What if I never knew?What if I never found you?I never had this feelin' in my heart. How did this come to beI don’t know how you found meBut from the moment I saw you Deep inside my heart, I knewBaby, you're my Destiny.Mark 10 verses 8 and 9.And the two shall become one in flesh. So they are no longer two but one in flesh. Therefore, what God has joined together there is no one can separate.“The first time I laid my eyes on you twenty-two years ago, my young heart knew that it was you. It was you whom I wanted to spend my life with. That's why I fought for you, and did everything to have you!” Isang marahas na paghinga ang ginawa niya. Rinig na rinig ang marahas na paghinga niyang iyon sa loob ng simbahan dahil nakatuon ang mikropono malapit sa kanyang bibig. Everyone laughs. Destiny smiled and wiped her tears. “But fate played tricks on me, I fought for the wrong person, kneeled in the wrong person, and even wasted my tears on the wrong person. But gladly that that wrong
It was six, ngunit maliwanag pa rin ang buong paligid. Destiny was standing at the bedside while staring into the beautiful view in front of her. Tanaw mula sa bed ang buong gold coast, bughaw na bughaw ang karagatan at kulay kahel ang kapaligiran. Nakakamangha sa paningin ang tila octopus na hugis ng mga nakahilerang mini villa na tila nakalutang sa bughaw na dagat. The view was breathtakingly beautiful. “Beautiful!” Hindi mapigilang niyang sambit. “Indeed!” Mahinang sambit nang asawa niya. Marahan na humaplos ang palad nito sa kanyang magkabilang braso at pinatakan ng magaan na halik ang kanyang expose na balikat. Bawat dampi ng labi nito sa kanyang balat ay naghahatid ng kakaibang init sa kanyang buong katawan. Naipikit niya ang kanyang mga mata sabay itinagilid niya ang ulo upang bigyang laya ang labi nito sa paghalik sa kanya na ngayon ay gumagapang paakyat sa kanyang leeg tungo sa kanyang punong tenga. Isang marahas na pagsinghap ang kanyang ginawa ng maramdaman ang m
Naririnig ni Destiny ang malakas na ugong ng sasakyan mula sa labas ng malaking bahay. Kung gaano kalakas ang ugong ng sasakyan ay ganun din kalakas ang dagundong ng kanyang dibdib. Tumagilid siya ng higa. Mariin na kumapit ang kanyang mga kamay sa kumot kasabay ng mariin na pagpikit ng kanyang mga mata. Gusto niyang bumangon at salubungin ang asawa. Ngunit sa halip na gawin iyon ay heto siya. Namayani sa buong sistema ang takot. Takot na makita ang galit at sakit na nakaguhit sa mukha ng asawa. Galit at sakit na siya ang may gawa.Halos tumigil ang kanyang paghinga ng marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto. Kagat ang ibabang labi habang nanatiling mariin na napapikit kasabay ng paghigpit pa lalo ng pagkapit ng mga kamay sa kumot.Malakas na tunog ng pagbalya ng pinto ang yumanig sa kanya. Pakiramdam niya ay tila nahulog ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib.“Sleeping, huh!” Napalunok siya. Nagtatalo ang isip at puso niya kung sasagutin ang asawa o manatili sa pagkukunwaring tul
“Panty nga naay bulsa, panty nga naay magic holes ug naay garter na pang walastic, tag dyes, tag dyes! Palit namo, palit namo mga inday!” Natawa si Destiny sa sigaw ng isang mama na nagbebenta ng ukay-ukay sa bahaging iyon ng main public market ng General santos city. Galing siya sa pwesto ng tiyahin sa looban ng palengke kung saan ito nagtitinda ng isda. Mahirap ang buhay. Ngunit sa bawat araw na nakikita ni Destiny ang mga tao sa public market na iyon na hindi alintana ang hirap at nagsusumikap upang makaraos sa araw-araw at upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya ng mga ito. Naging dahilan ang senaryo na iyun para sa kanya upang mas lalong magsumikap at magpakatatag alang-alang sa tinatawag na pamilya.Katulad ng mga tao na kumakayod sa public market na iyon. Isa siya sa mga ito na gagawin ang lahat alang-alang sa pamilya. Bigla ay sumagi sa isip niya ang kanyang nag-iisang kapatid.Ibinaba niya sa sa sementong lupa ang kanyang bitbit na plastic bag na puno ng pinambiling
“Tin, bakit ka naman agad pumayag? Paano kung nagsisinungaling lang ang babaeng yun? Paano kung–”“Nay, totoo pong may sakit si Serenity. Nararamdaman ko na nagsasabi ng totoo si Donya Catalina,” tumigil si Destiny sa pagsalampak ng mga damit sa loob ng kanyang di kalakihan na maleta at hinarap ang tiyahin. Inabot niya ang mga palad nito at hinaplos-haplos iyon. “Nay, kailangan po ako ni Serenity, kailangan ako ng kambal ko. ‘wag niyo po ako alalahanin kaya ko na po ang sarili ko. Isa pa maraming opportunities sa manila, pwede po akong maghanap ng trabaho doon habang inaalagaan si Serenity upang may pambili tayo ng gamot mo.”“Destiny, nag-aalala ako para sayo. Kilala ko ang mga Altamerano. Baka mapahamak ka dun?”Nanginginig ang mga labi ng tiyahin kasabay ng pagpatak ng ilang butil na luha sa mga mata nito. Tila nilulukumos ang dibdib niya. Ito ang unang pagkakataon na malayo siya sa dalawang tiyahin. Sobrang mahal niya ang dalawang kapatid ng ina dahil ang mga ito ang katuwang ng k
Nakaupo sa tapat ng malaking vanity mirror si Destiny, suot niya ang isang beige light creamy off-white short sleeve dress. Mahaba ang dress at v-line ang tabas nito sa dibdib. Ang texture naman ng tela ay soft and supple at magaan sa katawan. Gawa ng isang sikat na italyan designer ang dress.Nakalugay ang itim at tuwid na mahabang buhok na may bangs. Bumabagay ang bangs sa kanyang hugis pusong mukha, ang mga manipis na labi ay may koloreteng pula, at maging ang mahabang pilikmata ay mas lalong humaba dahil sa eyelashes extension. Ang kolorete sa mukha ay hindi kakapalan. She was in Milan, Italy for Serenity’s final walk as an international model. Ngunit sa gabing ito hindi si Serenity ang rarampa kundi si Destiny. Si Destiny ang rarampa sa katauhan ng kambal na si Serenity.Mataman na tinitigan niya ang mukha sa malaking salamin. Walang tulak-kabigin, kamukhang-kamukha niya ang kambal niya. Kahit na anong titig ng kung sino man na hindi nakakaalam na may kambal si Serenity ay talag
Cameras flash everywhere. Ngunit ang bawat kislap ng camera ay hindi niya napagtuunan ng pansin. Nakapako ang kanyang tingin sa lalaking naka-upo sa kanyang unahan.Her heart raced its beat as she and Andres's eyes locked with each other. Sumasabay sa bawat tunog ng pag-click ng camera ang pag-tibók ng puso. Ang titig ng binata ay tila may hatid na isang malakas na enerhiya na humihigop sa kanyang buong kamalayan. Isang malakas na sipol mula sa kung saan ang nagpabalik sa kanyang diwa. She automatically averted her face from Andres and turned her back. Swabe siyang umikot.Having eye contact with her twin fiance suddenly makes her world stop for a moment and it even makes her heartbeat, beat weirdly. Bakit ganon? Bakit ganun ang epekto ng lalaki na iyon sa kanya?Despite the tension in her entire being she still managed to compose herself and do her ramp walk confidently. Pagdating sa dulo. Muli ay humarap siya sa lahat ng panauhin na naroon sa gabing iyon. Lumabas mula sa likuran n
Gusto man ni Destiny na itulak si Andres ay hindi niya magawa. There is a voice whispering in her ear. Saying. “Wag, Destiny. Sakaling itulak mo siya, siguradong magtataka siya. Sumabay ka sa agos at isipin ang kambal mo.” Sa halip na itulak si Andres, she chose to close her eyes. Ang mga kamay na gustong manulak ay kumapit sa magkabilang bewang nito. Mahigpit na kumapit sa jacket ng suot nitong three-piece suit.Nanginginig ang kanyang mga tuhod ngunit pilit niya iyong pinatatag, ang mga labi ay nangangatal. Paanong hindi panginigan ng tuhod at pangangatalan ng labi kung itong karanasan na ito ay bago sa kanyang pandama. This kiss was her first kiss. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Andres sucked her lips and erotically bit them which made her slightly open her lips. Andres then took the chance to slide his tongue inside her mouth.A chill feeling runs down her spine, nagsitayuan ang kanyang munting balahibo sa katawan. Andres's warm and wet tongue wandered inside her warm