“Can you come with me today?” “You know I'm busy!” Bumangon siya at bumaba ng kama. He then went straight to the bathroom to clean up himself. “Andres, it's our wedding. Don't you think na dapat dalawa tayong nag-aasikaso nito?” Naghilamos siya ng mukha pagkatapos ay napalingon sa bungad ng pinto kung saan nakatayo si Bernadeth. Hubo't hubad ito at hindi man lang nag-abala na takpan ang sarili. “Hindi pa ba sapat na pumayag akong magpakasal sayo, Bernadeth?” Sarkastiko niyang tanong. Bernadeth swallowed hard and took a deep sigh. “Fine! Pero sana bigyan at paglaanan mo naman ng kahit konting oras ang pag-asikaso ng kasal natin. Kahit ang samahan man lang ako” “Kailangan ko pa bang uulit-ulitin na sabihin sayong busy ako? Mahirap ba talagang intindihin yun?” Tinungo niya ang shower. Binuksan niya iyon at pumailalim sa rumaragasang tubig. “I will tell manang to prepare your suit. Pagkatapos mo dyan bumaba kana at kumain. Tapos na sigurong maghanda ng agahan si Manang Pa
“Anong sabi mo?” “Ang sabi ko, gago ka, tanga, walang utak!” Nagpagting ang kanyang tenga buhat sa narinig. Sino ang babaeng ‘to para tawagin siyang tanga at walang utak? “Walang utak? Ako ang sinabihan mong walang utak?” “Kitam, tanga ka nga, gago! May iba pa bang tao na narito maliban sayo, ha? Tanga ka at wala kang utak. Sino bang matinong tao ang magtatapon ng puting ginto sa dagat ha? That gold you threw in the sea is 24-karat gold, you idiot! Hindi nagsusuot ng necklace ang mga isda, tanga!" What the–“Hoi, babae. Itatapon ko ang gusto kung itapon wala kang pakialam.” Ang sarap lang lumukusin ang mala pwet ng manok nitong bibig. Parang nanay niya. Nakakarindi ang tinig.“Gago, if you want to throw away valuable stuff. Throw it into the orphanage, Or give it to the poor. Libo-libong tao ang namamatay dahil sa gutom bawat oras, at libo-libong tao ang naghihingalo sa hospital minu-minuto, gago! And that gold you throw to the sea can buy trucks of rice, vegetables, fruits, and t
“Human na gyud, ma’am.” “Oo nga, Manong Tony. Mabuti at maaga natapos ang event. Maaga rin tayong makakapag-pahinga.” Ngumiti si Manong Tony. Hawak nito ang isang monoblock chair at ipinatong iyon sa isa sa dalawang nag patong-patong na mga monoblock chair. Pagkatapos ay kinuha ng may edad ang towel na nakasampay sa kanang balikat nito at pinunasan ang mukha at pawis sa leeg.“Pwede na kayong umuwi manong, Tony. Medyo mahaba po ang pahinga natin dahil wala pong naka book na event ngayong susunod na mga araw dito sa resort. Sa lunes pa po ang susunod na event.” Ngumiti si Manong Tony at tumango. “Mabuti naman kung ganun ma’am, Destiny. Matutuwa ang apo ko panigurado. Birthday man gud ni Alan ugma ma’am. Gusto ko sana imbitahan kayo at ang kambal.” “Sige po, Manong Tony, wala pong problema. Dadalo po kami.”“Salamat ma’am!”Napapangiti si Destiny habang tinatanaw ang ilang trabahante ng resort na isa-isang lumabas ng malaking gate. Nababakas sa mukha ng mga ito ang tuwa dahil sa m
Pagkatapos ng opening ng MC Airlines at press conference ay agad na umalis si, Andres. Panay ang ring ng kanyang cellphone, ngunit hindi niya iyon pinansin. He went straight to the hospital, sa hospital kung saan naka-confine ang kanyang ama.His father has been in a coma for three years now. Pagkatapos nito malaman ang totoong nangyari sa kanya at Serenity, at malaman ang tunay na pagkatao ni Destiny, ay inatake ito sa puso. His father fell on the hard floor which caused him a brain injury.Ang natamo ng ama na brain injury ay ang dahilan ng pagka-coma nito. Walang araw na hindi niya sinisisi ang sarili sa nangyari. Labag sa loob ng kanyang ama ang pagpapakasal niya noon kay Destiny na inakala niyang si Serenity, ngunit wala itong nagawa kundi ang supurtahan siya. Nagkaroon ng samaan ng loob ang kanyang ama at nag-iisang kapatid nito na si Tita Luisa, dahil sa kanya. His parents were against his marriage seven years ago, but they didn't have a choice but to agree with his marriage.
“Mama, tawagan natin sa cellphone mo si Dada,” muling wika ni Amihan.“Hindi natin matatawagan si, Dada, Amihan baka nasa plane pa si Dada at walang signal. Diba Mama?” si Amaya.“Miss ko na si, Dada!” Ani Amaya na hindi maitago ang lungkot sa tinig.Napapangiti siya habang nakikinig sa mga anak. Tinapunan niya ng tingin si Red, maging ito ay hindi maitago ang matinding galak sa mukha. “Si Amaya ba namis din si Dada?” si Red. Sabay na napalingon sa likurang ang mga bata. “Dada!” Magkasabay na sigaw ng mga ito. Nag-unahan ang mga itong tumungo sa kabilang side ng pool. Natawa siya ng makitang nataranta si Red sa kung sino sa kambal ang unahing ahunin sa pool. Sa huli ay sabay na inabot ni Red ang mga braso sa dalawa at sabay na inahon ang kambal.“Dada, Dada!” magkasabay na sambit ng dalawa. Tumutulo pa ang tubig mula sa katawan ng mga ito. “I miss the two of you, so much! Sobrang miss na miss kayo ni Dada!” sabay na niyakap ni Red ang mga bata at hinalikan ang mga ito sa noo at ma
Mama, sasakay ba tayo ng plane?” Si Amihan. “Oo, anak.” Maikling tugon ni Destiny sa anak. Nasa General santos city airport na sila. Kasama sina Red at Greg maging ang tiya Rina. Si Riza ang tanging naiwan sa resort. Susunod ito pagkatapos ng pasukan.“Yehey! Makakasama na natin lagi si Dada, Mama!” si Amaya.Ginulo ni Red ang buhok ni Amaya at ngumiti. Kapagkuwan ay tumitig ito sa kanya. Inabot nito ang kanyang palad at pinisil. It was Red's way of telling her that everything would be fine.Ngunit kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na magiging maayos ang lahat ay hindi niya pa rin magawang ikalma ang sarili. Iniisip niya pa lang na babalik siya ng Maynila kasama ang mga anak ay naghahatid na iyon sa kanya ng matinding pangamba at nagdudulot ng ibayong kaba.Pakiramdam niya ay tila gumagawa ang tadhana ng paraan upang magkita ang kanyang mag-ama. Iniisip niya pa lang na makikita muli si Andres ay nanlalamig na siya.Ngunit ang pangamba at kaba ay pilit niyang nilalabanan
Mula sa kinatatayuan ay kita-kitang niya kung ano ang tinitigan ng anak. It was the image of a man, that caused her many sleepless nights. Andres was wearing a tuxedo in the picture, he had this prominent look that always screamed in dominance. Ang kulay asul nitong mga mata ay tila nakikipag titigan ito kay Amaya.Her heart suddenly pounded. “Amihan, a-anong ginagawa mo?” Hindi niya napigilan ang mautal.“Mama, wala po. Tinitingnan ko lang ang mga picture sa libro.” Tukoy nito sa may kakapalan na magazine.‘Anak papa mo iyang nasa picture, siya ang papa ninyo ni Amaya!’Ngunit ang salitang iyon ay nasa isip niya lang at hindi magawang isatinig.—-----------------“Ate, Destiny!” Napalingon siya sa bungad ng pangunahing pinto. Nasa harden siya at nag didilig ng mga halaman. Nakakahiya naman kasi na walang ginagawa. “Dianna.” “Ate, pwede ko po ba dalhin sa malapit na mall ang mga bata? Gusto ko sana silang ipasyal bago magsimula sa gamutan si Amihan.” Panandalian siyang natigil. G
Hinawakan ni Andres sa magkabilang balikat ang bata. “A-Ano ulit,” mariin siyang lumunok at ang puso niya ay nakakabingi ang tibok na pati boses niya ay tila hindi na niya naririnig. “A-Ano ulit ang p-pangalan ng mama mo?” tanong niyang muli sa mababang tuno sa nangangatal na tinig. “Destiny po, Destiny Constantino ang pangalan ng mama ko. Sige na po, tawagan nyo na po ang mama ko, parang awa nyo na po!” Nanginginig na inangat niya ang mga kamay at marahan na dumapo iyon sa magkabilang pisngi ng bata. Kinulong niya sa mga palad ang mukha ng bata at matamang pinagmasdan ang kabuuan ng mukha nito. Gamit ang kanyang mga hinlalaki ay pinahid niya ang mga luha nitong lumandas sa magkabilang pisngi. “Pwede ba malaman kung ano ang pangalan mo?” Kanina pa niya alam ang pangalan ng bata ngunit pakiramdam niya ay hindi pa sapat iyon. He wanted to hear it from the child. Sana hindi lang guni-guni ang lahat. “Amaya po, ang pangalan ko, at Amihan naman po ang pangalan ng kapatid ko,” s