mga ito ang katuwang ng k
Nakaupo sa tapat ng malaking vanity mirror si Destiny, suot niya ang isang beige light creamy off-white short sleeve dress. Mahaba ang dress at v-line ang tabas nito sa dibdib. Ang texture naman ng tela ay soft and supple at magaan sa katawan. Gawa ng isang sikat na italyan designer ang dress.Nakalugay ang itim at tuwid na mahabang buhok na may bangs. Bumabagay ang bangs sa kanyang hugis pusong mukha, ang mga manipis na labi ay may koloreteng pula, at maging ang mahabang pilikmata ay mas lalong humaba dahil sa eyelashes extension. Ang kolorete sa mukha ay hindi kakapalan. She was in Milan, Italy for Serenity’s final walk as an international model. Ngunit sa gabing ito hindi si Serenity ang rarampa kundi si Destiny. Si Destiny ang rarampa sa katauhan ng kambal na si Serenity.Mataman na tinitigan niya ang mukha sa malaking salamin. Walang tulak-kabigin, kamukhang-kamukha niya ang kambal niya. Kahit na anong titig ng kung sino man na hindi nakakaalam na may kambal si Serenity ay talag
Cameras flash everywhere. Ngunit ang bawat kislap ng camera ay hindi niya napagtuunan ng pansin. Nakapako ang kanyang tingin sa lalaking naka-upo sa kanyang unahan.Her heart raced its beat as she and Andres's eyes locked with each other. Sumasabay sa bawat tunog ng pag-click ng camera ang pag-tibók ng puso. Ang titig ng binata ay tila may hatid na isang malakas na enerhiya na humihigop sa kanyang buong kamalayan. Isang malakas na sipol mula sa kung saan ang nagpabalik sa kanyang diwa. She automatically averted her face from Andres and turned her back. Swabe siyang umikot.Having eye contact with her twin fiance suddenly makes her world stop for a moment and it even makes her heartbeat, beat weirdly. Bakit ganon? Bakit ganun ang epekto ng lalaki na iyon sa kanya?Despite the tension in her entire being she still managed to compose herself and do her ramp walk confidently. Pagdating sa dulo. Muli ay humarap siya sa lahat ng panauhin na naroon sa gabing iyon. Lumabas mula sa likuran n
Gusto man ni Destiny na itulak si Andres ay hindi niya magawa. There is a voice whispering in her ear. Saying. “Wag, Destiny. Sakaling itulak mo siya, siguradong magtataka siya. Sumabay ka sa agos at isipin ang kambal mo.” Sa halip na itulak si Andres, she chose to close her eyes. Ang mga kamay na gustong manulak ay kumapit sa magkabilang bewang nito. Mahigpit na kumapit sa jacket ng suot nitong three-piece suit.Nanginginig ang kanyang mga tuhod ngunit pilit niya iyong pinatatag, ang mga labi ay nangangatal. Paanong hindi panginigan ng tuhod at pangangatalan ng labi kung itong karanasan na ito ay bago sa kanyang pandama. This kiss was her first kiss. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Andres sucked her lips and erotically bit them which made her slightly open her lips. Andres then took the chance to slide his tongue inside her mouth.A chill feeling runs down her spine, nagsitayuan ang kanyang munting balahibo sa katawan. Andres's warm and wet tongue wandered inside her warm
Natapos na ang hapunan. Lumalalim na ang gabi. Ngunit ang pagkailang at kaba ay nanatiling buhay sa kanyang sistema. Nagulat siya ng sabihin ni Kate na naayos na nito ang kanyang mga gamit sa silid di umano nila ni Andres.Hindi niya alam ano ang gagawin sa mga oras na ito. Gusto niyang gumawa ng alibi upang hindi ito makatabi sa pagtulog ngunit wala siyang mahagilap na pwedeng gawing rason. Pakiramdam niya na sa bawat pagbuka ng labi ay mas lalong nadadagdagan ang kanyang kasinungalingan at kasalanan.Ang hirap. Ang hirap gampanan ang isang bagay na alam mong isang malaking kasalanan. Lalo pa at hindi niya kinagisnan ang pagsisinungaling at panloloko ng kapwa.Hindi humiwalay sa kanya si Andres at tila ito linta na nakadikit sa kanya. Bago tuluyang umalis sa restaurant ay lumingon siya kay Tita Catalina. Nakita niya ang pagkaawa nito sa kanya.Ngunit gaya niya ay wala rin magagawa si Tita Catalina. Isang makapangyarihan na tao si Andres at nagmula ito sa isa sa pinakamayaman na pami
“Love!” Untag ni Andres sa kanya.“Ha?” Walang ibang salitang mahagilap si Destiny na tugon sa tanong ni Andres sa kung bakit may suot siyang bra. Sinadya niya talaga iyon. Ni minsan kasi ay hindi pa niya naranasan na matulog na may katabing lalaki. Ngayon pa lang.“Come on, remove your bra. Let boobies breathe. You covered them all day!” Wika nito habang nanatiling kubkob ng palad nito ang isa niyang dibdib na sinasabayan pa nito ng bahagyang pisil. ‘Diyos ko anong gagawin ko?’ Mariin siyang lumunok habang mariin na kagat niya ang ibabang labi. Ano ang gagawin niya? Hindi niya pwedeng hubarin ang bra niya. Mahawakan nito ng tuluyan ang kanyang dibdib. “A-Andres kasi–”Ang gustong sabihin ay hindi niya naituloy. Sa halip ay nanlaki ang kanyang mga mata at saglitan na tila tumigil ang kanyang paghinga. Andres removed her bra without her being aware of it. Paano nito nagawang hubarin ang suot niyang bra? She did not even feel him unclasp it. Paano nito nagawa iyon sa napakaikling s
Nagising si Destiny dahil sa mainit na hangin na dumadampi sa kanyang pisngi. Marahan na iminulat niya ang kanyang mga mata. Ganun nalang ang kanyang pagkamangha. Himbing na himbing si Andres sa pagtulog habang nakadantay ang isang binti nito sa kanya.Sinuri niya ang kanilang posisyon.Nakatihaya siya habang ito naman ay nakatagilid at nakaharap sa kanya, habang ang mukha ay nakasubsob sa kanyang leeg. Pinakiramdaman niya ang sarili. Naikunot niya ang noo kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. Ramdam na ramdam niya ang tila bigat sa kanyang kanang dibdib. She lifted her head and her eyes widened in disbelief. Halos mapasigaw siya. Ngunit mabilis na tinakpan niya ang sariling bibig. Uminit ang kanyang buong mukha. Nasa kanang dibdib lang naman niya ang malapad at mainit nitong palad. Huminga siya ng malalim at pilit kinalma ang sarili. Kagat niya ang ibabang labi ay marahan at ingat na ingat niyang tinanggal ang kamay nito sa kanyang dibdib. Pigil niya ang paghinga. Wag lang san
Her mind is screaming, telling her to stop Andress. Ngunit wala ni isang salitang kumawala sa kanyang mga labi. Paano niya ba ito patitigilin, when she even found herself moaning?His kisses were trailing down from her earlobe to her neck. He sensually licked and nibbled her soft skin, habang walang patid ang marahan na paggalaw nito sa kanyang ibabaw.Destiny felt full of inhibitions, delicious inhibitions that filled her whole. Tuluyang nilamon ng makamundong pagnanasa ang buo niyang pagkatao. Ngunit naroon parin ang tinig sa isip na nagsasabing. “Mali ito, tumigil ka. Pigilan mo siya.”Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya magawa na patigilin si Andres. Nanghihina ang buo niyang katawan. Inalipin ng masarap na sensasyon ang kanyang kaibuturan, ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan.She felt so damn weak and helpless at the same time.Andre's hand finds its way down her womanhood. He ran his middle finger on her womanhood slit, taas-baba, marahan at senswal. She still had her